Imperyalista, I-bagsak!
Kapitalismo, I-bagsak!
Ako: Boss! Boss! Bakit ho kayo nagrarally?
Siya: Ipinaglalaban namin ang karapatan ng mga manggagawang Pilipino! Masyado na tayong sinisikil ng mga negosyanteng naghaharing-uri sa ating bansa (sabay punas ng good morning towel sa pawis na tumatagaktak sa noo)!
Ako: Ano ho bang idinadaing nyo ngayon?
Siya: Hindi makatarungan ang umentong P22 wage increase na inaprubahan ng Pamahalaan!
Ako: Bakit? Ayaw nyo po ba ng increase sa sweldo?
Siya: Hindi katanggap-tanggap ang P22 na itataas ng sweldo! Dapat dito'y at least P150 na accross the board ang itinaas ng sweldo. Wala nang makain ang mga pangkaraniwang empleyadong nagtityaga na lang sa noodles araw-araw!
Ako: Eh paano naman po yung mga negosyante? Hindi ba sila malulugi sa taas ng hinihingi ninyong dagdag-pasahod?
Siya: Ang mga mahihirap patuloy na naghihirap! Ang mga mayayamang negosyante na yan lang ang patuloy na yumayaman dito sa Pilipinas! Sila ang nagpapakasasa sa lakas at talento ng mga manggagawa, samantalang hindi naman makatikim ng kaginhawahan ang mga taong maliliit!
Ako: Yumayaman pala ang mga negosyante, eh bakit hindi na lang kayo magnegosyo?
Siya: Pangkain nga, hirap kami eh. Saan ako kukuha ng kapital?
Ako: Bakit wala kayong kapital?
Siya: Dahil nabibilang ako sa mga dukhang pang-araw araw na pantawid-gutom lang ang kayang ipundar!
Ako: Eh bakit po ba kasi kayo mahirap?
Siya: Tumabi ka nga riyan! Ginugulo mo ang demonstrasyon namin!
Imperyalista, I-bagsak!
Kapitalismo, I-bagsak!
4 comments:
teka makapaglaba muna...:)
Ha ha, kuhang kuha mo ang mga nais kung itanong kung sakaling ako ang mapadaan sa mga nagra-rally, kaya lang ay baka mabatukan ako ;-)
Hahaha, buti di ka sinapak?! lolzz
Minsan kasi tayo rin naman ang dahilan ng ipinaglalaban natin, di lang natin kayang tanggapin at kelangan pang isisi sa iba
@ever: may tide taba ka ba jan?
@dinah: mas masarap silang batukan :D
@lord cm: korek na korek ka jan.
Post a Comment