Pana-panahon

Sunday, June 28, 2009 ·

Napag-usapan na rin lang ang pagkamatay ni Michael Jackson...

Namulat ako sa mundo na sikat na ang pangalang Michael Jackson, o MJ, o Jacko. Siya yung sikat na singer na kumakanta habang sumasayaw. Laging makintab ang suot, may sumbrero, may guwantes, at madalas eh putot ang pantalon. Hindi ko pa dati naa appreciate ang galing niya. Basta ang alam ko, maraming taong tumitili, umiiyak (at hinihimatay) kapag nakikita siyang kumakanta. Pandemonium na kapag kinanta niya at sinayaw ang Thriller, Black and White, Dangerous, Smooth Criminal, I'll Be There, Ben, at We Are The World.

Hindi ko na matandaan kung paanong nag-evolve si MJ mula sa pagiging negro at naging isang maputing tao. Kasabay ng misteryo ng pagpapalit kulay ni MJ ay ang walang kapagurang kaso ng pedopilya na nakasampa laban sa kanya na isa-isa ring naabsuwelto kasabay naman ng unti-unting pagkawala ng mga properties niya.

Controversies aside, Michael Jackson will always be remembered as an Icon in the Music Industry.


**********



1990s.

Sabi nila, Eraserheads defined the 90s. At hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang impluwensiya ng Eheads sa Music Industry ng Pilipinas. They initiated the story that brought the likes of Rivermaya, Parokya ni Edgar, Alamid, After Image, Introvoys and the rest, to fame during the 90s.

Young people of every town were "cool" when they know how to sing and play the guitar like Ely does.

Nakakalungkot nga lang isipin, na katulad din ni Michael Jackson, nawala sa senaryo ang Eraserheads nang magpasya ang mga miyembro na mag-disband dahil sa ilang hindi pagkakaunawaan. But nevertheless, Eheads will always be a part of the history of the Philippine music.


**********

Purefoods ang paborito kong team sa PBA. TJ Hotdogs pa sila noon, lagi kong dino-drawing sa mga lumang notebooks yung uniform nila na may nakadrawing na parang hotdog o buns ata ng tinapay yung at may nakasulat na PURE FOODS sa gitna nito. #16 si Patrimonio, #6 si Lastimosa.
Pero walang panama ang team ko sa Ginebra kung kasikatan din lang ang pag-uusapan. Inis na inis ako noon kapag kalaban ng Purefoods ang Ginebra. Dahil kahit kasi 1 minuto na lang, hindi pa rin ako mapakali kapag tumayo na at nagalit sa mga players si Jawo. At saka sasabayan ng crowd ng sigaw na HIN-YEB-RA! HIN-YEB-RA! Kapag ganyan, delikado na-malamang sa malamang eh gumana na naman ang Never Say Die attitude nila.
Hindi ko alam kung paano nahatak ng Ginebra ang pagmamahal ng mga basketball fans. Pero kung gagawa ka man ng survey ngayon ng mga pinaka popular na teams na naglaro sa PBA, paniguradong Ginebra ang Number 1.
**********
1996 nang natuntong ako sa Maynila. Pagdating ko, sikat na sikat ang Shawarma. Lahat yata ng lugar na puntahan mo ay may nakatayong tindahan ng Shawarma.
Ganoon din daw nung mauso ang Lechon Manok-halos sa lahat ng kanto ay may nagtitinda nito. Ngayon, Andok's, Baliwag at Mang Bok's na lang ang mga prominenteng nagtitinda ng Lechon Manok sa Maynila.
Pagkatapos nang kasikatan ng Shawarma, pinagkaguluhan naman ng Kamaynilaan ang pagtitinda ng Sweet Corn- yung Nilagang Kernel Corns na ilalagay sa maliit na baso at nilalagyan ng kulay orange na Cheese Flavor. Panalo-lahat din ng kanto, meron nito.
Halos kasabayan naman ng Sweet Corn ay ang pagsikat ng Zagu Pearl Shakes. People willingly wait in long lines just to buy a grande of Buko Pandan or Cookies n' cream with extra Pearl. Cooooolllll!
Ganoon din ang tinamong kasikatan ng mga Calamares- yung mga piniritong pusit na inilalako sa mga kanto-kanto nitong 2007-2008. Pero katulad ng mga iba pang naunang pagkain na sumikat, unti-unti ring nagsawa dito ang Pinoy.
**********
Marami pa, kung anu-ano, pana-panahon.
Ano naman kaya ang susunod?





0 comments:

Post a Comment

PEBA NOMINEE

Siyetehan Supports PEBA



Siyetehan Wins

Philippine Blog Awards