INC Leader Eraño Manalo Dies at 84

Monday, August 31, 2009 · 2 comments

Spiritual Leader Eraño Manalo of the influential religious group Iglesia Ni Cristo dies at age 84 on August 31, 2009.

His remains will be interred at the Templo Sentral, INC's Central station along Commonwealth Avenue, Quezon City later on September 1, 2009.

Manalo, Executive Minister of the INC, died of cardiopulmonary arrest.

Pag-Asa

· 4 comments

(Medyo) nagulat ako dahil sa dumagdag na mga comments sa blog entry ko na 2010. Una pa lang kasi eh alam ko na medyo hindi talaga dudumugin ng comments ang entry dahil kakaunti lang talaga ang bumibisita sa site ko. Kanina ko lang nakita na may mga humabol pang comments, at dahil pala yun kay El Presidente A-Z-E-L na nag-promote ng site ko sa blog niya.

Salamat, salamat, marekoy.



**********



Higit sa premyo, higit sa pagkakaroon ng pangalan at prestige sa mundo ng internet, importanteng malaman ng bawat blogger o manunulat sa web na malaki ang ginagampanan nating responsibilidad sa pangkasalukuyang panahon ng bansa.

Bakit nga ba? Pwede naman tayong magsulat ng "wala lang". Pwede namang gumawa ng mga articles tungkol sa kalaswaan, kalokohan, kababuyan, at mga walang kwentang bagay. Pero mayroong ilan sa atin na nagpupumilit magsulat ng mabuti, maayos at kapaki-pakinabang.

Dito sana maibilang ang bawat isa sa atin.

Oo, tama, may kalayaan tayong magsulat ng gusto natin. Pero sana ay tandaan ng bawat isa sa atin na responsibilidad pa rin nating ipahayag ang ating sarili sa makatotohanan at impormatibong paraan.



**********



September 2009 na bukas. Siyam na buwan na lang at eleksiyon 2010 na naman. Mamimili na naman tayo ng mga lider ng bansa.

Natuto ba tayo sa mga nagdaang kamalian natin? O lagi na lamang tayong nauuto?



**********



Kahapon, August 30, labintatlong presidentiables at vice presidentiables ang sumali sa Fun Run na in-organize ng GMA Network (Tatakbo Ka Ba?) sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Nakakatuwa, dahil kasama sa Oath na pinirmahan ng mga politicians ay nagsasaad nito:

"Hindi ako gagamit ng salapi sa maling paraan o ng armas at anumang uri ng dahas para masiguro and pagkapanalo ko sa eleksyon".



Sana nga lamang ay totoo at sundin nila ang kanilang sinumpaang pangako sa mamamayan.


**********

Tayong mga manunulat sa blog, at ang mga pulitiko na sama-samang naghahangad ng pagbabago para sa kaayusan at kaunlaran ng bansa-



Kung parehong mayroon nito, naniniwala akong May Pag-Asa Pa!

(galing dito ang larawan)

99.99% (Updated)

Wednesday, August 26, 2009 · 11 comments


99.99% na daw na tatakbo si Erap bilang Presidente sa 2010 elections.


Ang problema, 99.99% din na hindi naman siya papayagang makatakbo ng Korte Suprema.


**********


99.99% na daw na tatakbo si Erap sa 2010.

"Eh ano naman ngayon", sabi naman ni Roxas, "naka pedicab kaya ako".

Konting Barya Lang Po

Tuesday, August 25, 2009 · 5 comments


"Te, Kuya, konting barya lang po, pangkain lang"

Parang pag may namamalimos lang ang drama.

Anyway, sumali kasi ako sa pa-kontes ni superduper bonggang Blue Umali nitong July 2009 (Saranggola Blog Awards).

First-time kong sumali sa mga ganitong ka-churvahan and acshuli, gusto ko talagang mahablot yung top prize hindi ko naman talaga habol yung manalo ng kung anupamang premyo. Gusto ko lang talagang mag-build ng connection sa iba pang bloggers.

Pero dahil andito na rin lang,

"Te, Kuya, parang awa ninyo na, daan naman kayo sa entry ko at mag-iwan ng comment. Hanggang August 31 na lang ang kontest, kaya sana maawa na kayo sa bulag akin.

