Pag-Asa

Monday, August 31, 2009 ·

(Medyo) nagulat ako dahil sa dumagdag na mga comments sa blog entry ko na 2010. Una pa lang kasi eh alam ko na medyo hindi talaga dudumugin ng comments ang entry dahil kakaunti lang talaga ang bumibisita sa site ko. Kanina ko lang nakita na may mga humabol pang comments, at dahil pala yun kay El Presidente A-Z-E-L na nag-promote ng site ko sa blog niya.

Salamat, salamat, marekoy.



**********



Higit sa premyo, higit sa pagkakaroon ng pangalan at prestige sa mundo ng internet, importanteng malaman ng bawat blogger o manunulat sa web na malaki ang ginagampanan nating responsibilidad sa pangkasalukuyang panahon ng bansa.

Bakit nga ba? Pwede naman tayong magsulat ng "wala lang". Pwede namang gumawa ng mga articles tungkol sa kalaswaan, kalokohan, kababuyan, at mga walang kwentang bagay. Pero mayroong ilan sa atin na nagpupumilit magsulat ng mabuti, maayos at kapaki-pakinabang.

Dito sana maibilang ang bawat isa sa atin.

Oo, tama, may kalayaan tayong magsulat ng gusto natin. Pero sana ay tandaan ng bawat isa sa atin na responsibilidad pa rin nating ipahayag ang ating sarili sa makatotohanan at impormatibong paraan.



**********



September 2009 na bukas. Siyam na buwan na lang at eleksiyon 2010 na naman. Mamimili na naman tayo ng mga lider ng bansa.

Natuto ba tayo sa mga nagdaang kamalian natin? O lagi na lamang tayong nauuto?



**********



Kahapon, August 30, labintatlong presidentiables at vice presidentiables ang sumali sa Fun Run na in-organize ng GMA Network (Tatakbo Ka Ba?) sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Nakakatuwa, dahil kasama sa Oath na pinirmahan ng mga politicians ay nagsasaad nito:

"Hindi ako gagamit ng salapi sa maling paraan o ng armas at anumang uri ng dahas para masiguro and pagkapanalo ko sa eleksyon".



Sana nga lamang ay totoo at sundin nila ang kanilang sinumpaang pangako sa mamamayan.


**********

Tayong mga manunulat sa blog, at ang mga pulitiko na sama-samang naghahangad ng pagbabago para sa kaayusan at kaunlaran ng bansa-



Kung parehong mayroon nito, naniniwala akong May Pag-Asa Pa!

(galing dito ang larawan)

4 comments:

p0kw4ng said...
Mon Aug 31, 11:33:00 AM  

aww sapol na sapol ako about sa kabastusan siyetehan,hihihi

Dinah said...
Tue Sep 01, 02:36:00 AM  

Sana nga ay gawin nila ang kanilang mga sinumpaan sa Tatakbo ka ba. Kundi, tayong nagba-blog ay dapat na mas mapanuri at ng maipahatid ang kanilang mga kapalpakan!

pero sa TV, kepaplastik ano po? Bumeso pa si Villar kay Jamby e alam naman natin na galit sila! asus!

siyetehan said...
Tue Sep 01, 02:38:00 AM  

@p0ks: hehe, hindi naman (laging) kabastusan ang topic mo. very informative nga eh. hehe.

@Dinah: well, lalo ngayon, mas malaki ang responsibilidad natin bilang mga bloggers. kaya nating mag initiate ng pagbabago! :D

A-Z-3-L said...
Tue Sep 01, 10:40:00 PM  

walang anuman!!!

pasensya na ngayon lang... alam mo na, pag 1st week ng month medyo hindi tyo mahagilap...

pero teka, tatakbo ka ba? lolz!

Post a Comment

PEBA NOMINEE

Siyetehan Supports PEBA



Siyetehan Wins

Philippine Blog Awards