Tuloy Na Tuloy Pa Rin Ang Pasko

Tuesday, September 1, 2009 ·

Kakaiba talaga ang kulturang pinoy.

Kung ang pasko sa ibang bansa ay isineselebra ng Disyembre 25, walang wala itong panama sa 'Pinas.

Dito kasi sa atin, nagsisimula ang Pasko pagpasok ng September 1 (Ber-months) at matatapos isang linggo pagkaraan ng Bagong Taon (Three Kings).

Panalo di ba?

At dahil September 1 na ngayon, hayaan ninyong batiin ko ang bawat isa ng isang

Pinagpalang Pasko para sa ating Lahat!


**********

Para sa mga bata raw ang pasko:
Kaya naman pag matanda ka nang katulad ko, medyo namumroblema ka na pag darating na ang pasko. Lalo na kung marami kang inaanak.

Para sa mga bata raw ang pasko:
Pero ang isa sa hinding-hindi ko malilumutang pasko eh nung mawala ang wallet ko matapos kaming makapamasko sa mga ninong at ninang.

Para sa mga bata raw ang pasko:
Kaya pala maraming gustong maging bata. At maraming nag-iisip bata.

Para sa mga bata raw ang pasko:
Kaya maraming mga manliligaw ang sinasagot ng mga nililigawan nila pag Pasko. Kaya masasabi na ng mga lalake, "Ay si _____ (pangalan ng babae)? Naging bata ko 'yan nung pasko!"

**********
Ngunit kahit na ano'ng mangyari
Ang pag-ibig sana'y maghari
Sapat nang si Hesus ang kasama mo
Tuloy na tuloy pa rin ang Pasko!


Recession, economic slowdown, pulitika, corruption, unemployment, kahirapan at kung anu-anong problema ang araw-araw na nakikita natin sa diyaryo, napapanood at naririnig sa tv at sa radyo.

Paaapekto ba ang Pinoy?

Malabong mangyari. Dahil sabi nga sa kanta ng Apo Hiking Society, kahit na ano'ng mangyari, tuloy na tuloy pa rin ang Pasko!


--------------------

Narito, isang dalagang birhen ang magdadalang-tao at manganganak ng isang lalaki. Tatawagin nila siyang Emmanuel na ang ibig sabihin ay: Ang Diyos ay sumasaatin.

Mateo 1:23

13 comments:

p0kw4ng said...
Tue Sep 01, 11:49:00 AM  

alam mo ba nong unang pasko ko sa denmark eh takang taka ako kung bakit dec na eh wala pang nagtitinda ng xmas tree...asus yun pala naman eh 24 ng dec na ng gabi nila itinatayo at sama samang nilalagyan ng palawit..ahahaha! culture shock ako!

RedLan said...
Tue Sep 01, 05:03:00 PM  

Merry Christmas! Ako maraming inaanak. Sakit sa bulsa

A-Z-3-L said...
Tue Sep 01, 10:47:00 PM  

pangatlong pasko ko na sa buhanginan... mahirap kaseng umuwi pag december kase mahal ang pamasahe mahirap pang kumuha ng flight...

walang pasko dito... pero may misa de gallo... may noche buena din pero di pwedeng masyadong magpuyat dahil kunabukasan eh papasok pa sa trabaho.

minsan pumapayag ang amo na hindi ka papasok...

hindi ramdam dito ang pasko... parang wala lang. pero gaya ng sabi mo, tuloy na tuloy pa rin ang pasko.. kase naman... kelangan kong magpadala sa pamilya para sa aginaldo at mga inaanak na siguradong pupunta sa bahay kahit wala ako!!!

Dinah said...
Wed Sep 02, 02:50:00 AM  

naku para sa mga ninang at magulang, masakit sa bulsa ang pasko :-) pero pag nakita mo na ang ngiti ng mga bata, bawi na rin!

Nortehanon said...
Wed Sep 02, 03:15:00 AM  

Waw! Parang biglang nag-iba ang ihip ng hangin habang binabasa ko ang post na ito, naging malamig. At parang naamoy ko bigla ang bibingka at puto bumbong! :D

siyetehan said...
Wed Sep 02, 04:37:00 AM  

@p0kw4ng, kaya nga iba pa rin dito sa Pinas eh, extended ang pasko... extended din ang gastos.

@REDLAN: ganun talaga, mabili tayo sa binyag eh.

siyetehan said...
Wed Sep 02, 04:41:00 AM  

@azel: ok pala mga inaanak mo, present kahit absent ka.

@dinah: kasi nga, para sa mga bata raw talaga ang pasko. :D

@northehanon, nagutom ako sa post mo. :D

pamatayhomesick said...
Wed Sep 02, 11:53:00 AM  

pasko na naman o kay tulin ng araw!

pasko na naman tila bago kay lan man!

hapi pasko parekoy!

Pinoy Jokes said...
Wed Sep 02, 10:27:00 PM  

pasko pasko pasko na naman muli.. ay.. pasko na naman..

siyetehan said...
Wed Sep 02, 10:30:00 PM  

@ever, @ pinoyjokes, salamat sa pangangaroling, pero,

patawad po muna....

deejay said...
Thu Sep 03, 03:23:00 AM  

sana malamig ang pasko ngayong taon... merkrismas, siyetehan! :D

The Lady in Green Ruffles said...
Thu Sep 03, 05:45:00 AM  

ang ganda nito..Merry Christmas..

Filipino Social Network said...
Tue Sep 08, 12:02:00 AM  

para sa inyo itong lahat...

libre muna pero sa pasko may bayad na..

ANG PASKO AY SASAPIT.. TAYO AY MANGAGSIAWIT..
NG MAGAGANDANG HIMIG.... " ayan muna paunang kanta.. sa pasko na ung iba...

Post a Comment

PEBA NOMINEE

Siyetehan Supports PEBA



Siyetehan Wins

Philippine Blog Awards