Ang nakabasa nito at hindi mag-iiwan ng kumento, may tae sa pwet.

eeeew.


-----------------------

I-click lang ang link sa aking entry sa Saranggola Blog Awards sa ibaba:

Ms. Venezuela is Ms. Universe 2009

Sunday, August 23, 2009 · 9 comments



Miss Venezuela, Stefania Fernandez, has been crowned Miss Universe 2009, the prestigious beauty pagent recently held in Bahamas.

Fernandez emerged triumphant over the 84 contestants that vied for the title.

**********

O? isa lang ang ibig sabihin niyan- olats na naman ang Pinas.

Anak ng Jueteng

Wednesday, August 19, 2009 · 9 comments

Noong Monday, August 17, nag-file ng accreditation sa COMELEC ang isang grupo para mapabilang sila sa mga party-list groups na pwedeng kumampanya sa 2010 elections.

Ang grupong nag-file, ay ang ALYANSA NG MGA SABUNGERO. Sabi ng petition nila sa COMELEC, layunin nilang i-represent ang mga manggagawa sa cockfighting industry ng Pilipinas, katulad ng mga kristo, kasador, asistante, takilyero, at pati na ang mga nag-aalaga ng mga manok sa mga likod-bahay.

Bongga di ba?


**********

Sayang hindi ako umabot.

Edi sana nag-file din ako ng sariling party-list group. Kumpara sa mga Sabungero ( na big-time ang mga tayaan at big time ang mga personalities, katulad nila Pacquiao, Revilla at Joson), mas "marginalized" sector ang mga kubrador at mga tumataya sa Jueteng.

Tatawagin ko ang aking party list na:

ANAK NG JUETENG


**********

Dagdag kaalaman tungkol sa Party-list system ng Pilipinas:

Nagsaad ng probisyon sa batas para sa mga party-list.

Ito ay ang Republic Act 7941 (AN ACT PROVIDING FOR THE ELECTION OF PARTY-LIST REPRESENTATIVES THROUGH THE PARTY-LIST SYSTEM, AND APPROPRIATING FUNDS THEREFORE)

Narito ang sinasaad sa Section 2:

The State shall promote proportional representation in the election of representatives to the House of Representatives through a party-list system of registered national, regional and sectoral parties or organizations or coalitions thereof, which will enable Filipino citizens belonging to marginalized and under-represented sectors, organizations and parties, and who lack well-defined political constituencies but who could contribute to the formulation and enactment of appropriate legislation that will benefit the nation as a whole, to become members of the House of Representatives.


**********

“If cockfighters have a right to join, maybe fighting cocks themselves have a right, too”
- Senator Panfilo Lacson


“Maybe they have complaints or issues to raise against Max’s, KFC and Jollibee"
- Senator Mar Roxas

Wondergirls' Nobody Video

Tuesday, August 18, 2009 · 7 comments

Wondergirls' Nobody Video- The Robot Edition


Paano Maging Senador

Monday, August 17, 2009 · 4 comments

Limang paraan kung paano ka magiging Senador:

1. Dapat marunong kang tumawa, umiyak, at magalit sa harap ng camera.

2. Dapat magaling kang mag solicit sa mga TFC subscribers and foreign viewers sa show.

3. Dapat mahilig kang sumayaw ng malaswa sa tabi, sa harap, at sa likod ng mga seksing babae.

4. Dapat marunong kang magpaiyak ng mga contestant sa show.

5. Dapat Willie ang pangalan mo. O kaya papi.

Pag meron ka niyan, pwede ka nang tumakbong Senador.


Korean Invasion

Sunday, August 16, 2009 · 8 comments

Halong aliw at awa ang naramdaman ko nung minsang nakita kong tuliro at kunot-noong kausap ng Jollibee crew ang tatlong customer na nasa harapan ng counter. Pagkakita ko, isang grupo pala ng mga Koreans na gustong bumili ng chicken joy. Sa loob-loob ko dun sa Jollibee crew, "Ay nosebleed ang lolo".


**********

Mga 5 years ago siguro nang biglang nagsulputang parang bula na lang ang mga Koreans dito sa Pinas. Akala ko dati, mga hapon, hanggang sa mabalita nga na marami na ngang nagpupuntang mga koreano dito sa Pilipinas para mag-aral. Mura daw kasi ang education fees dito sa Pilipinas, at maganda ang turo (pero bakit nga ba napakaraming militanteng estudyante na wala naman sawang nagra-rally dahil tumataas daw ang tuition fees, habang bumababa naman ang kalidad ng edukasyon?)


