Buhos Na Ulan

Wednesday, June 17, 2009 ·

Na-imagine mo na ba na nabangga ka ng tren?

Nangyari sa akin yan. Hindi imagination. Totoong pangyayari, noong 1999.

Pauwi kami noon sa Licab, Nueva Ecija ng mga kaklase ko para mag-conduct ng feasibility study na thesis requirement namin sa Accounting 14.

Alas kwatro ng umaga ang usapan, magkikita-kita kami sa tapat ng PSBA Manila tsaka didiretso sa Baliwag Transit Station sa Cubao. Kaso, paggising ko ng alas tres ng madaling araw, talagang buhos ang ulan. Dahil hindi pa naman uso ang text text noon sa mga college students, walang choice kundi tumupad sa usapan.

Nakakuha naman ako ng taxi sa may tapat ng bahay. Hindi ko naman dating gawain, pero sa likod ako ng taxi sumakay (kapag isa lang kasi ako eh laging sa tabi ako ng driver sumasakay).

Buhos pa rin ang ulan, tinahak namin ang daan ng biyaheng Lealtad-Quiapo pero napilitan kaming huminto sa may Railroad Crossing Intersection malapit sa Trabajo Market dahil bumubusina na yung paparating na tren.

Cool na cool pa si Lolo driver habang unti-unti naming nakikita ang ulo ng tren na papalapit na sa amin nang biglang nakarinig kami ng malakas na pagbangga sa may unahan ng taxi at naramdaman na lang namin na umusad kami ng mga ilang metro.

Dilat na dilat ang mata ni Lolo sa gulat. Angat ang hood ng kotse, basag ang dalawang side mirror. Apparently, noong huminto pala kami sa railroad sign eh lumagpas sa nakatakdang guhit sa kalsada ang unahan ng taxi, kaya inabot kami ng tren. Sabi ni Lolo Driver, hindi niya napansin ang guhit dahil lumubog na ang kalsada sa tubig-ulan.

**********

Matindi kapag umulan ng biglaan sa Metro Manila. Below sea level daw kasi ang Manila, kaya normal na ang baha, lalo na sa may CAMANAVA area (Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela). Bahain din dati ang Marikina. Sikat din sa baha ang EspaƱa sa Maynila. Kaya kapag bumaha noon eh napipilitan kaming lumakad pauwi mula sa University Belt hanggang sa may Rotonda ng QC.

Hindi ka naman maiinip dahil lahat ng tao eh naglalakad. Nga lang, pag-uwi mo ng bahay eh kailangan mong maligo at magsabon ng ilang beses para matanggal ang mga langis ng sasakyan na kumapit na sa binti mo. Doble linis ang kailangang gawin kung dumadaan ka ng Trabajo Market dahil kasama mong naglulublob sa baha ang mga lumulutang na basura na galing sa palengke.

**********

Ewan, pero lagi nilang sinisisi ang PAGASA at ang DepEd/CHED sa hindi maayus-ayos na paraan ng pagsususpinde ng klase. Lalo ngayon, sobrang unpredictable na daw talaga ng klima dahil sa epekto ng Global Warming. Katulad ngayong mga nagdaang araw, sikat na sikat ang araw, pero pagdating ng hapon eh biglang bubuhos ang ulan. Kung meron mang masayang masaya, eh iyong mga nagtitinda ng payong sa bangketa.

**********

Anu't anoman, mainam na iyong laging kang handa. Magdala ng payong at jacket. Laging uminom ng multivitamins at iwasang magpa ulan. Mas mainam na iyong malusog ka kaysa sa umiinom ka ng gamot para gumaling sa sakit.




4 comments:

cebu pictures said...
Thu Jun 18, 02:13:00 AM  

You might be accepting an exchange link. let me know comment me.

cebu pictures said...
Thu Jun 18, 04:51:00 AM  

added you already.

paolo_abelardo said...
Thu Jun 18, 06:31:00 AM  

Nung kamakalawang linggo e tirik ang trapik sa EDSA southbound, abot atang santolan. Ang sinisisi ng mga taxi driver ay baha sa pasay at makati. Bakit hindi maayos yun e supposedly mayaman ang makati. Kayang kaya yun ipagawa. Kung yung sa marikina nagawan ng paraan e dating delinquently bahain yun, dun pa kaya sa may CBD? I don't know kung maka-Binay kayo, but i would want to appear on his TV commercials saying "sa Makati, tulad sa may Washington, umaabot ng baywang ang baha at kailangan mo umangkas sa kariton o mag-squat sa pedicab para makatawid ng kalsada. Ganito sa Makati, sana ganito rin sa buong Pilipinas."

siyetehan said...
Thu Jun 18, 07:39:00 PM  

well, isa sa "maliit" na problema diyan ay ito:

naayos ni bf ang marikina para masolusyonan ang baha. ang kaso mo, ayaw naman ipagalaw ni binay ang makati kay bf- bad blood.

kung magkakasundo sila, yaman ni binay at talino ni bf, ok sana.

ganoon sana sa buong bansa.

Post a Comment

PEBA NOMINEE

Siyetehan Supports PEBA



Siyetehan Wins

Philippine Blog Awards