"Sigurado ka bang tatakbo ka sa Mayo?", tanong ni Tiyo Berto sa kanya.
"Opo", marahan niyang tugon, "matagal kong pinag-isipan, at desidido na ako alang-alang sa mga kababayan nating humihimok sa akin para tumakbo".
"Eh, paano baga? Dalawang bigating pulitiko yang babanggain mo, at pareho pang naka-partido. Si Mayor Dizon eh, panigurado nang may mga hawak na tao yan. Si Atty. Baltazar, mayaman at maimpluwensiya. Paano ka sasabay sa kanila? Atsaka sinong partido ang kukupkop sa'yo?".
"Suporta ho ng mga tao ang pinanghahawakan ko", ani Juan Dela Cruz. "Alam kong kung sa yaman at impluwensiya eh wala akong pangtapat sa kanila. Pero sa tingin ko ho eh tama ang mga kababayan natin. Kailangan na ng pagbabago, kailangan nang may tumayo para subukang harapin ang mga dating lider na wala namang nagawa sa bayan. At hindi ko ho kailangan ng partido para gawin yan. Mag-i-indipendiente ho ako".
"Diyos ko, ikaw bata ka", alalang sabi ni Tiyo Berto, "eh yaman din lang at napagdesisyunan mo na eh, alangan namang hindi ka namin suportahan. Nandiyan na 'yan. Eh, sige, gawin natin ang magagawa natin".
At pumutok na ang balita sa buong bayan.
Tatlo ang maglalaban sa pagka-alkalde sa bayan ng San Felipe!
Malakas ang kumpiyansa ng kasalukuyang Mayor Arnulfo Dizon na siya pa rin ang iboboto ng taongbayan. Kung kailangang idaan sa dahas at pananakot ay gagawin niya, bagay na ginagawa na ng angkan niya, sa loob ng ilang taong paghahari sa bayan.
Tiwala naman si Atty. Ramon Baltazar na siya ngayon ang mananalo. Ilang taon ding sinikap niyang magkaroon ng kung sinu-sinong koneksiyon, kadalasa'y mga maimpluwensiyang taong nabigyan niya ng pabor sa mga kasong kinakaharap ng mga ito. At kung sa yaman at impluwensiya rin lamang, kaya niyang tapatan si Mayor Dizon.
Sa isang banda'y tila isang nuisance o panggulong kandidato lang si Juan Dela Cruz. Oo nga't nakatapos siya ng kursong agrikultural sa pampublikong unibersidad ngunit saan siya kukuha ng perang gagamitin sa pangangampanya, gayong ang tanging suweldong nakukuha niya sa pagtulong sa mga magsasaka ay pakilo-kilong aning palay lang?
Sa kanilang bayang San Felipe, mababa ang tsansang umunlad silang mga mahihirap dahil ang tanging yumayaman ay iyong dati nang mayayaman.
Ngunit dahil na rin sa udyok ng mga magsasakang nakakausap niya sa kanyang paglilibot sa mga bara-barangay, natagpuan ni Juan ang sarili na tumayo at maghangad ng pagbabago para sa bayan. Sa panahon na kailangan ng San Felipe ang isang mabuting lider, ipinasya niyang tanggapin ang hamon at sumabak sa larangang hindi siya bihasa.
Makulay, masaya ang kampanya.
Paroo't parito ang mga sasakyang nag-iingay sa kalsada, "Iboto si Mayor Dizon!!! Matapang na Lider!!!!
Samantalang ang mga poste at pader ay napuno ng bigotilyong mukha ni Atty. Baltazar, Hangad ang Kalayaan laban sa nakaupo!!!
Habang doon sa mga bukirin, sa mga barangay, at sa mga sitiong baku-bako ang kalsada ay tahimik na nagbabahay-bahay si Juan Dela Cruz gamit ang lumang bisikleta.
At dumating ang isa sa mga importanteng parte ng kampanya- ang paghaharap ng mga kandidato sa iisang entablado para sa pagpapahayag ng kanilang mga plataporma-de-gobyerno. Imbitado ang lahat na makinig at dumalo, alas siyete ng gabi sa liwasang-bayan ng San Felipe, saksi ang inaalikabok na rebulto ni Gat Jose Rizal.
Matapos ang pagsasayaw ng mga kabataang masiglang umindak sa saliw ng kantang Umbrella at Spaghetti Pababa, inumpisahan na ang talumpati.
Nagsimula ang tunggalian sa tanong ng host: "Sa anong bagay mo ihahalintulad ang iyong pamamahala kung ikaw ang magiging Mayor ng San Felipe?".
