Alyas Pogi

Wednesday, September 23, 2009 ·

(3rd of Many Parts sa aming Mindanao Adventure)

Interesante ring malaman na ang bawat lugar sa bansa ay may kani-kanyang paraan ng pagpapangalan sa mga tao. Halimbawa na lang eh ang aming mabait na host sa Surigao na si Berna, o mas kilala namin sa tawag na Tata.

Sa pagkakaalam namin, mas sikat siya sa tawag na Tata sa Surigao, pero nakakagulat ding malaman na pagdating sa Surigao eh mas kilala siya sa tawag na Ta-ing (o Ta- eng), samantalang yung isa pa naming kilalang kaibigan ang tinatawag namang Tata.

Ayon sa mga taga-roon, ang Tata ay nangangahulugan ng "nakababata" o "maliit" na kapatid o kaibigan. Katulad din naman sa parteng norte kung saan ang mga batang lalake ay tinatawag nilang "balong" at ang mga batang babae ay tinatawag nilang "balasang".

**********

Hindi rin naman patatalo ang mga tagalog. Kadalasan kasi, tinatawag pa rin nating "boy" at "baby" ang mga tao kahit na matanda na sila at hindi na bata.

At para hindi tayo malito, dinadagdagan natin ng isa pang kataga para i-differentiate ang isang tao sa iba. Katulad na lang sa aming bayan sa Licab (Nueva Ecija), makikilala mo sila:

Boy Kokak
Boy Tita
Boy Pilising
Boy Pusa
Boy Ulo
Bebeng Damaso
Bebeng Mangungulot
Bebeng Pwet

**********

Ang sabi ni Wiki, Alias is a pseudonym. It is usually used nowadays to describe a name which hides someone's true identity.

Ang alias ay pwede ring ipakahulugan ng A.K.A. o, Also Known As.


**********

Kung komportable tayo sa paggamit ng alias, ginawa pa ng mga Pinoy na mas extreme ang paggamit nito sa pamamagitan ng paghahalintulad sa mga hayop.

Hindi ba, pamilyar na nating naririnig sa mga tagalog movies ang phrase na, "Hayop Ka! Haayoooop!"

Meron din namang nagpapakasosyal, at ang ginagamit eh, "Animal kang bata ka, halika nga rine!"

Pero general term pa rin ang Hayop at Animal, dahil pinipili pa rin ng pinoy ang maging specific.

1. "Alam mo, ang baboy mo." (Para sa mga taong makalat kumain)

2. "Ingat, mamang drayber, may bwaya sa kanto." (Para sa mga magigiting nating ...............)

3. "Ano ba yang pigura mo, para ka nang baboy." (Tabi-tabi po sa mga tinamaan)

4. "Naku, parang balyena sa laki." (para sa senior size ng #3)

5. "Hoy, butiking pasay!" (patungkol sa mga taong ka-love team ng #3 at #4)

6. "Isa kang ahas!" (tirada sa mga mang-aagaw ng boylet)

7. "Ulupong ka!" (variation ng #6. mas makamandag na pang-aagaw siguro ang ginawa)


**********

Kung minsan, ang pagbibigay natin ng alyas sa ibang tao ay dahilan lamang ng katuwaan o biruan. Maaari rin namang dahil sa ating kapansanan o kakulangan. O pwede ring sa kulturang ating kinagisnan.

Anu't anupaman ang dahilan, hindi ba mas importante pa rin na pagtuunan natin ng pansin ang panloob na ugali ng iba?

--------------------

1st and 2nd article on our Mindanao Adventure

13 comments:

pamatayhomesick said...
Thu Sep 24, 12:36:00 AM  

agree ako sa huli, ang pagtuunan ang kalooban.

pero maganda rin gamitin ang alyas,lalo nat ginagawa ito para madaling tandaan.parang pamagat!

A-Z-3-L said...
Thu Sep 24, 01:36:00 AM  

basta ako... AKA: Azel! tapos!

ay ako.. hate ko un.. ung gagamit ng mga animals while talking to a person or describing another person... bad un!

siyetehan said...
Thu Sep 24, 01:38:00 AM  

@ever: tama ka diyan. may maganda rin namang gamit ang alias; for easy reference, ika nga.

@azel: ayaw mo bang dagdagan ng azel ganda?

azel lang talaga?

Badong said...
Thu Sep 24, 05:12:00 AM  

pakiramdam ko tuloy ang sama ko. meron kasi kami dating tinatawag sa skul na 'Bal', short for balyena. pero pinalitan din nila yun, ginawang 'Mau', short for halimaw. hindi ako nag-pasimuno nun, pero parang masama atang naki-sakay pa ako.

Nortehanon said...
Thu Sep 24, 05:22:00 PM  

Kaaliw naman itong post na ito, parang what's in a name.

At yaman din lang na nabanggit ang mga name, my brother would always have this embarrassing experience whenever he brings home his friends. Kasi, hanggang ngayon, kahit college graduate na siya, ang tawag pa rin siyang "Baby Boy" ng nanay ko. At take note, not in a manner na kunyari naglalambing lang ang nanay ko ha. But yun talaga ang normal na tawag sa kanya ng nanay ko hehehe

Salamat sa pagbisitang muli sa blog ko. It is much appreciated.

siyetehan said...
Thu Sep 24, 07:38:00 PM  

@badong: lahat naman yata eh in one way or another, dumaan sa panunukso at natutukso. at siguro rin, we all have our pet names.

ang importante lang diyan, dapat hanggang biruan lang- hindi yung ginagawa mo talaga ang panunukso to offend other people

siyetehan said...
Thu Sep 24, 07:41:00 PM  

@nortehanon: salamat din sa pagdalaw. you've got very nice articles kaya masarap balik-balikan.

:D

nikko said...
Fri Sep 25, 01:19:00 AM  

yay~ galing..
sumingit lang ako sa pagkongrats sa pagkapanalo mo sa dalawang kategorya ng saranggola blog awards ni Kuya Bernard.. ;)

i'll add you on my list.. ;)

siyetehan said...
Fri Sep 25, 01:23:00 AM  

salamat sa pagdaan nikko.

at salamat din sa pagbati.

:D

deejay said...
Fri Sep 25, 09:47:00 AM  

matanong ko lang, siyetehan, kung si boy kokak e mukang palaka, at si boy pusa ay mukang pusa, at si boy ulo ay malaki ang ulo, si bebeng pwet ba ay mukhang pwet o malaki ang pwet? wala lang, kyuryus lang. hehehe. :P

p0kw4ng said...
Fri Sep 25, 12:04:00 PM  

nanalo ka siyetehan? wow galing..congrats!

minsan sobra na yung paglalagay ng alias ng tao..parang nakakasakit na don sa tao na tinatawag,hihihi

siyetehan said...
Sun Sep 27, 06:51:00 PM  

@deejay: about bebeng pwet, your guess is as good as mine.

@p0kwang: salamat sa pagdalaw ng pagdalaw ng pagdalaw ng pagdalaw. :D

kaisuke said...
Tue Sep 29, 02:46:00 AM  

hindi naman kc maiiwasan ang name calling. lol
sa school naman bestfriend ang tawag namen ng mga kaibigan sa kaaway namen. *toinks* yung *bestfriend mo ah, kanina pa tatamaan na sken yan* :P

Post a Comment

PEBA NOMINEE

Siyetehan Supports PEBA



Siyetehan Wins

Philippine Blog Awards