Identity Crisis

Wednesday, July 14, 2010 ·

Siguro nga importante talaga yung may sarili kang "identity".

Yun bang kumbaga sa basketball eh, signature move na parang 360 dunk ni Billy Ray Bates o kaya naman eh clutch jumper ni Jolas at yung mga tira nila Vergel Meneses at Samboy Lim na parang nagbabasa muna ng diyaryo sa ere bago i-shoot ang bola.

O di kaya naman eh tagline, katulad ng "Sarap to the bones" ng Max's, "Finger lickin' good" ng KFC, at yung "Crispyliscious, Juicyliscious" ng Jollibee.

Ito rin siguro ang principle kaya yung mga News Anchors ng mga TV stations ay may kani-kanyang pakulo para mas makilala sila ng mga viewers.

Medyo nakakasawa na yung mga jokes na ginagaya yung pag-ubo (sabay EX-cuse me-PO!) ni Mike Enriquez, at pati yung pag "ano ha" ni Mel Tiangco. Kasi, pati yung ibang news anchors at yung mga field reporters ngayon, may kani-kanya na ring pagkakakilanlan.


Arnold Clavio: "ako naman" (ano ba ibig sabihin pag sinasabi nyang "ako naman"?)

Susan Enriquez: "ak--ko si Susan Enriquez, ang inyong naging Saksi" (kailangan may 2 seconds na pagitan ang pagsasabi nya ng "ako")

• Sabi ng magaling na heckler na si loi pogi sa kanyang twitter account, si Steeeeeeeeeeeeve Dailisan daw ang TV reporter na may pinakamahabang pangalan.

• Pero syempre, hindi rin basta-basta patatalo sa pahabaan ng pangalan si Rrrrrrrrrrrrroseti Rivera.

**********

Name Recall. Identity. Uniqueness.

**********

Nakapagtatakang, kahit na may sarili silang identity sa pagbanggit ng kani-kanilang mga pangalan ay halos pare-pareho naman ang tono ng pagdeliver nila ng balita- lalong-lalo na yung mga reporter sa radyo.

"Yes, Arnold, nandito nga tayo saaaaaaaa kahabaan ng-ngaaaa South Luzonaaaaa Express Way kung saan-naaaaaaa kasalukuyang-aaaaaaa tinatatanggal ng-ngaaaaa mgaaaaaaaa awtoridad itong-ngaaaa nakahambalang naaaaaaaaaaaa parte ng crane naaaaaaaaaaa nalaglag mula saaaaaaaaaaa ginagawangngaaaaaaaaaa skyway kahapon saaaaaaaaaaa kasagsagannnaaaaaaaaa ng-ngaaaaaaaa bagyongngaaaaaaaaaaa Basyang."

1 comments:

2ngaw said...
Wed Jul 14, 09:21:00 PM  

Hehehe :D Akala ko ung identity crisis na alam ko, report ko kasi yan nung college tungkol sa homosexual...

Post a Comment

PEBA NOMINEE

Siyetehan Supports PEBA



Siyetehan Wins

Philippine Blog Awards