Bilang incumbent, ay naunang nagsalita si Mayor Dizon. Matapos ang pagpalakpak ng tatlumpung bodyguard na sinabayan pa ng pagsirit ng kuwitis sa kalangitan, sinimulan ni Mayor ang talumpati:
Katulad ng mahigit dalawampung taong paghahari, este, pamamalakad ng aming pamilya sa bayang ito, muli kong ipatutupad ang aking pamamalakad gamit ang Kamay na Bakal! Dahil alam kong kailangang maging matapang at matatag ang isang lider upang labanan ang mga taong gustong mag-aklas laban sa administrasyon ko!!!
At muling nagpalakpakan ang tatlumpung bodyguards habang nangakangisi.
Nagsimula ang talumpati ni Atty. Baltazar sa pagbanggit sa mga taong kakilala at kaibigan- si Dr. Ganito na nabigyan niya ng tulong, si Mr. Ganyan na natulungan niyang lumusot sa kaso, at kung sinu-sino pa, sabay baling sa host ng programa at sinabing,
"Ano nga ba ang tanong?"
Matapos maalala ang tanong ay sinimula na niya ang litanya.
Lalabanan ko ang kamay na bakal ng kasalukuyang administrasyon! Ang aking pamamahala ay ihahalintulad ko sa isang Puting Kalapati na malayang lumilipad sa kalawakan! Babawasan natin ang mga batas, bagkus ay hahayaan nating magkaroon ng kalayaan ang bawat tao na abutin ang kanyang mga naisin sa bayang ito!
At habang sinasabi niya ito ay naglalaro sa isip ni Atty. Baltazar ang mga yamang masasamsam mula sa mga mahihirap na magsasaka.
Sumunod na tumayo sa harap ng madla si Juan Dela Cruz, tangan ang isang Munting Saranggola.
"Ang inyo po bang gustong sabihin ay ihahalintulad ninyo ang pamamahala ninyo sa isang laruang saranggola?", patawang sabi ng host ng programa, na sinundan ng mapanlibak na tawa ni Mayor Dizon, at ng matunog na halakhak ng mga bodyguards, at ang patuyang tingin ni Atty. Baltazar.
"Opo", marahan ngunit matatag na sabi ni Juan Dela Cruz na ikinatahimik ng buong madla.
Hindi po dahas ang kailangan ng bayan upang umunlad, sapagkat napatunayan na nating ang mariing pagsiil sa kapakanan ng mamamayan ay hindi kailanman naging susi upang kanilang maabot ang minimithing kaunlaran. Gayundin ay ang pagbibigay naman sa mga mamamayan ng maalwang kalayaan ay hindi rin naman makabubuti sapagkat maaari silang masadlak sa maling gawain.
Ihinahalintulad ko ang pamamahala ng bayan sa pagpapalipad ng saranggola sa kalangitan. Kailangan mong bigyan ng kaunting kalayaan ang katawan nito sa pamamagitan ng paglarga ng pisi upang patuloy itong tumaas at sumayaw-sayaw sa hangin. Ngunit kailangan mo ring ituon ang iyong isip sa paghawak sa natitirang pisi sa iyong kamay upang hindi ito tuluyang kumawala sa hangin. Kailangan ding gamitin ang iyong kamay upang gabayan ang saranggola kung saan ito tutungo upang maiwasang sumabit ito sa mga puno sa paligid.
Gayundin naman ang bayan at ang mga mamamayan. Bigyan sila ng kalayaang gawin at tuparin ang kanilang mga pangarap. Ibigay sa kanila ang yaman na dapat ay para sa kanila. Ngunit kaakibat nito ay itatag at ipatupad ang mga batas ng bayan upang maiwasan ang kaguluhan at mapanatili ang kaayusan ng komunidad.
Matapos ang talumpati ay tahimik ang madla. Hanggang sa isang miron ang sumigaw, "Mabuhay si Juan Dela Cruz!!!!"
Tapos na ang botohan, tapos na ang bilangan.
"Kailangan nating magdiwang dahil nanalo ka, nanalo ang taongbayan", masayang sabi ni Tiyo Berto, habang nakapalibot sa kanila ang ilang magsasakang tumulong sa kampanya. "Paano ba ang gusto mong selebrasyon?"
Masayang tumugon si Juan Dela Cruz, "Magsasalu-salo tayo sa gitnang bukid. Imbitado ang lahat, ipagdiriwang natin ang pagkapanalo ng bayan".
"At oo nga pala, magpapalipad tayo ng saranggola".
