National Discourse

Tuesday, December 28, 2010 · 3 comments

"My challenge is for you to be part of the national discourse..... Through blogs you can share to your countrymen what you see when you are in different countries. You can share with us the good and the bad. Through your blogs, Facebook accounts, and Twitter, you can inspire those you left at home to be better and to strive more."

Thus says Carlo Ople, keynote speaker of the 3rd Pinoy Expats/OFW Blog Awards held at the Teatrino Promenade, Greenhills, San Juan last December 18, 2010.




























Indeed, blogging has evolved from just a simple "online diary" where we can chronicle our personal thoughts and the personal events and things that occour on a blogger's life. Today, bloggers are given the unlimited power to speak their mind about issues. We are given the liberty to participate in the national discourse of relevant issues and events in our country.

Thus, we are now called to be more responsible in what we write. We need to be more careful in sharing our thoughts, knowing that our ideas may somehow affect the future of the nation.

The challenge is to participate in the National Discourse. And today, I respond and take part of the challenge.


**********


SIYETEHAN participates in PEBA


I got a tweet from Azel, a college classmate and friend of mine suggesting me to take part in the 2010 PEBA under the OFW Supporters Category about the middle of October. Not wanting to disappoint her, I tried to compose a rush short story and submitted it to the event organizers. Back then, I knew I had little chance of making it to the short-listed finalists because 1) I didn't invest much time and effort in composing the story (madalian lang dahil malapit na rin kasi ang deadline of submission when I learned about the contest) and 2) Popularity is one of the criterias for the selection of the finalists (sadly, I don't have that much blogger friends to rally behind me when the online votation comes).

And so was I surprised when Yanah, one of the event coordinators, adviced me thru email that I am one of the awards recepients.

The Awards night was held at the Teatrino Promenade, Greenhills last December 18, 2010. I had the greatest honor when my wife willingly accompanied me on the event.

























Well, we came at around 6 in the evening but were told by the security on duty that we are not yet allowed to enter into the theater, so we went to a nearby shop to sip coffee while waiting for the event to start.





















The program proper started a bit later than schedule, however, you can somehow feel the excitement in the air as the finalists look forward to the awarding.

To cut the long story short, my entry, Wander Milyoner, made it at 8th Place for the Top 10 Outstanding Blogs Supporters Division (not bad for a neophyte participant).



(many thanks to AXL Powerhouse Production for the above two pictures)





































SIYETEHAN would like to congratulate all the PEBA Awardess, but most to ANIMUS and to FELMAR'S MISSIONARY JOURNEY for bagging the Top 1 Spot on the Outstanding Blog for OFW Bloggers Category and OFW Supporters Category, respectively.

We didn't have the opportunity to mingle with co-bloggers, judges, and the PEBA organizers after the event, but truly, we are so grateful for being with all these great people on the event.

Hanggang sa muling pagkikita sa mga susunod pang PEBA Awards Night!



**********

Personal thanks to Azel, Yanah, and the rest of the PEBA team. Also to those unnamed persons who chose Siyetehan during the online voting.

Thank you to all who have taken the time to read my post, Wander Milyoner. It has always been my dream and desire that people will become entertained, encouraged, and blessed with the things I write on my blog (this, in a way, is the answer to the call of the National Discourse that Carlo Ople has been trying to emphasize).

Most thanks go to our Sovereign God who has given us all respective gifts and skills to harness and use for His glory.

**********

This will also be my year-ender post, so let me all greet you a Blessed New Year.

Magkita-kita tayong muli sa 2011!

Exchange Gift

Sunday, December 12, 2010 · 2 comments

Hindi ako naniniwala sa salitang "swerte". Pero for purposes of this blog post eh gagamitin ko ang salitang ito.

Mula kasi nang sumali ako sa mga exche-exchange gifts na 'yan pag pasko eh talaga namang wala akong ka-swerte swerte sa mga natatanggap kong regalo. Yung, ika nga nila, eh, forgetable na mga gift items.

Ewan ko, pero siguro, nag-ugat yan dahil na rin sa akin. Ika nga nila, eh, "you reap what you sow". Noon kasing bata ako, isinali ako nang tiyahin ko sa christmas party ng kapatid kong nag-aaral sa kinder. Kumbaga ba, salingpusa ako. At dahil yung tiyahin ko naman ang may pakana nang lahat, siya na rin ang nag-abalang umisip ng ireregalo ko. Nalaman ko na lang bago kami umalis ng bahay na ang ibinalot pala ng tiyahin ko na ipang e-exchange gift ko ay mga itlog pala ng manok.

Hindi ko na alam (at hindi ko na talaga inalam) kung sinuman ang pobreng nakatanggap ng mga itlog ng manok; pero simula nga noon ay wala talaga akong swerte pagdating sa mga exchange gifts tuwing pasko.

(Tandang-tanda ko pa noong grade 3, matatawag kong all-time low ito dahil ang natanggap ko ay isang putol na Perla. Oo, yung sabong puti na ayaw bumula kahit ilang kusot na ang gawin mo).


++++++++++

Para sa mga bata daw ang Pasko. Hindi nga ba't ilang libo rin ang nagagasta nang mga ninong at ninang sa pagbili ng laruan at pamimigay ng mga malulutong na bills tuwing kapaskuhan?

At gaano man kalungkot ang ating mga ala-ala patungkol sa natatanggap nating regalo noong tayo'y mga bata pa lamang, tila ba napapawi ang mga ito tuwing tayo naman ang nagbibigay na ng mga regalo at aginaldo sa ating mga mahal sa buhay?

Tama nga ang sinasabi nang karamihan. Ang diwa nang pasko ay ang matutunan natin na mas pinagpapala ang nagbibigay kaysa sa binibigyan.

--------------------

Ito ay sapagkat sa ganitong paraan inibig ng Diyos ang sanlibutan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. (Juan 3:16)



How Reliable Is The Internet?

Monday, November 15, 2010 · 6 comments

Whoever have discovered the internet has a very brilliant mind, I should say.

Nowadays, it is very easy to know about anything because with just a few clicks into the internet, you can have access to "almost" anything and everyting under the sun.

When you want to know of a current event or news, you need not have to wait for the evening telecast or get hold of the newspaper the following morning. That is because news are now being posted in various website as it happens.

But how reliable is the internet, many can argue; and the google screenshot below will tell you why:

Aquino, Trillanes, and the Morong 43

Monday, November 8, 2010 · 2 comments

A few days ago, I happened to pass by a group of demonstrators at the Camp Bagong Diwa in Taguig City, who were calling for the release of the Morong 43 (a group of Health Workers arrested by the military as they allegedly belong to a group of leftists).

To me, the case of the Morong 43 seems like the case of the Magdalo soldiers (led by former officer, and now Senator Antonio "Sonny" Trillanes IV).

But while there were questions raised on the validity of the Morong 43 being rebellious against the government, the Magdalo soldiers declared an open rebellion against the then-Arroyo Administration. While the Filipino people only learned about the Morong 43 after they were arrested, the entire nation watched on National TV at how Trillanes, Faeldon, and the rest of the Magdalo group, took camp at Oakwood Hotel in Makati City to declare rebellion and call for the resignation of President Gloria Arroyo.

On October 11, 2010, incumbent President Benigno "Noynoy" Aquino signed Proclamation Order Number 50 granting Amnesty to the soldiers who took part in the Oakwood Mutiny and the Manila Peninsula Seige, thus giving the possibility for Trillanes and his group to be free from detention.

My question, therefore, comes to this: "If President Aquino can grant Amnesty to people who declared open rebellion against the government, why can't he grant the same to people who were charged without "very clear" evidences at all?"

I am against the President giving amnesty to the Oakwood Mutineers. Clearly, they have committed offenses against the government, and clearly, they should be tried and charged with corresponding penalties. But for the president to give to the other, while could withheld to another is just a different story.

Or, is this all just a political exercise?

Wander Milyoner

Sunday, October 17, 2010 · 25 comments

"Talaga? Uuwi na'y Mister mo? Wow naman! Chocolates ha? Tsaka baka pwedeng humingi ng 1 dollar, pang souvenir, hehe.", pabiro kong sabi kay Mabel. "Oy, tsaka kailangan, magpapayat ka, para masundan na'y inaanak ko, hahaha!"



"Loka!", patawang sabi din ni Mabel. "Nakakalungkot nga eh. Two weeks lang ang vacation niya. Mabuti nga at pinayagan siya. 3rd birthday kasi nung inaanak mo kaya siya nagpupumilit umuwi. Alam mo naman si kumpare mo, Family Man."



"Ay oo. Tsaka birthday ni Unica Hija niya, hindi siya pwedeng hindi umuwi", sabi ko.



**********



Masaya na rin ako parang kay Mareng Mabel. Kahit na paminsan-minsan ay talagang hindi niya mapigil ang pagdaing sa akin dahil mahirap nga naman na nasa malayo ang Mister niya, lalo na tuwing magkakasakit ang anak nila, o tuwing pasko o may okasyon pero hindi pinayagang umuwi sa Pilipinas.



Natutuwa na rin ako dahil alam kong nagsusumikap silang dalawang mag-asawa at may pinatutunguhan ang paghihirap nilang dalawa.



Naalala ko tuloy ang kwento (at tsismis) nung kasambahay ng Nanay ko sa probinsiya. Nung minsan kasi ay tinanong ko siya kung kumusta na iyong mga kapitbahay niya (at kababayan namin) na ang mga asawa ay nagsipag-abroad.



"Ay naku! Ayun! Masasaya na naman ang mga hinayupak na Wander Milyoner!", pabulalas na sabi ni Aling Neneng.



"Ano hong Wander Milyoner?", tanong ko.



"Eh 'di yung mayaman ngayon, bukas nakatunganga!", sagot niya. "Kahapon kasi, dumating yung LBC, naka-motorsiklo. Me inabot na rimitans dun ke Betty at ke Celia. Aba, akalain mo, kanina, nagshopping na yung dalawa!"



Dahil ginanahan na, tuloy na rin ang kwento (at tsismis) ni Aling Neneng.



"Ang hirap kasi dun sa mga asa-asawa nila, panay lang ang padala ng pera dito. Ni hindi nga umuuwi sa Pilipinas, eh! Alam pa ba nila kung ano'ng ginagawa ng mga Misis nila sa perang pinapadala nila dito?!



