Anak ng Jueteng

Wednesday, August 19, 2009 ·

Noong Monday, August 17, nag-file ng accreditation sa COMELEC ang isang grupo para mapabilang sila sa mga party-list groups na pwedeng kumampanya sa 2010 elections.

Ang grupong nag-file, ay ang ALYANSA NG MGA SABUNGERO. Sabi ng petition nila sa COMELEC, layunin nilang i-represent ang mga manggagawa sa cockfighting industry ng Pilipinas, katulad ng mga kristo, kasador, asistante, takilyero, at pati na ang mga nag-aalaga ng mga manok sa mga likod-bahay.

Bongga di ba?


**********

Sayang hindi ako umabot.

Edi sana nag-file din ako ng sariling party-list group. Kumpara sa mga Sabungero ( na big-time ang mga tayaan at big time ang mga personalities, katulad nila Pacquiao, Revilla at Joson), mas "marginalized" sector ang mga kubrador at mga tumataya sa Jueteng.

Tatawagin ko ang aking party list na:

ANAK NG JUETENG


**********

Dagdag kaalaman tungkol sa Party-list system ng Pilipinas:

Nagsaad ng probisyon sa batas para sa mga party-list.

Ito ay ang Republic Act 7941 (AN ACT PROVIDING FOR THE ELECTION OF PARTY-LIST REPRESENTATIVES THROUGH THE PARTY-LIST SYSTEM, AND APPROPRIATING FUNDS THEREFORE)

Narito ang sinasaad sa Section 2:

The State shall promote proportional representation in the election of representatives to the House of Representatives through a party-list system of registered national, regional and sectoral parties or organizations or coalitions thereof, which will enable Filipino citizens belonging to marginalized and under-represented sectors, organizations and parties, and who lack well-defined political constituencies but who could contribute to the formulation and enactment of appropriate legislation that will benefit the nation as a whole, to become members of the House of Representatives.


**********

“If cockfighters have a right to join, maybe fighting cocks themselves have a right, too”
- Senator Panfilo Lacson


“Maybe they have complaints or issues to raise against Max’s, KFC and Jollibee"
- Senator Mar Roxas

9 comments:

A-Z-3-L said...
Thu Aug 20, 12:07:00 AM  

anak na ng hueteng... 24/7 sa blog ah...

pati ba naman mga sabungero sasali pa sa sabong sa kamara? ano ng sunod? legal ang saklaan at tupadahan? tapos babansagan tayong "Bansang Sugarol sa Asya"...

again, God Bless Philippines!

siyetehan said...
Thu Aug 20, 12:13:00 AM  

kaya nga pwedeng pwede na talaga nilang tawaging POLITICAL DERBY. hehe.

pamatayhomesick said...
Thu Aug 20, 01:19:00 AM  

anak din ngtipaklong...!

ha ha ha, natawa ako dub sa comment political derby

joan said...
Fri Aug 21, 12:32:00 AM  

..anak ng! jueteng nga. hehe. :p
..ayus talaga tong si ping. soska! hahaha.

p0kw4ng said...
Fri Aug 21, 10:32:00 PM  

anak ng jueteng may derby sa camara!

theLastJedi said...
Sun Aug 23, 10:16:00 PM  

' anu ba naman itong mga sabungero.. there's no way na under-represented sila at kailangan pa nila na mag-upo ng sarili nilang congressman.. geezz, some of the present members of congress are already sabungeros dadagdagan pa nila? nahihilu aku.. =)

siyetehan said...
Sun Aug 23, 10:45:00 PM  

jedi, tama ka, over represented na sila actually kasi napakaraming sabungero na nasa congress.

hector_olympus said...
Wed Aug 26, 07:13:00 PM  

i think the PL system should already be abolished, kasi wala naman yata tayong nahihitang mabuti sa kanila. i wonder what help they made in congress.

siyetehan said...
Wed Aug 26, 07:18:00 PM  

hector, marami silang nagawa sa labas ng congress, kasi rally ng rally yung mga kapanalig nila sa labas ng batasan. :D

Post a Comment

PEBA NOMINEE

Siyetehan Supports PEBA



Siyetehan Wins

Philippine Blog Awards