Basta ang sabi kasi sa akin, bumaba ka ng Camachile. Sumakay ka ng biyaheng Blumentritt, bumaba ka sa Tagaytay sa may Mila's Theater. Pagtawid mo, may sakayan ng byaheng Tagaytay- E. Rodriguez.
Pag nasa E. Rodriguez, kampante na ako sa sarili ko dahil pamilyar na ako sa lugar na iyon. Pero mula sa pagbaba ko ng Camachile hanggang sa bago ako sumakay ng jeep na papuntang E. Rodriguez, talagang kumakabog ang dibdib ko.
Mahigit sampung taon na pala ako sa Maynila. Kung saan-saan na ako napadpad. Hindi na ako promdi. Sanay na ako sa mga kalye, hindi na mawawala kumbaga. Mahigit sampung taon na pala. 7 na ang minimum, wala na halos mabibili ang dating minimum na 1.50.
**********
Ewan ko kung bakit hibang na hibang ang mga tiga-probinsiya na makatuntong ng Maynila. Pangkaraniwan na ang mga kwentong nakipagsapalaran sa Maynila dahil akala nila eh nandito ang ginto at wala sa probinsiya. Ang problema, pagdating dito, wala ring makitang matinong trabaho dahil ang totoo, hindi naman sa lugar makikita at makukuha ang ginto. Mas malaking katotohanan na ang ginto eh nakukuha sa pagtityaga kahit saan ka man naroon, at hindi napupulot lamang sa magulong mundo ng Maynila.
Pero hindi maikakailang may taglay na akit ang Maynila. Maynila kasi ang simbolismo ng kaunlaran. Nandito ang mga uso, nandito ang mga bago. Mga Manileño ang mga trend-setters ng kung ano ang magiging kultura ng buong bansa sa hinaharap.
Ang sabi nga sa kanta eh, kahit na saang bansa o lugar ka man makarating, talagang hahanap-hanapin mo rin ang Maynila.
Ang nakakalungkot lang, kahit na mahal mo ang Maynila, tila ba hindi nito mahal ang kanyang sarili- sa haba ng trapik, sa ingay, sa usok, sa basura, sa mga vandalism, sa mga gulo, away, drugs, at prostitusyon.
Nakakalungkot. Pero kung hindi aaksiyon ang mga mamamayan at ang pamahalaan, tuluyan na ngang mapag-iiwanan ang Maynila.
**********
Hinahanap-hanap kita Manila
Ang ingay mong kay sarap sa tenga
Mga Jeepney mong nagliliparan
Mga babae mong naggagandahan
Take me back in your arms Manila
And promise me you'll never let go
Promise me you'll never let go.......
16 comments:
wow, ang tagal mo na pala dito..ako five yrs pa lang..
13 years... and counting.
nakaka-miss ding umuwi sa probinsiya, lalo na pag naiisip mo na ibebeybi ka ng nanay mo tuwing umuuwi ka. :D
wow. ang ganda po ng post mo gusto ko maiyak sa ganda.
salamat, pabling, sa pagdaan.
bilib din ako sa blog mo- ibang klase! sulat pa!
ahmmmm 2.50 na po ang inabutan kong minimum na pamasahe.ahehe
nung bata ako kala ko part ng maynila ang bulacan..ahaha
wow, so nauna akong nasabak sa'yo sa maynila. mga 19-ano ka kaya? :D
' anu ba probinsya mo siyetehan? pampanga lang kase ako kaya madalas ako nakakauwi pero mas nanatili ako ng madalas sa maynila nang ako'y mag-aral sa letran, ateneo at nitong huli nga sa family clinic college of nursing. P1.50 nga lang pamasahe nun sa jeep at P10 flag down rate sa taxi.. ehe.. kung susumahin, halos kalahati ng buhay ko nakatira ako sa maynila. lahat na ata ng lugar at kalye sa kalakhang maynila napuntahan ko na.
grabe.. nagkaka-edad na pala TAYO.. ahahahahaha
' salamat nga pala sa pagbati.. ang burjer ay parating nah.. ahahahahaha
sa nueva ecija ako, jedi.
kababayan mo pala si madam.
:D
pano naman kaya ako, e 15 centimos na pamasahe yata ang naabutan ko e, waaaa :D pero tunay yan, masarap talaga sa maynila pero mas maganda maglakwatsa sa probinsya.
http://kwentongkengkay.com
nakupo! kinse sentimos?
e, mano po inang. hehe.
salamat sa pagbisita sa blog ko.
yes, un ung pinakamasarap na feeling
"1.50 ang minimum na pamasahe."
wag na wag na wag kang magsasabi ng naabutan mong pamasahe kung ayaw mong mabisto ang edad mo :D kaya ako, P7 na naabutan ko bwahahahah.
peace! nice post.
awts. now i know.
oo nga, bakit ngayon ko lang naisip yun. nagkabukuhan tuloy.
*applause*
Buti ka pa kabisado mo na ang Maynila, ako kahit ilang taon na akong nagwowork dito, hindi ko pa rin kabisado, he he, maliligaw at maliligaw pa rin ako kahit anong mangyari :P
Nung kabataan ko, 2.50 na ang pamasahe ah :P So, ilang taon ka na, ahihihi.. *peace*
Pero, ang mga probinsyano, parang mga taga Maynila rin. Kasi ang mga taga Maynila naman, gustung-gustong pumunta sa ibang bansa, for greener pasture daw. Only to find out na ganun din naman db?
' kababayan ko nga.. juz hosted an event for her kaninang umaga.. na-bwisit lang ako.. grrrr
Post a Comment