Aba'y si Betty, pagkatanggap ng pera galing sa asawang nagpapakahirap sa abroad, inuubos agad sa pagsi-shopping! Naka-modelo nga ng celfone yung dalawang anak eh! Pero wag ka ha? Yung dalawang anak niya, parehong mahilig sa basag-ulo. Ang makursunadahan, basta na lang sinusuntok at hinahamon ng away! Ewan ko lang kung pagdating ng ama galing abroad eh kaya pang i-disiplina yung dalawa.



Pero oist! Atin atin na lang ha?", pabulong na sabi ni Aling Neneng. "Iyon namang si Celia, aba'y bukas-makalawa, baka sumakabilang-bahay na."



"Ano ho?! Ano ho ang sakit?!", sabi ko.



"Ay, naku, ikaw, bata ka. Sumakabilang-bahay ang sabi ko, hahaha". Ibig kong sabihin, may kinakatagpo na tiga-kabilang barangay. Kaya hindi magtatagal, sa kabilang bahay na uuwi 'yon, kasi ang huling balita ko eh napuruhan ata, nabuntis ang loka. Siyempre hindi pa alam nung kawawang Mister na nasa abroad kaya panay pa rin ang padala ng sustento.", patuloy na kwento ni Aling Neneng.


**********


Hindi na nakakapagtaka ang mga kwentong ganoon tungkol sa mga nag-a-abroad.



Nakalulungkot isipin na kung paano ang pagpipilit ng ilan sa mga OFWs na magsumikap at magtiis para sa pamilyang iniwan sa Pilipinas ay nasisira naman ang mismong pamilya dahil sa wala sila rito sa bansa upang gabayan ang mga miyembro nito.



"You can't have all", ang sabi ng isang anonymous writer.



Subalit hindi ba't ang Panginoon naman ang nagdisenyo ng pamilya, kung kaya may kapasidad ito upang magsama ng matagumpay at maayos, kahit sa anong uri ng pagsubok at sitwasyon?



May kuwento ng lungkot katulad nila Betty at Celia. Ngunit lahat ba ng kwentong OFW ay katulad nila?


**********



"Uy, mare, wag kang mawawala sa birthday ng inaanak mo", sabi ni Mabel. "Sabado nang hapon 'yon".



"Sa Sabado na ba? Eh yung Mister mo, kumusta? Natuloy bang umuwi?", sabi ko.



"Oo, kahapon dumating", masayang kwento ni Mabel. "Alam mo, nag-usap kaming mag-asawa. Napagdesisyunan namin na huling kontrata na niya itong susunod na dalawang taon. Pagkatapos nang dalawang taon, tigil na siya sa pag-a-abroad".



"O, bakit naman? Malaki ang kita niya ah", sabi ko.



"Noong una pa naman, malinaw na sa aming dalawa na temporary lang ang pag-a-abroad niya. Talagang kailangan lang na makaipon kami ng malaki-laking pera para maumpisahan yung negosyo na binabalak naming itayo sa probinsiya nila sa Dagupan", kwento ni Mabel.


"Kaya nga kung mapapansin mo, kahit nasa abroad ang Mister ko, hindi naman halos nagbago ang lifestyle ko. Wise spending kami lagi, bumibili lang ng kung ano ang kailangan at kung ano ang dapat. Kahit yung anak namin, hindi lumaking may luho sa katawan. Eh ngayon na halos sapat na ang naipon namin para sa maayos na negosyo, pwede na siyang hindi mag-abroad.


Isa pa, lumalaki na ang anak namin. Mas magandang nakikita at nagagabayan siya ng Tatay niya sa paglaki niya."


--------------------

Ang kwentong ito ay alay para sa mga kababayan natin na nagsisikap magtrabaho sa ibang bansa upang mabigyan ng mabuting buhay ang kanilang pamilya dito sa Pilipinas. Gayundin, ito ay lahok para sa:












Kung kayo ay pinagpala ng kuwentong ito, hinihiling ng may akda na iboto ninyo ang entry na ito sa Online Voting System ng PEBA website. Sundin lamang ang mga sumusunod na proseso:


1. I-click ang link na ito upang makapunta sa PEBA Website.

2. Hanapin sa kaliwang bahagi ng webpage ang listahan ng mga Philippine Based Nominees.

3. I-check ang #15. Siyetehan, Quezon City Philippines at I-click ang Submit Vote Button.

Marami pong salamat.

Si Mang Joe

Tuesday, September 21, 2010 · 32 comments

Regular visitor namin si Mang Joe dati sa Boarding House noong nag-aaral pa ako sa isang malaking unibersidad sa Central Luzon.


Araw-araw kasi tuwing alas sais ng hapon, tumatambay na siya sa tapat ng bahay para maghintay ng mga estudyanteng bibili ng tinda niyang fishballs. Dahil marami-rami kaming nanunuluyan sa boarding house, halos sa amin pa lang, nauubos na ang paninda niya. Naging kapalagayan na rin namin siya ng loob kaya kahit na ubos na ang paninda, tumatambay rin siya paminsan-minsan para lang makipagkwentuhan.


Minsan ay naisipan ko siyang biruin kung bakit naman sa dinami-dami ng maititinda eh yung cheap at street food pa ang napili niya.


"Oy, Dong, wag mong iniismol ang pisbol ko! Alam mo bang kahit pisbol lang ang tinda ko eh me anak ako sa UP?", mayabang niyang sagot.


"Talaga ho?!", pagulat kong sabi.


"Oo, Dong, pero yung anak ko, nagtitinda rin ng pisbol sa UP!", tsaka siya tumawa ng malutong. "Pumasok ka na nga, Dong, sa boarding house, at gumagabi na. Baka maaga pa ang pasok mo bukas".




**********


Nang minsang matiyempuhan na ako lang ang mag-isang bumibili ng fishball ay tinanong ako ni Mang Joe. "Dong, mahirap ba yang course mong Education? Kasi yung anak kong sinasabi sa'yo na nasa UP, magsi-second year na sa June, eh Education daw ang kukuhaning kurso."


Noon ko lang nalaman na totoo palang may anak siyang fishball vendor nga sa UP pero paunti-unti ay nag-aaral.


"Hindi naman mahirap ang kursong Education, Mang Joe. Ang importante eh masipag mag-aral at may determinasyon na makatapos", sabi ko.


"Kunsabagay, tama ka. Alam mo, masipag yung anak ko. Tsaka hindi niya ikinakahiya na magtinda ng fishball. Basta sa kanya, hindi dapat ikahiya ang marangal na trabaho, makatapos lang ng pag-aaral."


"Magtatagumpay ang anak niyo, Mang Joe", sabi ko. "Sa tulong ng Diyos, makakatapos ang anak niyo."


"Salamat, Dong. Yan ang ipinapanalangin ko sa Kanya araw-araw", pagwawakas niyang sabi.






**********


Lumabas ako isang hapon dahil nagkaka-ingay sa tapat ng Boarding House. Masaya ang mga tao habang nakapaligid sa fishball cart ni Mang Joe. Nang matanaw ako ni Mang Joe ay pasigaw niya akong tinawag. "Dong! Alika dito! Tumusok ka na nang fishball dito at sagot ko! Eat All You Can!", masaya niyang sabi.


"Ano ho'ng meron?", sabi ko nang makalapit ako't mag-umpisang tumuhog ng fishball.


"Na-promote ang anak niya, 'tol!", sabi nang isang boardmate ko. "Di na raw fishball vendor. Sa Jollibee na raw nagta-trabaho, hahaha!".


"Oo, Dong", sabi ni Mang Joe. "Natanggap na crew sa Jollibee ang anak ko sa may Pelkuwa daw ata 'yun", nakangiti niyang sabi.


"Ah, PHILCOA po", sabi ko naman. "Mas mainam po doon, mas malaki ang kita niya at mas maayos ang trabaho".


"Oo, kaya nga tuwang-tuwa ako. O! tusok pa! Kain lang ng kain at walang bayad yan!"


Halos alas-otso na nang gabi nang magpaalam si Mang Joe para umuwi.


"Sandali ho, Mang Joe", sabi ko at mabilis akong pumasok sa Boarding House.


Pagbalik ko ay iniabot ko ang ilang librong itinabi ko na layon ko talagang ibigay sa anak ni Mang Joe. "Pakibigay niyo na ho ito sa anak niyo. Mga libro ko ho yan at mga reviewers. Dagdag reading materials para hindi na siya bumili pa."


"Salamat, Dong, ha! Matutuwa ang anak ko dito. Tamang-tama, dadalaw kami sa kanya sa katapusan, maibibigay ko ito sa kanya!"






**********


Limang taon ang lumipas nang muli akong makabalita tungkol kay Mang Joe. Kagagaling ko noon sa pinapagtuturuang University sa Quezon City at naisipan kong manood ng documentary show sa Channel 7 kung saan ang feature nila ay tungkol sa mga estudyanteng nag-top ng board exam sa larangan ng Accountancy, Nursing at Education.

Kasali sa istorya ay ang family at educational background ng mga topnotchers, at isa sa mga ini-interview ay isang taong kilalang-kilala ko- Si Mang Joe.

Nag-top 2 pala ang anak niya sa Board Exam for Teachers, at ngayon ay na-absorb na para maging professor sa UP. Nakakatuwa dahil hindi niya ikinahiyang sabihin sa publiko na nagtinda siya ng fish ball at naging crew ng Jollibee para lang makapag-ipon ng pang-matrikula. Malaki rin ang pasasalamat niya sa mga magulang niya na naging inspirasyon niya para makapagtapos ng pag-aaral.

Nalaman ko rin na kahit nakatapos na nang pag-aaral ang anak ay patuloy pa rin si Mang Joe sa pagtitinda ng fishball sa pinag-aralan kong unibersidad.

Bigla ko tuloy na-miss kumain nang fishball. Naisip ko- sa katapusan ay yayayain kong dumalaw sa probinsiya ang pamilya ko. Dadaan din kami sa dati kong unibersidad para kumain nang fishball.

Panigurado, may eat all you can offer na naman sa akin si Mang Joe.





--------------------




Ang kwentong ito ay entry para sa Maikling Kwento sa ikalawang taon ng Saranggola Blog Awards.










Maraming salamat sa DMCI Homes at Alta Vista De Boracay na siyang tumatayong sponsors ng Saranggola Blog Awards.




















Ulan

Thursday, August 5, 2010 · 2 comments




Pag-ibig ko'y umaapaw
Damdamin ko'y humihiyaw
Sa tuwa

Tuwing umuulan
At kapiling ka

Toblerone

Wednesday, July 28, 2010 · 5 comments

"Kuya, kuya!", ang sabing pasigaw ng isang walong taong gulang na batang lalake sa kanyang nakatatandang kapatid.

