Class Suspension

Thursday, July 16, 2009 ·

Maliban sa Holiday, at Recess, paborito rin ng mga estudyante na mag-abang ng balita ng Class Suspension dahil sa bagyo.
Maaga pa lang yan, nakatutok na kami sa transistor radio. Nakikinig kami sa pamosong boses nila Rey Langit at Joe Taruc sa DZRH. Hinihintay namin ang declaration ng PAGASA kung umabot na sa Signal Number 3 ang lugar namin.
Pag signal number 3 na kasi, paniguradong wala ng pasok.
Tuwang-tuwa na kami.
**********
Ang PAGASA, o ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, ang sangay ng gobyerno na namamahala sa pagbibigay ng anunsiyo tungkol sa lagay ng panahon. Nalala ko tuloy noong bata pa ako, uso na pala talaga ang Network War ng GMA at ABS-CBN. Si Amado Pineda na bossing ng PAGASA ang nagbabalita ng lagay ng panahon para sa GMA 7. Pero ABS-CBN naman ang may hawak kay Ka Ernie Baron na mas sikat kaysa kay Amado Pineda.
Ang sabi sa website ng PAGASA, isa sa mga pangunahing vision ng ahensiya ay: magkaroon ng "World-class capability in monitoring, analyses, forecasting and warning of tropical weather systems such as typhoons, monsoons, Intertropical Convergence Zone (ITCZ)".
Ang sarap pakinggan, ang sarap basahin. Pero dahil nga forecast lang, minsan (o madalas?), mali ang anunsiyo nila.
**********
Lagi nang napupulaan ang mga forecasts na ibinibigay ng PAGASA tungkol sa bagyo. Kapag sinabi raw kasi nilang aaraw, malaman eh uulan. Kapag sinabi naman nilang uulan, maya maya eh sisikat ng matindi ang araw. Kapag minsan din, nagrereklamo lalo na ang mga magulang dahil delayed sa pagde-declare ng Typhoon Storm Signal ang PAGASA. Malalaman lang na wala palang pasok ang mga estudyante kapag naroon na sila sa loob ng eskuwelahan at ayaw na silang papasukin ng mga Security Guards dahil wala ngang pasok.
**********
Gayunpaman, maraming dahilan kung bakit hindi naman dapat isisi sa PAGASA ang lahat ng reklamo.
• Kaya nga forecast, eh dahil hindi naman ganoon kadali ang pagkalkula sa magiging lagay ng panahon.
• Matindi na talaga ang epekto ng climate change ngayon. Kaya nga iyong mga gustong ang kasal nila eh garden wedding, hindi rin nakakasigurado kung hindi nga uulan kahit pa buwan iyon ng Marso o Abril.
• Sa pagkakaalam ko ay binigyan na rin ng kapangyarihan ang mga lokal na opisyal na pamahalaan ang pagsususpinde ng mga klase ng eskuwela. After all, sila ang mas nakakakita kung mabuti ba o hindi mabuti ang lagay ng panahon sa lugar na kanilang nasasakupan.
• Marami na ring nagsasabi na baka naman outdated na ang mga kagamitan ng PAGASA. Siguro ay nararapat lamang na maglaan naman ng mas malaking budget ang gobyerno para gawing mas moderno ang mga pasilidad ng ahensiya.

2 comments:

dencios said...
Fri Jul 17, 01:03:00 AM  

alam mo siyetehan nanoood ako ng 24 oras thru Gma Pinoy TV at parang eto si mel and mike e sinabon ang official spokesperson ng pag-asa. kasi daw ay bakit hindi suspindehin agad ang klase kung alam na nilang may paparating na bagyo. e hindi naman natin sila masisi kasi forcast yun - moody ang weder natin kasi hindi ba?

naaawa nga ako kasi parang nasabon ata ng 2 anchor kasi sa kanila ang bato ng magulang hindi sa pag-asa kaya ayun binato naman nila sa pag-asa hehe.

well i think all work lang naman iyan at talagang clinarify lang nila mel ang mike kung bakit. sana na explain mabuti PAG-ASA.

siyetehan said...
Sun Jul 19, 09:00:00 PM  

well, siguro eh may mas tamang pamamaraan ng pagtatanong na ginawa ang mga mediamen natin.

para hindi naman lumabas na kahiya hiya iyong ini interview nila.

Post a Comment

PEBA NOMINEE

Siyetehan Supports PEBA



Siyetehan Wins

Philippine Blog Awards