"Congratulations!", magiliw kong sambit sa inyong dalawa matapos ninyong banggitin sa akin kanina na ikakasal na kayo sa isang buwan.
"Abay ka ha," sabi pa sa akin ni Girlie. "Wag ka nang mag-alala sa isusuot dahil kami naman ang sasagot. Basta magpapa-beauty ka lang at paparada sa araw ng kasal. Tsaka gwapo yung ipinareha namin sa'yo," kitang-kita sa mata ninyong dalawa ni Girlie ang excitement sa kasal ninyo.
Isang oras na kayong nakaalis. Isang oras na akong mag-isang nakaupo sa sulok ng coffee shop na ito. Isang oras ko nang binabalik-balikan ang nakaraan nating dalawa.
Madaling sabihing naka-move on na ako. Madaling ngumiti sa harap ninyong dalawa at batiin kayo ng Congratulations at Best Wishes. Pero nalaman kong hindi pala ganoon kadaling tanggapin na wala na talagang pag-asang magkabalikan pa tayo.
Pero oo, darating ako sa isang buwan, sa araw ng kasal. Magpapaganda ako, ngingiti ng ubod ng tamis na parang walang anumang sakit na nararamdaman sa puso ko.
After all, ganoon naman talaga minsan ang pag-ibig. Minsan ay kailangang magparaya kung alam mong iyon ang paraan upang lubos na lumigaya ang taong mahal mo. Kahit pa masakit, kahit pa mapait.
--------------------
Happy 8th months' blogging kay monz avenue!
Bisitahin ang kanyang mga sponsors:
Chad of Coolbutsmokin.wordpress.com
Rhona of Kofistains.com
Reesie of Reesie.net
Jehzeel of Jehzlau-Concepts.com
Jerick of Rickspot.com
Ej B. of TechnoChase.com
Mars of OrphicPixel.com
Winkie of WinkiesWorld.wordpress.com
Cris of www.crisiboy.com
The Long View: Dispatch from South Korea (2)
4 days ago
21 comments:
Alam ko hindi ka pa moved-on, wag mo lokohin ang sarili mo hahaha! juk
Anyway thanks for poppin by sa luma kong bahay, wanna check my new blogsite? http://www.tsiremo.com
Be safe.
tsi, salamat sa pagbisita. :D
Oy Thanks for joining. I hope you could take time to visit this link and vote for the T-shirt design. You are required to register and vote otherwise disqualified ka. hehe, biro lang. peru i hope u will vote.
http://www.designbyhumans.com/vote/detail/58792?page=1
Thanks. :)
sige, mon, will register and vote.
' grabe.. nahihiya ako sah sarili, Filipino na nasabe but never in my lifetime would be I able to write something like this in our vernacular..
- great post.. i'll be following your blog from now on.. =)
thanks, last jedi, for visiting my blog. you also have an interesting blog.
gooD luck sa Contest Poh..
aejejje!
salamat, mark.
Hi Siyetehan, a new poll is up on my blog. please vote for your entry :)
i suggest tanggalin mo muna ang word verification temporarily para madami mag-comment dito. twice na akong failed comment dito marahil bec of word verification. di ko kasi makita. hehe
hi mon, thanks for the suggestion. i never thought na may word verification pala, matagal ko na kasing hindi na update yung settings.
again, thanks!
test. may word verific pa ba?
by the way, i like the last paragraph of ur entry. letting go ang drama. hehe
Yehey wala ng word verif. by the way, i suggest mag disqus ka na rin. gaya ng comment section ko. hehe
Move on kung move on!
MOn
peru disqus only applies on the new entries di na pwede tung mga existing entries. hehe
moving on... there is nothing really left to do but to move on. hehe
yaan mo na yan, ibig sabihin niyan, may mas better para sayo po.
Anonymous, salamat sa pagbisita.
Haha, thanks for the advise, though, fiction lang naman yan, hindi true to life.
:D
this happens in real life.
kaya nga minsan, hindi advisable na magkaroon pa ng mas malalim na friendship ang mga ex- not more than civil, i think.
there are successful people, though, who were able to keep their friendship, pero yun nga, may barriers na.
esp if you belong to the same barkada, right?
Contest is now closed. Comments counted. Thank you for joining Siyetehan :)
www.monzavenue.com
thanks, Mon. It's a great pleasure.
Sorry, please disregard the comment above. The contest ends tomorrow at 12 noon. In other words pwede ka pa magtawag ng commenters :)
Post a Comment