"Kuya, nakatikim na ako nun!", may halong pagmamalaking turo ng batang lalake sa isang medyo mamahaling kahon ng tsokolateng naka-display sa grocery store.

Ewan ko sa inyo. Pero nang marinig ko ang kwentong ito, nalungkot ako.

President Noynoy Aquino's First State of the Nation Address (SONA)

Monday, July 26, 2010 · 0 comments

Full transcript of the State of the Nation Address
of His Excellency Benigno S. Aquino III
President of the Philippines
to the Congress of the Philippines
Session Hall of the House of Representatives
Delievered at the Batasan Pambansa Complex, Quezon City, July 26, 2010

Speaker Feliciano Belmonte; Senate President Juan Ponce Enrile; Vice President Jejomar Binay; Chief Justice Renato Corona; Former Presidents Fidel Valdez Ramos and Joseph Ejercito Estrada; members of the House of Representatives and the Senate; distinguished members of the diplomatic corps; my fellow workers in government;

Mga minamahal kong kababayan:

Sa bawat sandali po ng pamamahala ay nahaharap tayo sa isang sangandaan.

Sa isang banda po ay ang pagpili para sa ikabubuti ng taumbayan. Ang pagtanaw sa interes ng nakakarami; ang pagkapit sa prinsipyo; at ang pagiging tapat sa sinumpaan nating tungkulin bilang lingkod-bayan. Ito po ang tuwid na daan.

Sa kabilang banda ay ang pag-una sa pansariling interes. Ang pagpapaalipin sa pulitikal na konsiderasyon, at pagsasakripisyo ng kapakanan ng taumbayan. Ito po ang baluktot na daan.

Matagal pong naligaw ang pamahalaan sa daang baluktot. Araw-araw po, lalong lumilinaw sa akin ang lawak ng problemang ating namana. Damang-dama ko ang bigat ng aking responsibilidad.

Sa unang tatlong linggo ng aming panunungkulan, marami po kaming natuklasan. Nais ko pong ipahayag sa inyo ang iilan lamang sa mga namana nating suliranin at ang ginagawa naming hakbang para lutasin ang mga ito.

Sulyap lamang po ito; hindi pa ito ang lahat ng problemang haharapin natin. Inilihim at sadyang iniligaw ang sambayanan sa totoong kalagayan ng ating bansa.

Sa unang anim na buwan ng taon, mas malaki ang ginastos ng gobyerno kaysa sa pumasok na kita. Lalong lumaki ang deficit natin, na umakyat na sa 196.7 billion pesos. Sa target na kuleksyon, kinapos tayo ng 23.8 billion pesos; ang tinataya namang gastos, nalagpasan natin ng 45.1 billion pesos.

Ang budget po sa 2010 ay 1.54 trillion pesos.

Nasa isandaang bilyong piso o anim at kalahating porsyento na lang ng kabuuan ang malaya nating magagamit para sa nalalabing anim na buwan ng taong ito.

Halos isang porsyento na lang po ng kabuuang budget ang natitira para sa bawat buwan.

Saan naman po dinala ang pera?

Naglaan ng dalawang bilyong piso na Calamity Fund bilang paghahanda para sa mga kalamidad na hindi pa nangyayari. Napakaliit na nga po ng pondong ito, ngunit kapapasok pa lang natin sa panahon ng baha at bagyo, 1.4 billion pesos o sitenta porsyento na ang nagastos.

Sa kabuuan ng 108 million pesos para sa lalawigan ng Pampanga, 105 million pesos nito ay napunta sa iisang distrito lamang. Samantala, ang lalawigan ng Pangasinan na sinalanta ng Pepeng ay nakatanggap ng limang milyong piso lamang para sa pinsalang idinulot ng bagyong Cosme, na nangyari noong 2008 pa.

Ibinigay po ang pondo ng Pampanga sa buwan ng eleksyon, pitong buwan pagkatapos ng Ondoy at Pepeng. Paano kung bumagyo bukas? Inubos na ang pondo nito para sa bagyong nangyari noong isang taon pa. Pagbabayaran ng kinabukasan ang kasakiman ng nakaraan.

Ganyan din po ang nangyari sa pondo ng MWSS. Kamakailan lamang, pumipila ang mga tao para lang makakuha ng tubig. Sa kabila nito, minabuti pa ng liderato ng MWSS na magbigay ng gantimpala sa sarili kahit hindi pa nababayaran ang pensyon ng mga retiradong empleyado.

Noong 2009, ang buong payroll ng MWSS ay 51.4 million pesos. Pero hindi lang naman po ito ang sahod nila; may mga additional allowances at benefits pa sila na aabot sa 160.1 million pesos. Sa madaling sabi, nakatanggap sila ng 211.5 million pesos noong nakaraang taon. Beinte-kuwatro porsyento lang nito ang normal na sahod, at sitenta’y sais porsyento ang dagdag.

Ang karaniwang manggagawa hanggang 13th month pay plus cash gift lang ang nakukuha. Sa MWSS, aabot sa katumbas ng mahigit sa tatlumpung buwan ang sahod kasama na ang lahat ng mga bonuses at allowances na nakuha nila.

Mas matindi po ang natuklasan natin sa pasahod ng kanilang Board of Trustees. Tingnan po natin ang mga allowances na tinatanggap nila:

Umupo ka lang sa Board of Trustees at Board Committee meeting, katorse mil na. Aabot ng nobenta’y otso mil ito kada buwan. May grocery incentive pa sila na otsenta mil kada taon.

Hindi lang iyon: may mid-year bonus, productivity bonus, anniversary bonus, year-end bonus, at Financial Assistance. May Christmas bonus na, may Additional Christmas Package pa. Kada isa sa mga ito, nobenta’y otso mil.

Sa suma total po, aabot ang lahat ng dalawa’t kalahating milyong piso kada taon sa bawat miyembro ng Board maliban sa pakotse, technical assistance, at pautang. Uulitin ko po. Lahat ng ito ay ibinibigay nila sa kanilang mga sarili habang hindi pa nababayaran ang mga pensyon ng kanilang mga retirees.

Pati po ang La Mesa Watershed ay hindi nila pinatawad. Para magkaroon ng tamang supply ng tubig, kailangang alagaan ang mga watershed. Sa watershed, puno ang kailangan. Pati po iyon na dapat puno ang nakatayo, tinayuan nila ng bahay para sa matataas na opisyal ng MWSS.

Hindi naman sila agad maaalis sa puwesto dahil kabilang sila sa mga Midnight Appointees ni dating Pangulong Arroyo. Iniimbestigahan na natin ang lahat nang ito. Kung mayroon pa silang kahit kaunting hiya na natitira – sana kusa na lang silang magbitiw sa puwesto.

Pag-usapan naman po natin ang pondo para sa imprastruktura. Tumukoy ang DPWH ng dalawandaan apatnapu’t anim na priority safety projects na popondohan ng Motor Vehicle Users Charge. Mangangailangan po ito ng budget na 425 million pesos.

Ang pinondohan po, dalawampu’t walong proyekto lang. Kinalimutan po ang dalawandaan at labing walong proyekto at pinalitan ng pitumpung proyekto na wala naman sa plano. Ang hininging 425 million pesos, naging 480 million pesos pa, lumaki lalo dahil sa mga proyektong sa piling-piling mga benepisyaryo lang napunta.

Mga proyekto po itong walang saysay, hindi pinag-aralan at hindi pinaghandaan, kaya parang kabuteng sumusulpot.

Tapos na po ang panahon para dito. Sa administrasyon po natin, walang kota-kota, walang tongpats, ang pera ng taumbayan ay gagastusin para sa taumbayan lamang.

Meron pa po tayong natuklasan. Limang araw bago matapos ang termino ng nakaraang administrasyon, nagpautos silang maglabas ng 3.5 billion pesos para sa rehabilitasyon ng mga nasalanta nina Ondoy at Pepeng.

Walumpu’t anim na proyekto ang paglalaanan dapat nito na hindi na sana idadaan sa public bidding. Labingsiyam sa mga ito na nagkakahalaga ng 981 million pesos ang muntik nang makalusot. Hindi pa nailalabas ang Special Allotment Release Order ay pirmado na ang mga kontrata.
Buti na lang po ay natuklasan at pinigilan ito ni Secretary Rogelio Singson ng DPWH. Ngayon po ay dadaan na ang kabuuan ng 3.5 billion pesos sa tapat na bidding, at magagamit na ang pondo na ito sa pagbibigay ng lingap sa mga nawalan ng tahanan dahil kina Ondoy at Pepeng.

Pag-usapan naman natin ang nangyari sa NAPOCOR. Noong 2001 hanggang 2004, pinilit ng gobyerno ang NAPOCOR na magbenta ng kuryente nang palugi para hindi tumaas ang presyo. Tila ang dahilan: pinaghahandaan na nila ang eleksyon.

Dahil dito, noong 2004, sumagad ang pagkakabaon sa utang ng NAPOCOR. Napilitan ang pambansang gobyerno na sagutin ang dalawandaang bilyong pisong utang nito.

Ang inakala ng taumbayan na natipid nila sa kuryente ay binabayaran din natin mula sa kaban ng bayan. May gastos na tayo sa kuryente, binabayaran pa natin ang dagdag na pagkakautang ng gobyerno.

Kung naging matino ang pag-utang, sana’y nadagdagan ang ating kasiguruhan sa supply ng kuryente. Pero ang desisyon ay ibinatay sa maling pulitika, at hindi sa pangangailangan ng taumbayan. Ang taumbayan, matapos pinagsakripisyo ay lalo pang pinahirapan.

Ganito rin po ang nangyari sa MRT. Sinubukan na namang bilhin ang ating pagmamahal. Pinilit ang operator na panatilihing mababa ang pamasahe.

Hindi tuloy nagampanan ang garantiyang ibinigay sa operator na mababawi nila ang kanilang puhunan. Dahil dito, inutusan ang Landbank at Development Bank of the Philippines na bilhin ang MRT.

Ang pera ng taumbayan, ipinagpalit sa isang naluluging operasyon.

Dumako naman po tayo sa pondo ng NFA.

Noong 2004: 117,000 metric tons ang pagkukulang ng supply ng Pilipinas. Ang binili nila, 900,000 metric tons. Kahit ulitin mo pa ng mahigit pitong beses ang pagkukulang, sobra pa rin ang binili nila.