**********

At dahil nga nagsulputan na rin ang maraming Koreano, naglabasan na rin ang mga Koreanovela (katulad ng Jumong at Jangeum), Korean Restaurant, Korean Schools, at nauso rin yung mga Pinoy na ang trabaho eh magturo ng wikang Ingles sa mga Koreano.


**********

Iniisip ko rin, siguro malaking adjustment din na mapunta sila, mamalagi, mag-aral at mag-adopt ng ibang kultura. Siyempre, kailangan nilang intindihin ang kulturang Pinoy.

Nung Friday night, nakasakay ko sa jeep ang isang koreana na hindi mapakali patingin-tingin sa paligid. Nakakaawa, akala ko nga nawawala, kasi abot ang tingin-tingin niya, baka kako hindi niya alam kung san siya pupunta.

Hanggang bigla siyang napangiti, sabay sigaw ng "Mama, Para po sa tabi!"


**********

Napag-usapan ang kultura. Hindi ako kailanman nahilig manood ng mga koreanovela. Nakakapanood, oo, kasi yung mga kasama ko sa bahay eh nanonood, pero hindi ako die-hard fan ni Jumong.

Di pa rin ako nakapasok sa anumang Korean resto na nagsulputan dito sa paligid ng office.

Madalas, naiisip ko-mas gusto ko pa rin talaga ang kulturang Pinoy, "hindi ko ito ipagpapalit kahit na anong kultura!!!!". Sinasabi ko yan habang nakatapat ang kanang kamay ko sa kaliwang dibdib na parang kumakanta ng Bayang Magiliw (o Lupang Hinirang sa tamang tawag).

Pero may bago akong kinakahiligang kanta ngayon, maliban sa Bayang Magiliw.

Eto yung lyrics:

I want nobody nobody But You
I want nobody nobody But You
Nandareun sarameun silheo niga animyeon silheo
I want nobody nobody nobody nobody

I want nobody nobody But You
I want nobody nobody But You
Nandareun sarameun silheo niga animyeon silheo
I want nobody nobody nobody nobody

(At hinanap ko pa talaga sa youtube)


Para lang malaman na Korean group pala ang kumanta at nagpasikat ng dance step nito.

Erap, Makakatakbo Ka Pa Ba?

Thursday, August 13, 2009 · 11 comments


Sabi ng isang jogger ke Erap: "Erap! Makakatakbo ka pa ba?"

Sumagot naman si Erap: "Bakit hindi? Gusto mong subukan?"

Tsaka tumakbo si Erap.

Commercial lang pala ng gamot laban sa arthritis.


**********

While the constitutionalists, politicians, and analysts continue to debate kung pwede o hindi na ba pwedeng tumakbo si Erap Estrada para Presidente sa 2010, mukhang patuloy namang bumabango ang pangalan ni Erap sa mga surveys.

Sa latest political survey na ginawa ng Social Weather Station noong June 2009, nanguna si Erap sa listahan nang posibleng manalo bilang Presidente sa 2010.

**********

The following personalities tops the nationwide survey:

• Joseph "Erap" Estrada- 21%
• Manuel "Manny" Villar- 19%
• Francis "Chiz" Escudero- 18%
• Noli "Kabayan" De Castro- 15%
• Manuel "Mar" Roxas- 9%
• Loren Legarda- 7%




Mabilis talagang magpatawad ang pinoy.

Siyetehan Under Renovation

· 2 comments


Siyetehan is under renovation.
I do hope to:
Resume blogging,
Restore my links,
&
Update the site
As soon as possible.

The (Revised) Mar Roxas Political Ad

Monday, August 10, 2009 · 11 comments

Padyak II (Randam Ko Kayo)


Original Transcript:

Batang Babae: Kuya Maaaaaaaaaar!
Mar Roxas: Kamustaaaaaaaaaa
Lalaki: Kayod kami ng Kayod, Nakaw naman sila ng Nakaw
Mar Roxas: (Tumatangu-tango habang nangingilid ang luha)


**********

Pero dahil nga nitong linggong ito eh pumutok ang balita na gumastos si Pangulong Gloria Arroyo (at ang kanyang mga kasama) ng humigit kumulang sa 1 milyong piso para sa isang dinner sa New York, napapabalitang babaguhin ang transcript ng Political Ad ni Senator Roxas.


