Ilang araw din akong na-absent sa blogging dahil nangasawa si utol sa Mindanao (Tandag, Surigao Del Sur).
Nangasawa ang Visayan term para sa namanhikan.
At dahil matagal-tagal ang inilagi namin sa Surigao, malamang eh maging 1st-part of many articles itong mga isusulat ko.
**********
Isa sa mahirap na gawin sa office eh yung magpaalam ka para mag-leave ng dalawa o higit pang araw. Normally kasi, lalo na sa mga accounting people, laging maraming papeles na dapat ayusin sa isang araw. Natapat pa naman na sa schedule ng pagpunta namin sa Surigao eh may darating kaming Internal Auditor galing sa UK.
Pero dahil
Kasalukuyan, dalawa ang cellphone na gamit ko. Isa yung Globe prepaid na original number ko, at pangalawa yung Sun Cellular postpaid na ang nakakaalam lang eh yung mga friendly friends ko
**********
When it rains, it pours. Pagbaba namin ng Butuan Airport at nagbiyahe na (ng 5 hours land travel!) papuntang Surigao, out of coverage area na ang Sun cell ko habang yung Globe naman eh parang aandap-andap na mapupunding bumbilya ang signal.
Sabi ng mga hosts namin sa Surigao, mahina raw talaga ang signal ng globe at sun cellular sa area nila. Smart lang daw ang talagang consistent na may magandang network service doon.
Ika nga nung isang Pastor na kasama namin, Globe People are Smart (ehem).
However, people in Mindanao are Smarter.
Dahil sa Mindanao, mas marami ang naka-smart.
At kung hindi mo nakuha ang nakatagong wit, malamang Sun cell subscriber ka.
**********
Importante ang technology at construction ng mga infrastructures para sa development ng isang lugar. Sa pagkahaba-habang biyahe mula sa Butuan hanggang sa Surigao, nakita kong marami pang kakulangan kung progreso ng bayan ang pag-uusapan.
Maraming rough road area, at sa katunayan eh ngayon pa lamang inuumpisahang ayusin ang mga kalsada.
Sa Tandag na siyang capital ng Surigao del Sur, ni wala kang makitang Jollibee o Mc Donald's na nakatayo.
May mga nagsasabing kontrolado raw ng ilang maimpluwensiyang tao ang pagkakaroon ng mga establishments sa area. Kung ano ang ibig nilang ipakahulugan ng "kontrolado" eh hindi ko na rin masyadong inintindi.
Bakit ngayon lang inuumpisahang gawing konkreto ang mga daan? Ano ang aksiyong ginawa ng mga dating nanungkulan dito?
Nakakalungkot. Pero ika nga eh, lagi tayong dapat na nakatingin sa pag-asang dulot ng bukas.
Dahil kung hindi tayo aasa at gagawa ng ating mga parte para sa ikauunlad ng ating bayan, lalong wala tayong mararating.
17 comments:
sabi nga nila sign of progress pag me jollibee na ang isang bayan. at pwede nang maging city pag sumunod na ang mcdo. hehehe. :P
samin dati sa frabins (clue: isang isla ito siyetehan, hindi nueva ecija! nyehehe!), nauna ang mister donut, grabe sila ang unang fastfood don. ahehehe. pero ngayon me jollibee na rin. yehey! :D :P
talaga mas malakas ang smart..kaya pala smart..:)
bat ka kase nag-globe? kahit sa abroad mas malakas ang SMART lalo na sa roaming. ang GLobe sumusuko agad!
@deejay, totoo yang sinabi mo. indication ng progress kapag may jollibee sa isang area.
pero teka, masarap ang spag ng mister donut ha.
:D
@ever: smarter talaga. kaya tuloy napilitan akong bumili ng smart sim nung andun kami sa surigao.
@azel: oo nga, kahit sa international, mas ok ang smart roaming.
kaso lang kasi since noong magstart akong mag cp eh globe na ako so parang loyalty ang reason kung bakit naka globe pa rin ako.
"Ika nga nung isang Pastor na kasama namin, Globe People are Smart "
amen!
@badong: haha, hula ko globe ka.
hindi na bagong makikita yan sa mga malalayong probinsya..lubak lubak na daan..para lang hindi pa napupuntahan ng mga nasa gobyerno..
tsaka pansin ko din nga na sa mga malalayong sulok ng pinas eh smart lang lagi ang nangunguna..parang pang city lang ang globe...mag smart na kasi,hihihi
ngayon pa lang sinisimulan kasi malapit na naman ang eleksyon..
@p0kw4ng, napilitan nga tuloy akong bumili ng smart sim pagdating ko ng surigao.
@joyce, tama ka. ang target date talaga ng construction eh 2010 kaya saktong sakto sa eleksiyon.
Dahil kung hindi tayo aasa at gagawa ng ating mga parte para sa ikauunlad ng ating bayan, lalong wala tayong mararating.
-ayos.. hehe..
but Mindanao people are SMARTer ksi ang dami naming naka Smart..laban? hehe..^,^
nga rin po pala, sign din po ng umuunlad ng bayan ang pagkakaron ng malls..tsaka ang katagang "city" ^,^
@precious, tama ka, indication ang pagiging city. nakakalungkot na yung Tandag na pinuntahan namin eh hindi nga naaprubahan ang petisyon nila para maging city ang lugar nila
maski yata sa Visayas ay Smarter ang pipols! ng umuwi si madir dun ay itinapon na ang Sun sim nya dahil hindi daw yun kilala dun? mantakin mo yun?!? hala, bakit wala pa kau jalibi o mcdo? sus, yan ang batayan ng kaunlaran a. sama mo na ang SM di ba?
wait ko yang mga pamanhikan stories mo ha!
To Be, To Be. Tutubi.
kaya ako nag-smart...kasi "smart na 'ko"...at higit sa lahat my company partly owns smart and pldt...may choice ba 'ko?
salawahan ka, ninang.
dati sa ayala (globe) ka. ngayon, smart ka na.
baka sa susunod, mag sun ka na rin (tulad ko.)
Post a Comment