Noong 2007: 589,000 metric tons ang pagkukulang ng supply sa Pilipinas. Ang binili nila, 1.827 million metric tons. Kahit ulitin mo pa ng mahigit tatlong beses ang pagkukulang, sobra na naman ang binili nila.

Ang masakit nito, dahil sobra-sobra ang binibili nila taun-taon, nabubulok lang pala sa mga kamalig ang bigas, kagaya ng nangyari noong 2008.

Hindi po ba krimen ito, na hinahayaan nilang mabulok ang bigas, sa kabila ng apat na milyong Pilipinong hindi kumakain ng tatlong beses sa isang araw?

Ang resulta nito, umabot na sa 171.6 billion pesos ang utang ng NFA noong Mayo ng taong ito.

Ang tinapon na ito, halos puwede na sanang pondohan ang mga sumusunod:

Ang budget ng buong Hudikatura, na 12.7 billion pesos sa taong ito.

Ang Conditional Cash Transfers para sa susunod na taon, na nagkakahalaga ng 29.6 billion pesos.

Ang lahat ng classroom na kailangan ng ating bansa, na nagkakahalaga ng 130 billion pesos.

Kasuklam-suklam ang kalakarang ito. Pera na, naging bato pa.

Narinig po ninyo kung paano nilustay ang kaban ng bayan. Ang malinaw po sa ngayon: ang anumang pagbabago ay magmumula sa pagsiguro natin na magwawakas na ang pagiging maluho at pagwawaldas.

Kaya nga po mula ngayon: ititigil na natin ang paglulustay sa salapi ng bayan. Tatanggalin natin ang mga proyektong mali.

Ito po ang punto ng tinatawag nating zero-based approach sa ating budget. Ang naging kalakaran po, taun-taon ay inuulit lamang ang budget na puno ng tagas. Dadagdagan lang nang konti, puwede na.

Sa susunod na buwan ay maghahain tayo ng budget na kumikilala nang tama sa mga problema, at magtutuon din ng pansin sa tamang solusyon.

Ilan lang ito sa mga natuklasan nating problema. Heto naman po ang ilang halimbawa ng mga hakbang na ginagawa natin.

Nandiyan po ang kaso ng isang may-ari ng sanglaan. Bumili siya ng sasakyang tinatayang nasa dalawampu’t anim na milyong piso ang halaga.

Kung kaya mong bumili ng Lamborghini, bakit hindi mo kayang magbayad ng buwis?

Nasampahan na po ito ng kaso. Sa pangunguna nina Finance Secretary Cesar Purisima, Justice Secretary Leila de Lima, BIR Commissioner Kim Henares at Customs Commissioner Lito Alvarez, bawat linggo po ay may bago tayong kasong isinasampa kontra sa mga smuggler at sa mga hindi nagbabayad ng tamang buwis.

Natukoy na rin po ang salarin sa mga kaso nina Francisco Baldomero, Jose Daguio at Miguel Belen, tatlo sa anim na insidente ng extralegal killings mula nang umupo tayo.

Singkuwenta porsyento po ng mga insidente ng extralegal killings ang patungo na sa kanilang resolusyon.

Ang natitira pong kalahati ay hindi natin tatantanan ang pag-usig hanggang makamit ang katarungan.

Pananagutin natin ang mga mamamatay-tao. Pananagutin din natin ang mga corrupt sa gobyerno.

Nagsimula nang mabuo ang ating Truth Commission, sa pangunguna ni dating Chief Justice Hilario Davide. Hahanapin natin ang katotohanan sa mga nangyari diumanong katiwalian noong nakaraang siyam na taon.

Sa loob ng linggong ito, pipirmahan ko ang kauna-unahang Executive Order na nagtatalaga sa pagbuo nitong Truth Commission.

Kung ang sagot sa kawalan ng katarungan ay pananagutan, ang sagot naman sa kakulangan natin sa pondo ay mga makabago at malikhaing paraan para tugunan ang mga pagkatagal-tagal nang problema.

Napakarami po ng ating pangangailangan: mula sa edukasyon, imprastruktura, pangkalusugan, pangangailangan ng militar at kapulisan, at marami pang iba. Hindi kakasya ang pondo para mapunan ang lahat ng ito.

Kahit gaano po kalaki ang kakulangan para mapunan ang mga listahan ng ating pangangailangan, ganado pa rin ako dahil marami nang nagpakita ng panibagong interes at kumpyansa sa Pilipinas.

Ito ang magiging solusyon: mga Public-Private Partnerships. Kahit wala pa pong pirmahang nangyayari dito, masasabi kong maganda ang magiging bunga ng maraming usapin ukol dito.

May mga nagpakita na po ng interes, gustong magtayo ng expressway na mula Maynila, tatahak ng Bulacan, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, hanggang sa dulo ng Cagayan Valley nang hindi gugugol ang estado kahit na po piso.

Sa larangan ng ating Sandatahang Lakas:

Mayroon po tayong 36,000 nautical miles ng baybayin. Ang mayroon lamang tayo: tatlumpu’t dalawang barko. Itong mga barkong ito, panahon pa ni MacArthur.

May nagmungkahi sa atin, ito ang proposisyon: uupahan po nila ang headquarters ng Navy sa Roxas Boulevard at ang Naval Station sa Fort Bonifacio.

Sagot po nila ang paglipat ng Navy Headquarters sa Camp Aguinaldo. Agaran, bibigyan tayo ng isandaang milyong dolyar. At dagdag pa sa lahat nang iyan, magsusubi pa sila sa atin ng kita mula sa mga negosyong itatayo nila sa uupahan nilang lupa.

Sa madali pong sabi: Makukuha natin ang kailangan natin, hindi tatayo gagastos, kikita pa tayo.

Marami na pong nag-alok at nagmungkahi sa atin, mula lokal hanggang dayuhang negosyante, na magpuno ng iba’t ibang pangangailangan.

Mula sa mga public-private partnerships na ito, lalago ang ating ekonomiya, at bawat Pilipino makikinabang. Napakaraming sektor na matutulungan nito.

Maipapatayo na po ang imprastrukturang kailangan natin para palaguin ang turismo.

Sa agrikultura, makapagtatayo na tayo ng mga grains terminals, refrigeration facilities, maayos na road networks at post-harvest facilities.

Kung maisasaayos natin ang ating food supply chain sa tulong ng pribadong sektor, sa halip na mag-angkat tayo ay maari na sana tayong mangarap na mag-supply sa pandaigdigang merkado.

Kung maitatayo ang minumungkahi sa ating railway system, bababa ang presyo ng bilihin. Mas mura, mas mabilis, mas maginhawa, at makakaiwas pa sa kotong cops at mga kumokotong na rebelde ang mga bumibiyahe.

Paalala lang po: una sa ating plataporma ang paglikha ng mga trabaho, at nanggagaling ang trabaho sa paglago ng industriya. Lalago lamang ang industriya kung gagawin nating mas malinis, mas mabilis, at mas maginhawa ang proseso para sa mga gustong magnegosyo.

Pabibilisin natin ang proseso ng mga proyektong sumasailalim sa Build-Operate-Transfer. Sa tulong ng lahat ng sangay ng gobyerno at ng mga mamamayan, pabababain natin sa anim na buwan ang proseso na noon ay inaabot ng taon kung hindi dekada.

May mga hakbang na rin pong sinisimulan ang DTI, sa pamumuno ni Secretary Gregory Domingo:

Ang walang-katapusang pabalik-balik sa proseso ng pagrehistro ng pangalan ng kumpanya, na kada dalaw ay umaabot ng apat hanggang walong oras, ibababa na natin sa labinlimang minuto.

Ang dating listahan ng tatlumpu’t anim na dokumento, ibababa natin sa anim. Ang dating walong pahinang application form, ibababa natin sa isang pahina.

Nananawagan ako sa ating mga LGUs. Habang naghahanap tayo ng paraan para gawing mas mabilis ang pagbubukas ng mga negosyo, pag-aralan din sana nila ang kanilang mga proseso. Kailangan itong gawing mas mabilis, at kailangan itong itugma sa mga sinisumulan nating reporma.

Negosyante, sundalo, rebelde, at karaniwang Pilipino, lahat po makikinabang dito. Basta po hindi dehado ang Pilipino, papasukin po natin lahat iyan. Kailangan na po nating simulan ang pagtutulungan para makamit ito. Huwag nating pahirapan ang isa’t isa.

Parating na po ang panahon na hindi na natin kailangang mamili sa pagitan ng seguridad ng ating mamamayan o sa kinabukasan ng inyong mga anak.

Oras na maipatupad ang public-private partnerships na ito, mapopondohan ang mga serbisyong panlipunan, alinsunod sa ating plataporma.

Magkakapondo na po para maipatupad ang mga plano natin sa edukasyon.

Mapapalawak natin ang basic education cycle mula sa napakaikling sampung taon tungo sa global standard na labindalawang taon.

Madadagdagan natin ang mga classroom. Mapopondohan natin ang service contracting sa ilalim ng GASTPE.

Pati ang conditional cash transfers, na magbabawas ng pabigat sa bulsa ng mga pamilya, madadagdan na rin ng pondo.

Maipapatupad ang plano natin sa PhilHealth.

Una, tutukuyin natin ang tunay na bilang ng mga nangangailangan nito. Sa ngayon, hindi magkakatugma ang datos. Sabi ng PhilHealth sa isang bibig, walumpu’t pitong porsyento na raw ang merong coverage. Sa kabilang bibig naman, singkuwenta’y tres porsyento naman. Ayon naman sa National Statistics Office, tatlumpu’t walong porsyento ang may coverage.

Ngayon pa lang, kumikilos na si Secretary Dinky Soliman at ang DSWD upang ipatupad ang National Household Targetting System, na magtutukoy sa mga pamilyang higit na nagangailangan ng tulong. Tinatayang siyam na bilyon ang kailangan para mabigyan ng PhilHealth ang limang milyong pinakamaralitang pamilyang Pilipino.

Napakaganda po ng hinaharap natin. Kasama na po natin ang pribadong sektor, at kasama na rin natin ang League of Provinces, sa pangunguna nina Governor Alfonso Umali kasama sina Governor L-Ray Villafuerte at Governor Icot Petilla. Handa na pong makipagtulungan para makibahagi sa pagtustos ng mga gastusin. Alam ko rin pong hindi magpapahuli ang League of Cities sa pangunguna ni Mayor Oscar Rodriguez.