**********

Batang Babae: Kuya Maaaaaaaaaar!
Mar Roxas: Kamustaaaaaaaaaa
Lalaki: Kayod kami ng Kayod, Kain naman sila ng Kain

$20,000 Dinner at si Willie Revillame

Sunday, August 9, 2009 · 7 comments

How would you love to spend a whooping $20,000 US Dollars (or approximately 1,000,000 Php) for a dinner at the Le Cirque Restaurant?

**********

President Gloria Macapagal Arroyo found herself (for the nth time) in the center of controversies after she, together with her official entourage in the US, were featured in the New York Post for having the time of their lives spending close to $20,000 USD at the Le Cirque Restaurant in New York.

The excerpt states:

"The economic downturn hasn’t persuaded everyone to pinch pennies. Philippines President Maria Gloria Macapagal-Arroyo was at Le Cirque the other night with a large entourage enjoying the good life, even though the former comptroller of her country’s armed services, Carlos Garcia, was found guilty earlier this year of perjury and two of his sons were arrested in the US on bulk cash-smuggling charges. Macapagal-Arroyo ordered several bottles of very expensive wine, pushing the dinner tab up to $20,000.”


**********

As expected, the oppositions and the militant groups are all over the news, the web, and the papers, to trumpet the issue to the general public.


**********

Naisip ko lang: "Does it really matter to us kung malaman natin na gumastos nga ang Presidente ng isang milyong piso para lamang sa isang dinner?"


**********


Alin ang mas matimbang na usapin? Ang $20,000 dinner date ni President Arroyo? O ang kaso ng ginawang pambabastos (daw) ni Papi Willie Revillame sa libing ni Dating Pangulong Cory Aquino?

With Utmost Care

Thursday, August 6, 2009 · 11 comments


Kung sinuman ang gumawa ng caption sa picture na ito eh talaga namang ATAPANG-ATAO!



Caption Reads: WITH UTMOST CARE. Military honor guard carefully moves the coffin of President Arroyo out of the Manila Cathedral.

Sources say that this came out from the Manila Bulletin's August 6 issue.

I still have to verify if this really was posted and/or printed in the Manila Bulletin, but this pic has already leaked into the internet, with various bloggers posting the same.

Kawawa naman yung nagkamali.

History Wan-O-Wan

Wednesday, August 5, 2009 · 2 comments

History 101


This past week has created much happenings in our country that are worth written in the annals of our Philippine history.
**********
Congressman Bongbong Marcos and former Congresswoman Imee Marcos came to the wake of former President Cory Aquino to pay their last tribute. Now, who wouldn't be touched by that 'historic' moment?
Matapos ang ilang dekada ng Marcos vs Aquino family dahil sa pagkamatay ni Ninoy (na ang itinuturing na utak ay ang pamilya Marcos), nagkaharap din finally ang dalawang pamilya. Both camps couldn't say na meron na silang reconciliation, but I am sure, that moment has created a very big impact on our history.
**********
The Aquino family didn't accept Malacañang's offer for a state funeral entitled to former president Cory. Dahil daw sa kanilang 'moral and political differences'.
However, Cory was given full military honors yesterday. Some would say, ano ang difference ng ginawang parangal kay Cory as against a State Funeral. I heard one radio commentator say yesterday,
"Ang kulang lang actually dito, ay iyong hindi siya ibinurol sa Malacañang. But essentially, almost all the details accorded in a State Funeral are there".
**********
For the history- I have never seen such honor and respect given to any Filipino as such was given to Cory yesterday. The outpouring of people lining up in the streets, just waiting to have a glimpse at the former president's final remains is so memorable.
A lot of people are saying that it was just like in 1983 (when Ninoy was killed) and in 1986 (during the EDSA Revolution).
Add the fact na talagang wala ring tigil ang pagbuhos ng ulan maghapon, but that didn't stop the people from participating in the long procession for Cory's burial.
Mahal talaga ng tao si Cory.
**********
Hindi ko alam kung nakakatawa.
Pero naaasiwa ako.
Some TV and radio reporters mistake the name of Cory Aquino to that of President Arroyo.
"Malapit na pong dumaan sa aming harapan ang mga labi ni Pangulong Arroyo".
"At ilang sandali nga lang po ay ihahatid na sa huling hantungan si Pangulong Arroyo".
Slip of the tongue?
**********
Inspired ito sa post na nabasa ko sa kwentong tambay:
kris: pupunta ka ba sa burol?
glo: oo sana kung pwede
kris: pwede naman
kris: e sasama ka ba sa libing ni mom sa wednesday?
glo: oo gusto ko 'yan!
kris: sige pasusukatan na kita ng kabaong.