********************
Entry sa Saranggola Blog Awards ni Bernard Umali
The Long View: Moderate your greed
1 week ago
51 comments:
Ang shoray! Naloka ako..Kung aken e pang-indie ayon sa iyong komento, ang masasabi ko naman sa likha mong ito ay pdeng pampublish sa aklat. Mahusay ka!
Ayokong sabihing pang mmk xe may nagcomment na nun saken e,,ahehe,,pero ayos ang drama at ang mga pananalitang iyong ginamit ay tiyak na kikintal sa isipan ng bawat makakabasa nito!
KUDOS!
May bahid ng pamumulitika at waring nagbabadya ng pagsuong sa masaya at masalimuot na mundo ang pulitika. Tatakbo kb? suportahan taka!hahaha..
In fairness mahusay ka Juan dela cruz! clap! clap!
youre a pro. galing galing, mapa-Ingles o Filipino, bihasang-bihasa ka. (sana mapost pang 3rd attempt ko ng magcomment, ayaw gumana hehehehe)
Green Lady:
Madalas kitang nakikita sa site ni heckler :D
Bevs:
Personally, ayokong sumabak diyan :D
Maraming ibang paraan para makatulong sa bayan- hindi lang pagtakbo sa pulitika.
bernard:
salamat sa pagtityagang basahin ang mga posts. credit must be given to you for coming up with contests like that. diyan kasi lumalabas ang potensiyal ng mga budding writers.
keep up!
ang ganda naman ng kwento na yan, sakto sa timpla at may tamang emosyon? taga nueva ecija ka ba?
alvin, salamat sa pagbisita, kabayan.
a very nice take on governance.
salamat sa pagbisita, hec.
as with you, i believe it is about time we give serious posts about governance, shouldn't we?
yep, about time. we are in very exciting times, especially, 2010 is about to come in less than a year.
malapit na nga. ang nakakalungkot lang, parang walang matinong leader na pwedeng mapagpilian.
it's so sad if we have to resort with having to choose the lesser evil rather than choose the person who is capable to lead the country.
at this time, it's a little difficult to scrutinize who really is/are the person/s who is able to become our leader.
may kani-kanyang "hidden agenda" kasi. hehe
papromote ulit. hanggang august 31 na lang ang kontes!
ang ganda...pasok na pasok ang talumpati ni juan dela cruz....
sana lang may juan dela cruz pa ding masuportahan ang bayan
ewan ko lang po, pero mahirap manalo ngayon kapag wala kang pera. haha.
san kukuha si juan dela cruz?
Pero di ba kapag saranggola kelangan may tagahila dun... nangangahulugan din bang lagi lang magpapahila ang taumbayan para sumunod sa nagpapalipad nito?! Ganun pa man... cute ng anecdote... jijijijijijiji
@pokwang: sa totoo lang, yun ang problema natin. nasan ang mga mabubuting lider na pwede nating suportahan? meron pa ba?
xempre..
diba madalas din ako dito sa site mo
basta
mga ganitong usapin
informative tong site mo
gusto ko xa
actually
@anonymous: salamat sa pagbisita. undoubtedly, malaking factor lagi sa kampanya ang pera. in reality, mahirap manalo pag wala ka niyan.
@xprosiac: well, kaya nga ang dapat eh piliin nating mabuti kung sino ang magiging "tagahila" kasi siya ang may mabigat na responsibility kung saan ba patungo ang bansa
spam lang
@joyce:
haha, natawa ako sa flooding comments.
salamuch!
may entry nga rin pala ako dito..hehe..
tama pwedeng gawin pang inde film!
salamat sa pagdaan, pareng ever.
Okay sa alright! Nag comment ako ha. Nawa'y palarin ka at manalo.
at napadpad ako dito dahil kay tiya azel...
namangha sa post mong ito...
napanganga at nagtaasan ang balahibo ko habang binabasa ko ito...
ang ganda ng pagkakagawa mo...
malapit na ang eleksyon...
sino ang iboboto mo bilang presidente? tanong ko lang...hehehehe...
nice post! :)
sana'y mabasa to ni GMA.. mabasang lahat ng mga nasa pulitika at nagnanaisna pasukin ang mundong yun... at kung mabasa man nila.. sana maintindihan nila...
-napadaan lang po..
Gotcha! Recommended reading ni Azel to.
Habang binabasa ko ang akda mo, naisip ko: ano kaya kung isang Juan Dela Cruz ang tumakbo sa 2010 bilang presidente? At manalo? Si Noynoy ba kaya sya?
Congrats and good luck sa entry mo.
now ko lang narealized na hindi pa pala ako nagcomment dito... (pagkatapos kong mangampanya ng bonggang-bongga!)