Kung ang mga gobyernong lokal ay nakikiramay na sa ating mga adhikain, ang Kongreso namang pinanggalingan ko, siguro naman maasahan ko din.

Nagpakitang-gilas na po ang gabinete sa pagtukoy ng ating mga problema at sa paglulunsad ng mga solusyon sa loob lamang ng tatlong linggo.

Nang bagyo pong Basyang, ang sabi sa atin ng mga may prangkisa sa kuryente, apat na araw na walang kuryente. Dahil sa mabilis na pagkilos ni Secretary Rene Almendras at ng Department of Energy, naibalik ang kuryente sa halos lahat sa loob lamang ng beinte-kwatro oras.

Ito pong sinasabing kakulangan sa tubig sa Metro Manila, kinilusan agad ni Secretary Rogelio Singson at ng DPWH. Hindi na siya naghintay ng utos, kaya nabawasan ang perwisyo.

Nakita na rin natin ang gilas ng mga hinirang nating makatulong sa Gabinete. Makatuwiran naman po sigurong umasa na hindi na sila padadaanin sa butas ng karayom para makumpirma ng Commission on Appointments. Kung mangyayari po ito, marami pa sa mga mahuhusay na Pilipino ang maeengganyong magsilbi sa gobyerno.

Sa lalong madaling panahon po, uupo na tayo sa LEDAC at pag-uusapan ang mga mahahalagang batas na kailangan nating ipasa. Makakaasa kayo na mananatiling bukas ang aking isipan, at ang ating ugnayan ay mananatiling tapat.

Isinusulong po natin ang Fiscal Responsibility Bill, kung saan hindi tayo magpapasa ng batas na mangangailangan ng pondo kung hindi pa natukoy ang panggagalingan nito. May 104.1 billion pesos tayong kailangan para pondohan ang mga batas na naipasa na, ngunit hindi maipatupad.

Kailangan din nating isaayos ang mga insentibong piskal na ibinigay noong nakaraan. Ngayong naghihigpit tayo ng sinturon, kailangang balikan kung alin sa mga ito ang dapat manatili at kung ano ang dapat nang itigil.

Huwag po tayong pumayag na magkaroon ng isa pang NBN-ZTE. Sa lokal man o dayuhan manggagaling ang pondo, dapat dumaan ito sa tamang proseso. Hinihingi ko po ang tulong ninyo upang amiyendahan ang ating Procurement Law.

Ayon po sa Saligang Batas, tungkulin ng estado ang siguruhing walang lamangan sa merkado. Bawal ang monopolya, bawal ang mga cartel na sasakal sa kumpetisyon. Kailangan po natin ng isang Anti-Trust Law na magbibigay-buhay sa mga prinsipyong ito. Ito ang magbibigay ng pagkakataon sa mga Small- at Medium-scale Enterprises na makilahok at tumulong sa paglago ng ating ekonomiya.

Ipasa na po natin ang National Land Use Bill.

Una rin pong naging batas ng Commonwealth ang National Defense Act, na ipinasa noon pang 1935. Kailangan nang palitan ito ng batas na tutugon sa pangangailangan ng pambansang seguridad sa kasalukuyan.

Nakikiusap po akong isulong ang Whistleblower’s Bill upang patuloy nang iwaksi ang kultura ng takot at pananahimik.

Palalakasin pa lalo ang Witness Protection Program. Alalahanin po natin na noong taong 2009 hanggang 2010, may nahatulan sa 95% ng mga kaso kung saan may witness na sumailalim sa programang ito.

Kailangang repasuhin ang ating mga batas. Nanawagan po akong umpisahan na ang rekodipikasyon ng ating mga batas, upang siguruhing magkakatugma sila at hindi salu-salungat.

Ito pong mga batas na ito ang batayan ng kaayusan, ngunit ang pundasyon ng lahat ng ginagawa natin ay ang prinsipyong wala tayong mararating kung walang kapayapaan at katahimikan.

Dalawa ang hinaharap nating suliranin sa usapin ng kapayapaan: ang situwasyon sa Mindanao, at ang patuloy na pag-aaklas ng CPP-NPA-NDF.

Tungkol sa situwasyon sa Mindanao: Hindi po nagbabago ang ating pananaw. Mararating lamang ang kapayapaan at katahimikan kung mag-uusap ang lahat ng apektado: Moro, Lumad, at Kristiyano. Inatasan na natin si Dean Marvic Leonen na mangasiwa sa ginagawa nating pakikipag-usap sa MILF.

Iiwasan natin ang mga pagkakamaling nangyari sa nakaraang administrasyon, kung saan binulaga na lang ang mga mamamayan ng Mindanao. Hindi tayo puwedeng magbulag-bulagan sa mga dudang may kulay ng pulitika ang proseso, at hindi ang kapakanan ng taumbayan ang tanging interes.

Kinikilala natin ang mga hakbang na ginagawa ng MILF sa pamamagitan ng pagdidisplina sa kanilang hanay. Inaasahan natin na muling magsisimula ang negosasyon pagkatapos ng Ramadan.

Tungkol naman po sa CPP-NPA-NDF: handa na ba kayong maglaan ng kongkretong mungkahi, sa halip na pawang batikos lamang?

Kung kapayapaan din ang hangad ninyo, handa po kami sa malawakang tigil-putukan. Mag-usap tayo.

Mahirap magsimula ang usapan habang mayroon pang amoy ng pulbura sa hangin. Nananawagan ako: huwag po natin hayaang masayang ang napakagandang pagkakataong ito upang magtipon sa ilalim ng iisang adhikain.

Kapayapaan at katahimikan po ang pundasyon ng kaunlaran. Habang nagpapatuloy ang barilan, patuloy din ang pagkakagapos natin sa kahirapan.

Dapat din po nating mabatid: ito ay panahon ng sakripisyo. At ang sakripisyong ito ay magiging puhunan para sa ating kinabukasan. Kaakibat ng ating mga karapatan at kalayaan ay ang tungkulin natin sa kapwa at sa bayan.

Inaasahan ko po ang ating mga kaibigan sa media, lalo na sa radyo at sa print, sa mga nagbablock-time, at sa community newspapers, kayo na po mismo ang magbantay sa inyong hanay.

Mabigyang-buhay sana ang mga batayang prinsipyo ng inyong bokasyon: ang magbigay-linaw sa mahahalagang isyu; ang maging patas at makatotohanan, at ang itaas ang antas ng pampublikong diskurso.

Tungkulin po ng bawat Pilipino na tutukan ang mga pinunong tayo rin naman ang nagluklok sa puwesto. Humakbang mula sa pakikialam tungo sa pakikilahok. Dahil ang nakikialam, walang-hanggan ang reklamo. Ang nakikilahok, nakikibahagi sa solusyon.

Napakatagal na pong namamayani ang pananaw na ang susi sa asenso ay ang intindihin ang sarili kaysa intindihin ang kapwa. Malinaw po sa akin: paano tayo aasenso habang nilalamangan ang kapwa?

Ang hindi nabigyan ng pagkakataong mag-aral, paanong makakakuha ng trabaho? Kung walang trabaho, paanong magiging konsumer? Paanong mag-iimpok sa bangko?

Ngunit kung babaliktarin natin ang pananaw—kung iisipin nating “Dadagdagan ko ang kakayahan ng aking kapwa”—magbubunga po ito, at ang lahat ay magkakaroon ng pagkakataon.

Maganda na po ang nasimulan natin. At mas lalong maganda po ang mararating natin. Ngunit huwag nating kalimutan na mayroong mga nagnanasang hindi tayo magtagumpay. Dahil kapag hindi tayo nagtagumpay, makakabalik na naman sila sa kapangyarihan, at sa pagsasamantala sa taumbayan.

Akin pong paniwala na Diyos at taumbayan ang nagdala sa ating kinalalagyan ngayon. Habang nakatutok tayo sa kapakanan ng ating kapwa, bendisyon at patnubay ay tiyak na maaasahan natin sa Poong Maykapal. At kapag nanalig tayo na ang kasangga natin ay ang Diyos, mayroon ba tayong hindi kakayanin?

Ang mandato nating nakuha sa huling eleksyon ay patunay na umaasa pa rin ang Pilipino sa pagbabago. Iba na talaga ang situwasyon. Puwede na muling mangarap. Tayo nang tumungo sa katuparan ng ating mga pinangarap.

Maraming salamat po.

Source: Official Gazette, Office of the President

Joke Time

Wednesday, July 21, 2010 · 2 comments

Nasubukan mo na ba yung dahil sa ka-corny-han ng joke eh natatawa ka? Yung tipong old jokes na binabalik-balikan lalo na kapag nagkukwentuhan ang barkada?

1. May isang puno, ano ang bunga?

2. May sampung butike, nag-tumbling ang isa at nalaglag sa sahig, ilan ang natira? Edi wala! Kasi pumalakpak yung siyam.

3. Anak: Tay, tay! Ang hirap ng assignment namin, pinapahanap sa amin ang least common denominator!

Tatay: Ano?! eh estudyante pa lang kami hinahanap na yan! Hanggang ngayon ba naman?!

4. Reporter: Ano po ang lagay ng Peace and Order?

Erap: Maraming pis pero kakaunti ang order.

5. Knock knock. Who's there? Ako Maba.....


**********

I started a joke
Which started the whole world crying
But I didn't see
That the joke was on me

- The Joke Was On Me, Beegees

Kailan Ako Muling Magsusulat

Tuesday, July 20, 2010 · 3 comments

Ano ba ang fulfillment nang isang manunulat?

Ang marami ang makabasa ng kanyang sinulat, o ang mailahad nag kanyang sa loobin sa pamamagitan ng kanyang akda?


**********

Nami-miss ko nang magsulat.

Are You Ready To Gamble?

· 0 comments


If you frequent watching the World News, you will notice that exciting things are happening in the Philippines since June 30, 2010 when a new President of the Republic has been unaugurated to public office.

Since then, the newly-elected President Benigno "Noynoy" Aquino has been making unprecedented reforms in the government, such as not using blinkers and sirens whenever he travels. He also intends to obey all traffic rules (including stopping on red lights) even if he has the privelege not to do so.

Last week, there are talks that the President is also contemplating on selling the government-owned Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) to private companies. This means that the casino operations will also be managed by a private company.