Manila

Monday, August 3, 2009 · 16 comments

Maraming beses na kitang nilayasan
Iniwanan at iba ang pinuntahan
Parang babaeng mahirap talagang malimutan
Ikaw lamang ang aking laging binabalikan

**********

1996 noong tumuntong ako ng Maynila para mag-aral. 1.50 ang minimum na pamasahe. Takot na takot pa ako noong first time ko na ako na lang ang luluwas galing ng probinsiya.

Basta ang sabi kasi sa akin, bumaba ka ng Camachile. Sumakay ka ng biyaheng Blumentritt, bumaba ka sa Tagaytay sa may Mila's Theater. Pagtawid mo, may sakayan ng byaheng Tagaytay- E. Rodriguez.

Pag nasa E. Rodriguez, kampante na ako sa sarili ko dahil pamilyar na ako sa lugar na iyon. Pero mula sa pagbaba ko ng Camachile hanggang sa bago ako sumakay ng jeep na papuntang E. Rodriguez, talagang kumakabog ang dibdib ko.

Mahigit sampung taon na pala ako sa Maynila. Kung saan-saan na ako napadpad. Hindi na ako promdi. Sanay na ako sa mga kalye, hindi na mawawala kumbaga. Mahigit sampung taon na pala. 7 na ang minimum, wala na halos mabibili ang dating minimum na 1.50.




**********

Ewan ko kung bakit hibang na hibang ang mga tiga-probinsiya na makatuntong ng Maynila. Pangkaraniwan na ang mga kwentong nakipagsapalaran sa Maynila dahil akala nila eh nandito ang ginto at wala sa probinsiya. Ang problema, pagdating dito, wala ring makitang matinong trabaho dahil ang totoo, hindi naman sa lugar makikita at makukuha ang ginto. Mas malaking katotohanan na ang ginto eh nakukuha sa pagtityaga kahit saan ka man naroon, at hindi napupulot lamang sa magulong mundo ng Maynila.

**********


Pero hindi maikakailang may taglay na akit ang Maynila. Maynila kasi ang simbolismo ng kaunlaran. Nandito ang mga uso, nandito ang mga bago. Mga Manileño ang mga trend-setters ng kung ano ang magiging kultura ng buong bansa sa hinaharap.



Ang sabi nga sa kanta eh, kahit na saang bansa o lugar ka man makarating, talagang hahanap-hanapin mo rin ang Maynila.

Ang nakakalungkot lang, kahit na mahal mo ang Maynila, tila ba hindi nito mahal ang kanyang sarili- sa haba ng trapik, sa ingay, sa usok, sa basura, sa mga vandalism, sa mga gulo, away, drugs, at prostitusyon.

Nakakalungkot. Pero kung hindi aaksiyon ang mga mamamayan at ang pamahalaan, tuluyan na ngang mapag-iiwanan ang Maynila.

**********

Hinahanap-hanap kita Manila
Ang ingay mong kay sarap sa tenga
Mga Jeepney mong nagliliparan
Mga babae mong naggagandahan
Take me back in your arms Manila
And promise me you'll never let go
Promise me you'll never let go.......

August 5 A Holiday

Sunday, August 2, 2009 · 0 comments



Malacañang has declared August 5, 2009, Wednesday, a Special Non-Working Holiday in order for the entire nation to pay their respect to former President Corazon Aquino.


Cory died last August 1, 2009 after more than one-year battle with colon cancer.

PEBA NOMINEE

Siyetehan Supports PEBA



Siyetehan Wins

Philippine Blog Awards