Exchange Gift

Sunday, December 12, 2010 ·

Hindi ako naniniwala sa salitang "swerte". Pero for purposes of this blog post eh gagamitin ko ang salitang ito.

Mula kasi nang sumali ako sa mga exche-exchange gifts na 'yan pag pasko eh talaga namang wala akong ka-swerte swerte sa mga natatanggap kong regalo. Yung, ika nga nila, eh, forgetable na mga gift items.

Ewan ko, pero siguro, nag-ugat yan dahil na rin sa akin. Ika nga nila, eh, "you reap what you sow". Noon kasing bata ako, isinali ako nang tiyahin ko sa christmas party ng kapatid kong nag-aaral sa kinder. Kumbaga ba, salingpusa ako. At dahil yung tiyahin ko naman ang may pakana nang lahat, siya na rin ang nag-abalang umisip ng ireregalo ko. Nalaman ko na lang bago kami umalis ng bahay na ang ibinalot pala ng tiyahin ko na ipang e-exchange gift ko ay mga itlog pala ng manok.

Hindi ko na alam (at hindi ko na talaga inalam) kung sinuman ang pobreng nakatanggap ng mga itlog ng manok; pero simula nga noon ay wala talaga akong swerte pagdating sa mga exchange gifts tuwing pasko.

(Tandang-tanda ko pa noong grade 3, matatawag kong all-time low ito dahil ang natanggap ko ay isang putol na Perla. Oo, yung sabong puti na ayaw bumula kahit ilang kusot na ang gawin mo).


++++++++++

Para sa mga bata daw ang Pasko. Hindi nga ba't ilang libo rin ang nagagasta nang mga ninong at ninang sa pagbili ng laruan at pamimigay ng mga malulutong na bills tuwing kapaskuhan?

At gaano man kalungkot ang ating mga ala-ala patungkol sa natatanggap nating regalo noong tayo'y mga bata pa lamang, tila ba napapawi ang mga ito tuwing tayo naman ang nagbibigay na ng mga regalo at aginaldo sa ating mga mahal sa buhay?

Tama nga ang sinasabi nang karamihan. Ang diwa nang pasko ay ang matutunan natin na mas pinagpapala ang nagbibigay kaysa sa binibigyan.

--------------------

Ito ay sapagkat sa ganitong paraan inibig ng Diyos ang sanlibutan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. (Juan 3:16)



2 comments:

p0kw4ng said...
Mon Dec 13, 08:21:00 AM  

para sa mga inaanak ngayong taon na ito..tabla tabla muna kami,hihihihi

tagal bago ka nagsulat ulit ah!!

joan said...
Fri Dec 24, 08:51:00 PM  

wahaa. siguro same lang tayo kuya sa lagay na to. medyo di din ako swerte pagdating sa mga exchange exchange gift na yan. hehe.

Maligayang Pasko po! :)

Post a Comment

PEBA NOMINEE

Siyetehan Supports PEBA



Siyetehan Wins

Philippine Blog Awards