However, many gamblers are skeptical on the effect of privatizing the casino operations, as they are quite unsure whether any private company can manage it well. Also, they are thinking that additional taxes and/or costs may yet be imposed once the operations have been privatized.

And so during these days, many more Filipinos are beginning to study more about the history of online casino and how they can be able to start making money out of the Online Casino.
Online gambling is actually made possible by the internet, where gamblers are given the option to play poker games and other casino games using the internet.

It has steadily become more famous, that a group of dedicated people have started to setup the Online Casino Pedia. Online Casino Pedia is the site to visit when you want to know things and stuffs about playing casino online. Much like the wikipedia concept, anyone can deposit his or her own thoughts and idea about online casino gaming. In turn, any people who will visit the site can get the others' view about the subject matter that they are looking for (e.g., online poker, swiss casino, etc.).

And so with talks of the PAGCOR privatization, chances are, Filipino casino gamblers will try to see other alternatives to play their favorite poker game.

Identity Crisis

Wednesday, July 14, 2010 · 1 comments

Siguro nga importante talaga yung may sarili kang "identity".

Yun bang kumbaga sa basketball eh, signature move na parang 360 dunk ni Billy Ray Bates o kaya naman eh clutch jumper ni Jolas at yung mga tira nila Vergel Meneses at Samboy Lim na parang nagbabasa muna ng diyaryo sa ere bago i-shoot ang bola.

O di kaya naman eh tagline, katulad ng "Sarap to the bones" ng Max's, "Finger lickin' good" ng KFC, at yung "Crispyliscious, Juicyliscious" ng Jollibee.

Ito rin siguro ang principle kaya yung mga News Anchors ng mga TV stations ay may kani-kanyang pakulo para mas makilala sila ng mga viewers.

Medyo nakakasawa na yung mga jokes na ginagaya yung pag-ubo (sabay EX-cuse me-PO!) ni Mike Enriquez, at pati yung pag "ano ha" ni Mel Tiangco. Kasi, pati yung ibang news anchors at yung mga field reporters ngayon, may kani-kanya na ring pagkakakilanlan.


Arnold Clavio: "ako naman" (ano ba ibig sabihin pag sinasabi nyang "ako naman"?)

Susan Enriquez: "ak--ko si Susan Enriquez, ang inyong naging Saksi" (kailangan may 2 seconds na pagitan ang pagsasabi nya ng "ako")

• Sabi ng magaling na heckler na si loi pogi sa kanyang twitter account, si Steeeeeeeeeeeeve Dailisan daw ang TV reporter na may pinakamahabang pangalan.

• Pero syempre, hindi rin basta-basta patatalo sa pahabaan ng pangalan si Rrrrrrrrrrrrroseti Rivera.

**********

Name Recall. Identity. Uniqueness.

**********

Nakapagtatakang, kahit na may sarili silang identity sa pagbanggit ng kani-kanilang mga pangalan ay halos pare-pareho naman ang tono ng pagdeliver nila ng balita- lalong-lalo na yung mga reporter sa radyo.

"Yes, Arnold, nandito nga tayo saaaaaaaa kahabaan ng-ngaaaa South Luzonaaaaa Express Way kung saan-naaaaaaa kasalukuyang-aaaaaaa tinatatanggal ng-ngaaaaa mgaaaaaaaa awtoridad itong-ngaaaa nakahambalang naaaaaaaaaaaa parte ng crane naaaaaaaaaaa nalaglag mula saaaaaaaaaaa ginagawangngaaaaaaaaaa skyway kahapon saaaaaaaaaaa kasagsagannnaaaaaaaaa ng-ngaaaaaaaa bagyongngaaaaaaaaaaa Basyang."

Change

Wednesday, June 30, 2010 · 2 comments

Siyetehan is one with the entire nation in congratulating our President-elect Benigno Simeon " Noynoy" Aquino III and Vice President-elect Jejomar "Jojo" Binay who were inaugurated yesterday, June 30, 2010 at the Quirino Grandstand, Rizal Park, Manila.

May our newly-elected officials initiate change in upholding good governance for the country.

Mabuhay kayo, at Mabuhay ang Pilipinas!


(Full text of the Inaugural Address of President Benigno C. Aquino III, June 30, 2010, Quirino Grandstand)

His Excellency Jose Ramos Horta, Former President Fidel V. Ramos, Former President Joseph Estrada, Senate President Juan Ponce Enrile and members of the Senate, House Speaker Prospero Nograles and members of the House, justices of the Supreme Court, members of the foreign delegations, Your Excellencies of the diplomatic corps, fellow colleagues in government, aking mga kababayan.

Ang pagtayo ko dito ngayon ay patunay na kayo ang aking tunay na lakas. Hindi ko inakala na darating tayo sa puntong ito, na ako’y manunumpa sa harap ninyo bilang inyong Pangulo. Hindi ko pinangarap maging tagapagtaguyod ng pag-asa at tagapagmana ng mga suliranin ng ating bayan.

Ang layunin ko sa buhay ay simple lang: maging tapat sa aking mga magulang at sa bayan bilang isang marangal na anak, mabait na kuya at mabuting mamamayan.

Nilabanan ng aking ama ang diktaturya at ibinuwis niya ang kanyang buhay para tubusin ang ating demokrasya. Inalay ng aking ina ang kanyang buhay upang pangalagaan ang demokrasyang ito. Ilalaan ko ang aking buhay para siguraduhin na ang ating demokrasya ay kapaki-pakinabang sa bawat isa. Namuhunan na kami ng dugo at handang gawin itong muli kung kinakailangan.

Tanyag man ang aking mga magulang at ang kanilang mga nagawa, alam ko rin ang problema ng ordinaryong mamamayan. Alam nating lahat ang pakiramdam na magkaroon ng pamahalaang bulag at bingi. Alam natin ang pakiramdam na mapagkaitan ng hustisya, na mabalewala ng mga taong pinagkatiwalaan at inatasan nating maging ating tagapagtanggol.

Kayo ba ay minsan ring nalimutan ng pamahalaang inyong iniluklok sa puwesto? Ako rin. Kayo ba ay nagtiis na sa trapiko para lamang masingitan ng isang naghahari-hariang de-wangwang sa kalsada? Ako rin. Kayo ba ay sawang-sawa na sa pamahalaang sa halip na magsilbi sa taumbayan ay kailangan pa nila itong pagpasensiyahan at tiisin? Ako rin.

Katulad ninyo ako. Marami na sa atin ang bumoto gamit ang kanilang paa—nilisan na nila ang ating bansa sa kanilang paghahanap ng pagbabago at katahimikan. Tiniis nila ang hirap, sinugod ang panganib sa ibang bansa dahil doon may pag-asa kahit kaunti na dito sa atin ay hindi nila nakikita. Sa iilang sandali na sarili ko lang ang aking inaalala, pati ako ay napag-isip din—talaga bang hindi na mababago ang pamamahala natin dito? Hindi kaya nasa ibang bansa ang katahimikang hinahanap ko? Saan ba nakasulat na kailangang puro pagtitiis ang tadhana ng Pilipino?

Ngayon, sa araw na ito—dito magwawakas ang pamumunong manhid sa mga daing ng taumbayan. Hindi si Noynoy ang gumawa ng paraan, kayo ang dahilan kung bakit ngayon, magtatapos na ang pagtitiis ng sambayanan. Ito naman ang umpisa ng kalbaryo ko, ngunit kung marami tayong magpapasan ng krus ay kakayanin natin ito, gaano man kabigat.

Sa tulong ng wastong pamamahala sa mga darating na taon, maiibsan din ang marami nating problema. Ang tadhana ng Pilipino ay babalik sa tamang kalagayan, na sa bawat taon pabawas ng pabawas ang problema ng Pinoy na nagsusumikap at may kasiguruhan sila na magiging tuluy-tuloy na ang pagbuti ng kanilang sitwasyon.

Kami ay narito para magsilbi at hindi para maghari. Ang mandato ninyo sa amin ay pagbabago—isang malinaw na utos para ayusin ang gobyerno at lipunan mula sa pamahalaang iilan lamang ang nakikinabang tungo sa isang pamahalaang kabutihan ng mamamayan ang pinangangalagaan.
Ang mandatong ito ay isa kung saan kayo at ang inyong pangulo ay nagkasundo para sa pagbabago—isang paninindigan na ipinangako ko noong kampanya at tinanggap ninyo noong araw ng halalan.

Sigaw natin noong kampanya: “Kung walang corrupt, walang mahirap.” Hindi lamang ito pang slogan o pang poster—ito ang mga prinsipyong tinatayuan at nagsisilbing batayan ng ating administrasyon.

Ang ating pangunahing tungkulin ay ang magsikap na maiangat ang bansa mula sa kahirapan, sa pamamagitan ng pagpapairal ng katapatan at mabuting pamamalakad sa pamahalaan.

Ang unang hakbang ay ang pagkakaroon ng tuwid at tapat na hanay ng mga pinuno. Magsisimula ito sa akin. Sisikapin kong maging isang mabuting ehemplo. Hinding-hindi ko sasayangin ang tiwalang ipinagkaloob ninyo sa akin. Sisiguraduhin ko na ganito rin ang adhikain ng aking Gabinete at ng mga magiging kasama sa ating pamahalaan.

Naniniwala akong hindi lahat ng nagsisilbi sa gobyerno ay corrupt. Sa katunayan, mas marami sa kanila ay tapat. Pinili nilang maglingkod sa gobyerno upang gumawa ng kabutihan. Ngayon, magkakaroon na sila ng pagkakataong magpakitang-gilas. Inaasahan natin sila sa pagsupil ng korapsyon sa loob mismo ng burukrasya.

Sa mga itinalaga sa paraang labag sa batas, ito ang aking babala: Sisimulan natin ang pagbabalik ng tiwala sa pamamagitan ng pag-usisa sa mga “midnight appointments.” Sana ay magsilbi itong babala sa mga nag-iisip na ipagpatuloy ang baluktot na kalakarang nakasanayan na ng marami.
Sa mga kapuspalad nating mga kababayan, ngayon, ang pamahalaan ang inyong kampeon.

Hindi natin ipagpapaliban ang mga pangangailangan ng ating mga estudyante, kaya’t sisikapin nating punan ang kakulangan sa ating mga silid-aralan.

Unti-unti din nating babawasan ang mga kakulangan sa imprastraktura para sa transportasyon, turismo at pangangalakal. Mula ngayon, hindi na puwede ang “puwede na” pagdating sa mga kalye, tulay at gusali dahil magiging responsibilidad ng mga kontratista ang panatilihing nasa mabuting kalagayan ang mga proyekto nila.

