Halong aliw at awa ang naramdaman ko nung minsang nakita kong tuliro at kunot-noong kausap ng Jollibee crew ang tatlong customer na nasa harapan ng counter. Pagkakita ko, isang grupo pala ng mga Koreans na gustong bumili ng chicken joy. Sa loob-loob ko dun sa Jollibee crew, "Ay nosebleed ang lolo".
**********
Mga 5 years ago siguro nang biglang nagsulputang parang bula na lang ang mga Koreans dito sa Pinas. Akala ko dati, mga hapon, hanggang sa mabalita nga na marami na ngang nagpupuntang mga koreano dito sa Pilipinas para mag-aral. Mura daw kasi ang education fees dito sa Pilipinas, at maganda ang turo (pero bakit nga ba napakaraming militanteng estudyante na wala naman sawang nagra-rally dahil tumataas daw ang tuition fees, habang bumababa naman ang kalidad ng edukasyon?)
**********
At dahil nga nagsulputan na rin ang maraming Koreano, naglabasan na rin ang mga Koreanovela (katulad ng Jumong at Jangeum), Korean Restaurant, Korean Schools, at nauso rin yung mga Pinoy na ang trabaho eh magturo ng wikang Ingles sa mga Koreano.
**********
Iniisip ko rin, siguro malaking adjustment din na mapunta sila, mamalagi, mag-aral at mag-adopt ng ibang kultura. Siyempre, kailangan nilang intindihin ang kulturang Pinoy.
Nung Friday night, nakasakay ko sa jeep ang isang koreana na hindi mapakali patingin-tingin sa paligid. Nakakaawa, akala ko nga nawawala, kasi abot ang tingin-tingin niya, baka kako hindi niya alam kung san siya pupunta.
Hanggang bigla siyang napangiti, sabay sigaw ng "Mama, Para po sa tabi!"
**********
Napag-usapan ang kultura. Hindi ako kailanman nahilig manood ng mga koreanovela. Nakakapanood, oo, kasi yung mga kasama ko sa bahay eh nanonood, pero hindi ako die-hard fan ni Jumong.
Di pa rin ako nakapasok sa anumang Korean resto na nagsulputan dito sa paligid ng office.
Madalas, naiisip ko-mas gusto ko pa rin talaga ang kulturang Pinoy, "hindi ko ito ipagpapalit kahit na anong kultura!!!!". Sinasabi ko yan habang nakatapat ang kanang kamay ko sa kaliwang dibdib na parang kumakanta ng Bayang Magiliw (o Lupang Hinirang sa tamang tawag).
Pero may bago akong kinakahiligang kanta ngayon, maliban sa Bayang Magiliw.
Eto yung lyrics:
I want nobody nobody But You
I want nobody nobody But You
Nandareun sarameun silheo niga animyeon silheo
I want nobody nobody nobody nobody
I want nobody nobody But You
I want nobody nobody But You
Nandareun sarameun silheo niga animyeon silheo
I want nobody nobody nobody nobody
(At hinanap ko pa talaga sa youtube)
Para lang malaman na Korean group pala ang kumanta at nagpasikat ng dance step nito.
8 comments:
oo nga naman.. ang dami ng korean dito sa pinas.
i think pumunta lang sila dito just to study and learn english.
pero meron din naman pumunta lang sila dito just to enjoy and explore philippines
joy... is this blog yours?
i was redirected here after clicking the url from friendster bulletin.
i tried to hit on the "About" button hoping to find who's behind this blog.
i hope it's you... college schoolmate!
@azel: hi, president! kumusta? bigat ng blog mo ah :D sino kilala mong classmates natin na may blog?
@marian: salamat sa pagbisita sa blog.
totoo yung sinabi ni Movie reviews. nagturo na kasi ako ng english sa mga korean. oha! kala mo ang perfect ng english ko e
hehe, lss ka no
@badong: oo, kasi, mahusay daw ang pinoy sa inglisan eh. sampol nga, badong :D
@joyce: lol
Post a Comment