Napag-usapan na rin lang ang Transformers, 1980s nang mauso sa Pilipinas ang Transformers. Pinag-aagawan naming magkakalaro kung sino kami sa mga characters. Gaya ng dapat asahan, ang pinakamatanda sa amin ang naging Optimus Prime. Yung pangalawa ang naging si Bumblebee, at akong pinakabata ang naging si hindi-ko-alam-ang-pangalan na robot na parang ambulansiya yata dahil mayroon siyang wang-wang.
Hindi lang Transformers ang usong foreign cartoons noon. Sumikat din ang Voltes V, Diamos at yung mga Looney Toons na katulad nila Road Runner, Coyote, Donald and Daisy Duck, at Mickey Mouse.
Sumunod na nagpasukan ang Bioman, Shaider, Ultraman, Magmaman, at Mask Riders na laging may mga kalabang monsters na hindi mo malaman kung ano ang hitsura.
Pero all-time favorite ng mga bata ang Batibot. Paniguradong lahat ng mga bata noong panahon ng Dekada 80s eh nakisabay sa kantang:
Pagmulat ng mata
Langit nakatawa
Sa Batibot
Sa Batibot
Tayong nang magpunta
Tuklasin sa Batibot
Ang tuwa
Ang saya
Doon sa Batibot
Tayo na Tayo na
Mga bata sa Batibot
Malaki, masigla
Doon sa Batibot
Tayo nang magpunta
Mga bata sa Batibot
Malaki, masigla
Hanggang ngayon ay hindi mawala sa isipan ang mukha nila Kuya Bodjie, Ate Sienna, Ning-ning at Ging-ging, Aling Bola, at sila Sitsiritsit at Alibangbang.
Counter-part ng American children show na Sesame Street ang Batibot. Kaya nga halos magkapareho sila ng format. Kung mayroon silang Big Bird at Elmo, pambato naman ng Batibot si Pong Pagong at si Kiko Matsing.
Award-winning Children's show ang Batibot. Hindi lang dahil nakakaaliw ito, kundi dahil napaka-informative ng palabas, basic knowledge kasi ang itinuturo nito at kung masipag makinig at manood ang bata, paniguradong may matututunan siya.
Kaya naman nakakalungkot na paglipas ng maraming taon, inihinto na ang pagpo produce at pagpapalabas ng Batibot.
Kung sana nga lamang ay magkaloob ng pondo ang Gobyerno upang maitaguyod ang mga ganitong klaseng palabas upang magamit na tool o medium para maturuan ang mga batang manonood.
Sana.
2 comments:
Matanda na ba ako? Bakit kabisado ko kantahin yung Batibot? haha!
Nakakalungkot nga rin wala na math-tinik e. Kasi nung bata ako, halos mas natuto pa ako dun kesa sa teacher ko. Kung may ganun lang sana e di nakakanood pa ng ganun yung bata kong kapatid.
"sana e di nakakanood pa ng ganun yung bata kong kapatid."
which is certainly much better than doraemon and naruto.
Post a Comment