Bubuhayin natin ang programang “emergency employment” ng dating Pangulong Corazon Aquino sa pagtatayo ng mga bagong imprastraktura na ito. Ito ay magbibigay ng trabaho sa mga local na komunidad at makakatulong sa pagpapalago ng kanila at ng ating ekonomiya.

Hindi kami magiging sanhi ng inyong pasakit at perwisyo. Palalakasin natin ang koleksyon at pupuksain natin ang korapsyon sa Kawanihan ng Rentas Internas at Bureau of Customs para mapondohan natin ang ating mga hinahangad para sa lahat, tulad ng:

Dekalidad na edukasyon, kabilang ang edukasyong bokasyonal para makapaghanap ng marangal na trabaho ang hindi makapag-kolehiyo.

Serbisyong pangkalusugan, tulad ng Philhealth para sa lahat sa loob ng tatlong taon.

Tirahan sa loob ng mga ligtas na komunidad.

Palalakasin at palalaguin natin ang bilang ng ating kasundaluhan at kapulisan, hindi para tugunan ang interes ng mga naghahari-harian, ngunit para proteksyunan ang mamamayan. Itinataya nila ang kanilang buhay para mayroong pagkakataon sa katahimikan at kapayapaan sa sambayanan. Dumoble na ang populasyong kanilang binabantayan, nanatili naman sila sa bilang. Hindi tama na ang nagmamalasakit ay kinakawawa.

Kung dati ay may fertilizer scam, ngayon ay may kalinga na tunay para sa mga magsasaka. Tutulungan natin sila sa irigasyon, extension services at sa pagbenta ng kanilang produkto sa pinakamataas na presyong maaari.

Inaatasan natin si papasok na Kalihim Alcala na magtayo ng mga trading centers kung saan diretso na ang magsasaka sa mamimili—lalaktawan natin ang gitna, kasama na ang kotong cop. Sa ganitong paraan, ang dating napupunta sa gitna ay maari nang paghatian ng magsasaka at mamimili.

Gagawin nating kaaya-aya sa negosyante ang ating bansa. We will cut red tape dramatically and implement stable economic policies. We will level the playing field for investors and make government an enabler, not a hindrance, to business. Sa ganitong paraan lamang natin mapupunan ang kakulangan ng trabaho para sa ating mga mamamayan.

Layunin nating paramihin ang trabaho dito sa ating bansa upang hindi na kailanganin ang mangibang-bansa para makahanap ng trabaho. Ngunit habang ito ay hindi pa natin naaabot, inaatasan ko ang mga kawani ng DFA, POEA, Owwa at iba pang mga kinauukulang ahensiya na mas lalo pang paigtingin ang pagtugon sa mga hinaing at pangangailangan ng ating mga overseas Filipino workers.

Papaigtingin namin ang proseso ng konsultasyon at pag-uulat sa taumbayan. Sisikapin naming isakatuparan ang nakasaad sa ating Konstitusyon na kinikilala ang karapatan ng mamamayan na magkaroon ng kaalaman ukol sa mga pampublikong alintana.

Binuhay natin ang diwa ng people power noong kampanya. Ipagpatuloy natin ito tungo sa tuwid at tapat na pamamahala. Ang naniniwala sa people power ay nakatuon sa kapwa at hindi sa sarili.

Sa mga nang-api sa akin, kaya ko kayong patawarin, at pinapatawad ko na kayo. Sa mga nang-api sa sambayanan, wala akong karapatan na limutin ang inyong mga kasalanan.

To those who are talking about reconciliation, if they mean that they would like us to simply forget about the wrongs that they have committed in the past, we have this to say: There can be no reconciliation without justice. Sa paglimot ng pagkakasala, sinisigurado mong mauulit muli ang mga pagkakasalang ito. Secretary De Lima, you have your marching orders. Begin the process of providing true and complete justice for all.

Ikinagagalak din naming ibahagi sa inyo ang pagtanggap ni dating Chief Justice Hilario Davide sa hamon ng pagtatatag at pamumuno sa isang Truth Commission na magbibigay linaw sa maraming kahinahinalang isyu na hanggang ngayon ay walang kasagutan at resolusyon.
Ang sinumang nagkamali ay kailangang humarap sa hustisya. Hindi maaaring patuloy ang kalakaran ng walang pananagutan at tuloy na pang-aapi.

My government will be sincere in dealing with all the peoples of Mindanao. We are committed to a peaceful and just settlement of conflicts, inclusive of the interests of all—may they be Lumads, Bangsamoro or Christian.

We shall defeat the enemy by wielding the tools of justice, social reform and equitable governance leading to a better life. Sa tamang pamamahala, gaganda ang buhay ng lahat, at sa buhay na maganda, sino pa ang gugustuhing bumalik sa panahon ng pang-aapi?

Kung kasama ko kayo, maitataguyod natin ang isang bayan kung saan pantay-pantay ang pagkakataon, dahil pantay-pantay nating ginagampanan ang ating mga pananagutan.

Kamakailan lamang, ang bawat isa sa atin ay nanindigan sa presinto. Bumoto tayo ayon sa ating karapatan at konsensiya. Hindi tayo umatras sa tungkulin nating ipaglaban ang karapatang ito.
Pagkatapos ng bilangan, pinatunayan ninyo na ang tao ang tunay na lakas ng bayan.

Ito ang kahalagahan ng ating demokrasya. Ito ang pundasyon ng ating pagkakaisa.

Nangampanya tayo para sa pagbabago. Dahil dito taas-noo muli ang Pilipino. Tayong lahat ay kabilang sa isang bansa kung saan maaari nang mangarap muli.

To our friends and neighbors around the world, we are ready to take our place as a reliable member of the community of nations, a nation serious about its commitments and which harmonizes its national interests with its international responsibilities.

We will be a predictable and consistent place for investment, a nation where everyone will say, “it all works.”

Inaanyayahan ko kayo ngayon na manumpa sa ating mga sarili, sa sambayanan, WALANG MAIIWAN.

Walang pangingibang-bayan at gastusan na walang wastong dahilan. Walang pagtatalikod sa mga salitang binitawan noong kampanya, ngayon at hanggang sa mga susunod pang pagsubok na pagdadaanan sa loob ng anim na taon.

Walang lamangan, walang padrino at walang pagnanakaw. Walang wangwang, walang counterflow, walang tong. Panahon na upang tayo ay muling magkawang-gawa.

Nandito tayo ngayon dahil sama-sama tayong nanindigan at nagtiwala na may pag-asa.

The people who are behind us dared to dream. Today, the dream starts to become a reality. Sa inyong mga nag-iisip pa kung tutulong kayo sa pagpasan ng ating krus, isa lang ang aking tanong—kung kailan tayo nanalo, saka pa ba kayo susuko?

Kayo ang boss ko, kaya’t hindi maaaring hindi ako makinig sa mga utos ninyo. We will design and implement an interaction and feedback mechanism that can effectively respond to the people’s needs and aspirations.

Kayo ang nagdala sa akin sa puntong ito—ang ating mga volunteers—matanda, bata, celebrity, ordinaryong tao, na umikot sa Pilipinas para ikampanya ang pagbabago; ang aking mga kasambahay na nag-asikaso ng lahat ng aking mga personal na pangangailangan; ang aking pamilya, kaibigan at katrabaho na dumamay, nag-alaga at nagbigay ng suporta sa akin; ang ating mga abogado na nagpuyat para bantayan ang ating mga boto at siguraduhing mabibilang ang bawat isa; ang aking mga kapartido at kaalyado na kasama kong nangahas mangarap; at ang milyun-milyong Pilipinong nagkaisa, nagtiwala at hindi nawalan ng pag-asa—nasa inyo ang aking taus-pusong pasasalamat.

Hindi ko makakayang harapin ang aking mga magulang, at kayong mga nagdala sa akin sa yugto ng buhay kong ito, kung hindi ko maisasakatuparan ang aking mga binitawang salita sa araw na ito.

My parents sought nothing less and died for nothing less than democracy, peace and prosperity. I am blessed by this legacy. I shall carry the torch forward.

Layunin ko na sa pagbaba ko sa katungkulan, masasabi ng lahat na malayo na ang narating natin sa pagtahak ng tuwid na landas at mas maganda na ang kinabukasang ipapamana natin sa susunod na henerasyon. Samahan ninyo ako sa pagtatapos ng laban na ito. Tayo na sa tuwid na landas.

Maraming salamat po at mabuhay ang sambayanang Pilipino!

Apathy

Sunday, June 27, 2010 · 0 comments

• After several years of following up and commenting on the columns of The Filipino Voices, I feel the lack of interest in returning to their website simply because I found out that now, the site is only for (Selected) Filipino Voices only. They started to moderate people's comments and it seems to me that they only get to approve comments made by regular columnists. Thus, the common people's voices is not bothered anymore. Many thanks, and salute, though, goes to Nick of Tingog.com for putting up such an informative site. But then again, it's only for Selected Filipino Voices.


• Away-bati, away-bati, away-bati. C'mon, people! I've had enough of the Kris Aquino-James Yap story! I bet they'd reconcile, anyway.

• Even before the president-elect Noynoy Aquino assumes office on June 30, lots of leftist groups are already doing rallies at Times Street. Many politicians have ressurected (laos na dati, mabango na naman ngayon), various groups are giving unsolicited advise to the president-elect, many congressmen are jumping ship from one party to the Liberal Party (the latest of which is Congressman-elect Manny Pacquiao). Where is change? Or are we just back from the usual cycle of governance?

I hope I am mistaken.

Saying Goodbye

Tuesday, June 22, 2010 · 1 comments



How do you say goodbye
to an out-going
Philippine President?

June 30, 2010: Special Non Working Holiday

Wednesday, June 16, 2010 · 1 comments

Malacañang Palace today confirmed that out-going President Gloria Macapagal-Arroyo has declared June 30, 2010 as a special non-working holiday on the entire country, for the inauguration of president-elect Benigno Simeon "Noynoy" Aquino III as the 15th President of the Philippine Republic.


The Inauguration will be conducted at the Quirino Grandstand in Rizal Park (Luneta).

I-bagsak!!! I-bagsak!!

Wednesday, June 9, 2010 · 4 comments

Imperyalista, I-bagsak!
Kapitalismo, I-bagsak!

Ako: Boss! Boss! Bakit ho kayo nagrarally?

