Pasimple naming pinagmasdan ni Misis yung mag-boyfriend na nakasakay namin kagabi sa jeep.
Hindi alintana ang siksikan ng mga pasahero sa loob, hinugot ni lalake sa isang plastic ang isang stick ng barbeque at iniabot kay babae. Matapos ngumiti ng malambing si babae tanda ng pasasalamat eh hinugot naman ni lalake ang natitirang naka-stick na tenga ng baboy.
Tahimik silang kumakain habang patuloy na umaarangkada ang jeep. Matapos maubos ang inihaw na barbeque at tenga ng baboy ay salisihan nilang tinungga ang isang boteng mineral water.
Atsaka humilig si babae sa balikat ni lalake at pumikit upang umidlip.
The Long View: Dispatch from South Korea (2)
4 days ago
6 comments:
ang sweet ;-) at napaka-simple, pero masaya!
korek na korek, dinah.
:)
ang simple ng buhay
waw! yun yun eh! yan ang maganda sa mga pinoy, ika nga, actions speaks... alam na kasunod.hehe.
ganito pangarap ko eh, kahit simple lang, feel na feel na love is in the air...
sa mga ganitong scenes, i'm proud to be pinoy! :D
korek ka diyan, ML.
proud pinoy!
Ayoko ng tenga ng baboy. Pero nakakatuwa ang couple na yang naglalandian sa jeep. Haha. Mga haliparot.
Hello hello Siyetehan! :D
nakakatuwa silang tingnan, vajarl, kasi para bang talagang simpleng simple lang ang buhay.
Post a Comment