Diyan Lang

Monday, September 21, 2009 ·

(2nd of Many Parts sa aming Mindanao Adventure)

Mag-ingat sa probinsiya kapag may nagyaya sa iyo na maglibut-libot.

Dahil ang simpleng "Diyan Lang" ay pwedeng makaabot sa ikalawang bundok.

More or less eh ganyan ang sinapit ng mga kasama namin noong niyaya sila para bumisita sa isa sa mga outreach churches (JLY Celebration Church) namin sa Panaosawon, Surigao Del Sur.

Kaming dalawa ni utol eh hindi nakasama dahil niyaya naman kami ni Pastor Dong Padre (Regional Director sa Caraga Region) para maglibot sa Tandag City kung saan mayroon ding JLY Celebration Church.

Pero kahit na nabiktima sila ng "diyan lang" syndrome eh nainggit pa rin kami sa kanila dahil na-experience nila na sumakay sa habal-habal.



**********





Mas lalong dapat mag-ingat kapag ang diyan lang eh sinaliwan na ng magic nguso para ituro kung saan kayo pupunta.

(galing kay Yena's World ang larawan)


**********

Magaling sa non-verbal communications ang Pinoy. Bibilib ka talaga dahil sa pamamagitan lang ng hand gestures o facial expressions ay magkakaintindihan na ang dalawang tao.

Pansinin natin:

Ang pagkunot ng noo ay nangangahulugan ng hindi pagkagusto sa isang bagay.

Ang pagkurap ng isang mata ng binata na nakatingin sa isang bebot eh nangangahulugan na type niya ang bebot na chicks (bebot na, chicks pa).

Ang pagkindat naman na may kahalong ngiti ay pwedeng magpakita ng "approval" sa isang bagay, samantalang ang pagtaas ng isang kilay na matagal na seryoso ang mukha ay nangangahulugan ng "disapproval".

Kapag may dalawang taong nag-uusap sa isang walkway, pansinin natin na iniuunat ng isang tao ang dalawa niyang kamay paharap at yuyuko para ipaalam na lalakad siya sa gitna ng nag-uusap na dalawang tao. Nangangahulugan ito ng "excuse po, makikiraan po".

Iba ang titig ng mata ng nagagalit na nanay sa kanyang malikot na anak.
Iba ang titig ng mata ng isang babaeng nagpi-flirt sa isang machong boylet na nakatapat niya sa jeep.
Iba ang titig ng mata ni Romy Diaz at ni Max Alvarado habang tinitingnan ang isang dalagang naglalaba sa batis.

May thumbs up, may thumbs down, may kamot sa ulo, may pagpapalaki sa butas ng ilong, may kindat, may kurap.

Sa anupamang pamamaraan, hinding-hindi mo pwedeng ikahon ang Pinoy upang ipahayag ang kanyang nararamdaman.


--------------------

1st article on our Mindanao Adventure

11 comments:

A-Z-3-L said...
Mon Sep 21, 11:48:00 PM  

so pag pinalaki ko ang mga mata ko sa harap ng maingay na klase... ano kayang ibig sabihin non? lolz!

_____________________
im back from my eid vacation... at regular na ulit ang oras ng pasok from 30 days half-day... hay!

siyetehan said...
Mon Sep 21, 11:52:00 PM  

ibig sabihin non eh gusto mong kainin ng buhay ang mga estudyante. LOL

kaisuke said...
Tue Sep 22, 12:35:00 AM  

totoo to! naalala ko, nun sa laguna naman kami, sabi nun tour guide malapet lang yun water falls, mga 30mins na kami naglalakad, nun tinanong ko sya ule "malapit na" sabi nya, inabot ule kami ng 20 mins pero wala padin tanong ako ule "malapet na".. ayun after 20mins nanaman nakarating na kami o_o haha

siyetehan said...
Tue Sep 22, 12:56:00 AM  

kaisuke:

yan talaga ang malaking problema sa probinsiya. :D

kaya dapat mag-ingat sa pagtatanong ng direksiyon at baka sumuko ang mga butu-buto.

Anonymous said...
Tue Sep 22, 05:53:00 AM  

kakatawa but true...yan ang pinoy...nag-iisa lang sa mundo...

p0kw4ng said...
Tue Sep 22, 12:59:00 PM  

pag nasa liblib ka pang lugar eh ang kapitbahay eh mga isang kilometro ang layo..ahahaha!

siyetehan said...
Tue Sep 22, 08:46:00 PM  

@bluroseguy: kaya masarap talagang maging pinoy eh. :D

@p0kw4ng: kaya di kataka-takang magkatakutan lalo na kapag dumilim na.

awoooooooooooo

Dinah said...
Wed Sep 23, 08:52:00 PM  

ha ha, tunay ka diyan sa Diyan La-ang! ay nakatawid ka ng ng 2 ilog e dyan pa rin lang yun.

at sa non-verbal comms, nuon e matignan lang ako ng tatay ko e GETS ko na na lagot ako mamaya. ang mga bata naman ngayon luwa na mata mo sa kaka-pandilat, pasikat pa rin ng pasikat!

elmot said...
Wed Sep 23, 09:29:00 PM  

Hahhaha! Naalala ko, nagpunta kmi sa zamboanga sibugay, sabi ng mga katutubo, "dyan lang po".

Aba dalawang oras na kaming umaakyat sa bundok, di pa rin kami nakakaabot sa lugar kung nasaan ang tanghalian.

Ayun, alas-dos ng hapon nakapaglunch...sobrang layo ng "dyan lang"

hahhaha!

siyetehan said...
Wed Sep 23, 09:56:00 PM  

@dinah: naku, nakakatako naman talaga pag pinandilatan ka na ng nanay o tatay mo. lalong lalo pa kapag tikom ang bibig habang dumidilat ang mata.

magsuot ka na ng makapal na shorts

siyetehan said...
Wed Sep 23, 09:58:00 PM  

@elmot: mas mahirap ata yang naglakad kayo ng walang laman ang tiyan. malamang sa malamang eh ayaw mo nang bumalik sa zamboanga.

:D

Post a Comment

PEBA NOMINEE

Siyetehan Supports PEBA



Siyetehan Wins

Philippine Blog Awards