Siya: Ipinaglalaban namin ang karapatan ng mga manggagawang Pilipino! Masyado na tayong sinisikil ng mga negosyanteng naghaharing-uri sa ating bansa (sabay punas ng good morning towel sa pawis na tumatagaktak sa noo)!

Ako: Ano ho bang idinadaing nyo ngayon?

Siya: Hindi makatarungan ang umentong P22 wage increase na inaprubahan ng Pamahalaan!

Ako: Bakit? Ayaw nyo po ba ng increase sa sweldo?

Siya: Hindi katanggap-tanggap ang P22 na itataas ng sweldo! Dapat dito'y at least P150 na accross the board ang itinaas ng sweldo. Wala nang makain ang mga pangkaraniwang empleyadong nagtityaga na lang sa noodles araw-araw!

Ako: Eh paano naman po yung mga negosyante? Hindi ba sila malulugi sa taas ng hinihingi ninyong dagdag-pasahod?

Siya: Ang mga mahihirap patuloy na naghihirap! Ang mga mayayamang negosyante na yan lang ang patuloy na yumayaman dito sa Pilipinas! Sila ang nagpapakasasa sa lakas at talento ng mga manggagawa, samantalang hindi naman makatikim ng kaginhawahan ang mga taong maliliit!

Ako: Yumayaman pala ang mga negosyante, eh bakit hindi na lang kayo magnegosyo?

Siya: Pangkain nga, hirap kami eh. Saan ako kukuha ng kapital?

Ako: Bakit wala kayong kapital?

Siya: Dahil nabibilang ako sa mga dukhang pang-araw araw na pantawid-gutom lang ang kayang ipundar!

Ako: Eh bakit po ba kasi kayo mahirap?

Siya: Tumabi ka nga riyan! Ginugulo mo ang demonstrasyon namin!


Imperyalista, I-bagsak!
Kapitalismo, I-bagsak!

Romance In Vegas

Monday, June 7, 2010 · 1 comments

I was watching a local Talk Show on Sunday night when a very romantic-looking place was featured. Apparently, one of the hosts just came from a vacation and he was retelling the beautiful cities and places that he'd been through.

At first, I thought the place being featured was Venice, Italy because the movie clip is showing the beautiful archeologic buildings usually seen in Italy. It also shows that the building is actually surrounded by clear water, and that there are boats that roam around the area. Tourists can get to ride on the boats so they can have a fantastic romantic view of the place.

Indeed, the clip shows how wonderfully romantic the area is; and so I was quite surprised when the host revealed that he is not in Italy, but rather, he is on the Vegas Venetian Hotel in Las Vegas, Nevada. Oh, how my eyes were fooled. But then, a lot of credits must be given to whoever conceptualized the idea of bringing in the romantic scenery of Venice right in the middle of the busy city of Las Vegas.

Further, the host also gave a thorough tour of the wonderful places, the fantastic accommodations, the beautiful rooms, and even the lots of things that you can do when you are in the area. A lot of people will definitely associate Las Vegas with Casino and how one's eyes will feast on the many games available and how one feels about the Vegas nightlife experience, but then, it will be quite foolish not to try riding on the boat, especially with your love partner. It will be a very romantic night should you decide to roam around the area and wonder at the beautiful settings just like you are in the lovely country of Italy.

Of course, a sumptuous candle-lit dinner will cap the day.

Dear Kris Aquino

Sunday, June 6, 2010 · 7 comments

Dear Kris,

I hate to say this. But your brother will perform better if you don't involve yourself in matters of government.

We appreciate you for entertaining us on Philippine television but really, really, a lot of the Filipino people are not in favor of you interfering with how and what the government should do.


During the campaign period, you promised to leave the country in case you become a stumbling block during your brother's presidency. Well, we do remember your promise, Kris, and we await that you fulfill your promise in case it is needed.

Over the past weeks, news came out that your brother is considering your co-host and friend Boy Abunda for a top position in the government. Abunda, however, declined the offer, but a lot of people are wondering why Abunda's name was suddenly picked for the position.

Well, we were not surprised when the news came out on June 6, Sunday, that indeed, you were the one who suggested Abunda for the Department of Tourism position.

Let me end this letter with a question, Kris.

Will you keep your promise?

Campaign Drive

Monday, May 31, 2010 · 5 comments




How do you run an effective campaign drive against cigarettes when the most powerful person in the Philippines himself is a smoker?


Simple Pleasures

Tuesday, May 18, 2010 · 6 comments

Pasimple naming pinagmasdan ni Misis yung mag-boyfriend na nakasakay namin kagabi sa jeep.

Hindi alintana ang siksikan ng mga pasahero sa loob, hinugot ni lalake sa isang plastic ang isang stick ng barbeque at iniabot kay babae. Matapos ngumiti ng malambing si babae tanda ng pasasalamat eh hinugot naman ni lalake ang natitirang naka-stick na tenga ng baboy.

Tahimik silang kumakain habang patuloy na umaarangkada ang jeep. Matapos maubos ang inihaw na barbeque at tenga ng baboy ay salisihan nilang tinungga ang isang boteng mineral water.

Atsaka humilig si babae sa balikat ni lalake at pumikit upang umidlip.

Dear Noynoy

Monday, May 17, 2010 · 1 comments



Dear Noynoy,


Sana hindi sila nagkamali sa pagpili sa'yo.

Magtataka Ka Pa Ba?

Tuesday, May 4, 2010 · 5 comments

Hold on, folks!

It's 5 days to go before we troop to the polling precints and cast our votes in one of the most important national elections happening in Philippine history.

As I have already posted on one of my earlier blogs, the various religious groups are taking a very active role in endorsing their chosen candidates for the various electoral positions. The endorsements are perceived by many to have a significant effect on who will win and who will be cheated (dahil sabi nga nila, sa Pilipinas daw ay wala namang natatalo sa eleksiyon, dahil yung mga hindi nananalo ay nadadaya).

Pastor Apollo Quiboloy, who boasts of at least 6 Million strong votes through his sect Kingdom of Jesus Christ has officially endorsed Gibo Teodoro as their chosen candidate for President.

Meanwhile, early today during their Thursday morning service, influential group Iglesia Ni Cristo who is known for their bloc votes have endorsed tandem of Noynoy Aquino and Mar Roxas for President and Vice President, respectively.

The Pentecostal and Evangelical groups are not openly endorsing any candidate, but since Jesus Is Lord leader Evangelist Bishop Brother Eddie Villanueva is running, it is expected that most votes will go to him.

The nation awaits as to the endorsement of El Shaddai leader Mike Velarde, but there are rumors that he is set to endorse Manny Villar.


Sa mga ganitong pangyayari, magtataka ka pa ba kung bakit nakikialam din ang relihiyon sa pamamalakad ng bansa?

A Gift For Her

· 1 comments

My dearly beloved is celebrating her birthday this lovely month of May and so I am now running out of time as to what to give her on her special day.

My initial idea is to buy her a nice pillow with some special messages printed on it, however, I have noticed that we have a lot of these already. I also thought of buying her a set of earrings to compliment the silver pendant I gave her some years back, but last weekend she went home wearing a new set of earrings she bought from a co-worker.

The idea of giving her a Women's Running Shoes came to my mind last Monday when we brought our daughter for a stroll in the lakeside. We have actually been doing this as a form of relaxation and so that our daughter will get to have a nice view of the lake and the sunrise on early mornings. Here we can also see that a lot of people are taking a jog and/or walk to exercise their bodies. We discussed that jogging or brisk walking is a very good way to exercise because you keep you body fit and you shake off unwanted fats (since you get to perspire a lot), so we thought of trying to jog or walk the next time we visit the lakeside.

But of course, we need to have our outfits ready. I have actually given her a set of Nike Shoes one Christmas day, but since that was years ago, we've found out that the soles are already worn out and she might get an accident if she still uses it.

I have checked the internet and found out that New Balance shoes specialize on Men's and Women's Running Shoes. I am not sure, however, about the latest model, but the one like the picture I placed on this blog is pretty nice and am sure that my beloved will like it because the design and color are very simple but elegant-looking.

I have yet to check on the SRP (suggested retail price), though, because I heard New Balance shoes are quite costly (again, depending on the model).

Well, I think that would be a nice gift, isn't it?

My Song: The Vice Presidentiable Series

Wednesday, April 28, 2010 · 1 comments

With about ten days to go before the National Election on May 2010, the Vice Presidentiables just can't stop singing....


Mar Roxas sings "If You're Not Here By My Side" by the Menudo. This he can dedicate to his running mate Noynoy Aquino.

Roxas slid down to the VP race to give way for Noynoy's candidacy. Prior to that, Roxas has not been getting good results in the Presidential Surveys. But since he slid down, considered by many as an act of heroism, he's been a consistent #1 in the VP surveys.




Loren Legarda can sing "Never Been To Me".

......I've been to admin, and the opposition, and anywhere I could be....
Pero mukhang matatalo na naman siya (sa pangalawang pagkakataon).

To date, latest Pulse Asia survey results show she is sliding down to #3. Roxas leads, and Binay comes second.







Perfecto Yasay's song would be "Bituing Walang Ningning".

Dati sikat si Yasay noong panahon ni Erap.
Pero ngayon......










Jojo Binay can sing "Just Got Lucky" (with matching dance number together with the Whiplash Dancers).

Though Chiz has endorsed Noynoy for President, he did not pick Noy's runningmate (Roxas), but is endorsing Binay for Vice President.

Latest survey results from Pulse Asia and SWS show Binay is now #2, overtaking Legarda.



Bayani Fernando may not fare well with the surveys. But he was a big hit during the Celebrity Duets in GMA 7. He's proven that he can sing different genre. Because of that, he can san "Wag Na Init Ulo, Beybi" lovingly dedicated to his running mate Dick Gordon who is always blowing his top these days for not ranking in the surveys.









Jay Sonza- no song. See Nick Perlas and JC Delos Reyes rule.













Edu Manzano can dedicate the song "They Don't Really Care About Us" to his running-mate and co-administration candidate Gibo Teodoro.

The surveys do not really care about them, and so are their party mates who keeps jumping ship to other political parties.






"Narito Ako" would be the perfect song for Dominador Chipeco.

Hindi kasi siya isinasali sa mga Vice Presidential Forums, at hindi rin siya kilala ng mga taong kinakamayan niya.

PEBA NOMINEE

Siyetehan Supports PEBA



Siyetehan Wins

Philippine Blog Awards