Gusto ko ang naging pananaw mo ng malinis na botohan... na hindi pera ang kailangan upang magiging pipi ang taong-bayan. na hindi lakas at impluwensya ang pwedeng magpatakbo sa isipan ng mga botante... na tanging ang hangaring pagbabagong pulitikal at busilak na kalooban ay sapat na upang mahalal at maging huwarang mamamayan.
bagaman malayo sa katotohanan, hindi masamang mangarap. kung paano natin lilinisin ang maduming kampanya ay dapat magsimula sa ating sarili... kahit ikaw ay isang kandidato, kahit pa ikaw ay isang botante!
goodluck sayo...
Sa lahat ng bagay kelangan natin ng gabay mula sa mas nakakaalam...di man natin aminin pero alam natin na sa lahat ng bagay anjan si Bro para tayo'y gabayan, tayo na mismong nagsisilbing saranggola ni Bro...
Galing ng pagkakagawa, napadaan lang po :)
Isang magandang halimbawa ng tamang botohan..Sana magkaron tayo ng isang lider na marunong humawak at magpalipad ng saranggola..nawa'y mabasa ang post na ito sa sinumang nagbalak tumakbo sa darating na halalan..
Kapuripuri, tama si AZEL sa pagkampanya, makabuluhan ang iyong panulat, nawa'y maging gabay ito sa nalalapit na halalan sa 2010.
Pagpalain ka ng Maykapal.
Whew! alah eh kalayo ng botohan nasa bukid pa e,
este ang lagayan ng comment pala...dun ako galing sa bayan ni Azel...
Yan bang saranggola ni Juan ay may laban sa bangkang papel ni Gloria? Mantakin mong napulot ni GMA ang bangkang papel nung tatlong bata sa pusali...haaaaay..ma-gimmik talaga...mukhang nagtampisaw yata sa kanal kaya nya nakuha
Anyway, gusto kong ipaalam kay Mayor Juan dela Cruz.. na bagama't nabayaran ako ni Atty.. ikaw pa rin ang binoto...HAHAHAHA!
ang pera sa bulsa, Cory sa balota..este Juan pala!
Sa kabilang banda, ang sinuman na mayroong plataporma sa 2010 na tulad ng sa "Saranggola"..palagay ko yun ang dapat iboto..
Alisin ang mga TRAPO!
Rio for Mayor!
Salamat kay Azel for the intro to this post! Para akong nagbabasa ng Kite Runner ni Khaled Hosseini... yun nga lang ang setting is not Alfhanistan but the town of San Felipe...
Kudos!
una, salamat kay azel, marekoy, nagulat ako at inindorso mo ako sa eleksiyon (este, in-advertise mo pala ako sa blog mo, salamuch, salamuch).
joyce, nagcomment na din ako dati sa entry mo, sana manalo ka. :D
@fatherlyyours, thank you sa pagdaan, angganda nung site mo, dadaan ulit ako para makakuha ng tips. :D
@jee, me plano na akong iboto, hehe, pero hindi pa ko 100% sure kasi mukhang nahaharap sa kontrobersiya ngayon eh, sana malusutan niya.
@yanah: sana nga. pero mas importante yung huli mong sinabi. sana maintindihan nila.
@isladenebz: ewan ko lang, pero tingin ko hilaw pa si noynoy. tama yung isang commentator, hindi lang dahil anak siya ni cory at ni ninoy. dapat me sarili rin siyang maipagmamalaking mga nagawa para sa bayan.
@lord cm: ang maganda lang talaga eh, may malaki tayong pananalig sa Panginoon. Yun ang malaking bagay na makapagpapabago sa bansa natin.
@ruel: sana nga, maging malinis at maayos ang susunod na halalan. kaisa mo ako sa pangarap na yan.
@pope, salamat sa pagbisita.
@bizjoker: LOL, natawa ako sa comment mo.
@desert aquaforce, i'v heard a lot about the kite runner. will sure to buy the book and watch the movie.
utang na loob, these gave me goosebumps!
ayos.. pampulitikong tema para sa saranggola awards..
ITs my first time here..
and it was fun reading the story..
congatulations sa yong pagkapanalo!
well maganda nga ang istorya, karapat dapat sa natamo nitong karangalan...
salamuch, salamuch sa lahat ng bumati at dumaan sa siyetehan.
:D
Interesting post! and I really enjoyed reading it. Thanks for sharing this infos. I'm just hope for a clean and safe election this 2010. Vote wisely!
-pia-
http://www.ramonguico.com/
Post a Comment