Who wouldn't be moved with such scenarios brought about by Typhoon Ondoy in the Philippines?
Who Wouldn't Be Moved?
Typhoon Ondoy Pictures
Here's a prayer that all of us are safe and alright after typhoon Ondoy brought so much havoc in the Metropolis last weekend.
As of September 28, Inquirer.net reports that death toll has reached 73 people.
The report further states that damage to agriculture as of Sunday was estimated at P510 million in regions Cagayan Valley, Central Luzon and Calabarzon, with damage to rice crops initially placed at P490 million.
Meanwhile, about 47,000 people were rescued from their houses and transferred to various evacuation areas.
Alyas Pogi
(3rd of Many Parts sa aming Mindanao Adventure)
Interesante ring malaman na ang bawat lugar sa bansa ay may kani-kanyang paraan ng pagpapangalan sa mga tao. Halimbawa na lang eh ang aming mabait na host sa Surigao na si Berna, o mas kilala namin sa tawag na Tata.
Sa pagkakaalam namin, mas sikat siya sa tawag na Tata sa Surigao, pero nakakagulat ding malaman na pagdating sa Surigao eh mas kilala siya sa tawag na Ta-ing (o Ta- eng), samantalang yung isa pa naming kilalang kaibigan ang tinatawag namang Tata.
Ayon sa mga taga-roon, ang Tata ay nangangahulugan ng "nakababata" o "maliit" na kapatid o kaibigan. Katulad din naman sa parteng norte kung saan ang mga batang lalake ay tinatawag nilang "balong" at ang mga batang babae ay tinatawag nilang "balasang".
Hindi rin naman patatalo ang mga tagalog. Kadalasan kasi, tinatawag pa rin nating "boy" at "baby" ang mga tao kahit na matanda na sila at hindi na bata.
At para hindi tayo malito, dinadagdagan natin ng isa pang kataga para i-differentiate ang isang tao sa iba. Katulad na lang sa aming bayan sa Licab (Nueva Ecija), makikilala mo sila:
Boy Kokak
Boy Tita
Boy Pilising
Boy Pusa
Boy Ulo
Bebeng Damaso
Bebeng Mangungulot
Bebeng Pwet
Ang sabi ni Wiki, Alias is a pseudonym. It is usually used nowadays to describe a name which hides someone's true identity.
Ang alias ay pwede ring ipakahulugan ng A.K.A. o, Also Known As.
Kung komportable tayo sa paggamit ng alias, ginawa pa ng mga Pinoy na mas extreme ang paggamit nito sa pamamagitan ng paghahalintulad sa mga hayop.
Hindi ba, pamilyar na nating naririnig sa mga tagalog movies ang phrase na, "Hayop Ka! Haayoooop!"
Meron din namang nagpapakasosyal, at ang ginagamit eh, "Animal kang bata ka, halika nga rine!"
Pero general term pa rin ang Hayop at Animal, dahil pinipili pa rin ng pinoy ang maging specific.
1. "Alam mo, ang baboy mo." (Para sa mga taong makalat kumain)
2. "Ingat, mamang drayber, may bwaya sa kanto." (Para sa mga magigiting nating ...............)
3. "Ano ba yang pigura mo, para ka nang baboy." (Tabi-tabi po sa mga tinamaan)
4. "Naku, parang balyena sa laki." (para sa senior size ng #3)
5. "Hoy, butiking pasay!" (patungkol sa mga taong ka-love team ng #3 at #4)
6. "Isa kang ahas!" (tirada sa mga mang-aagaw ng boylet)
7. "Ulupong ka!" (variation ng #6. mas makamandag na pang-aagaw siguro ang ginawa)
Kung minsan, ang pagbibigay natin ng alyas sa ibang tao ay dahilan lamang ng katuwaan o biruan. Maaari rin namang dahil sa ating kapansanan o kakulangan. O pwede ring sa kulturang ating kinagisnan.
Anu't anupaman ang dahilan, hindi ba mas importante pa rin na pagtuunan natin ng pansin ang panloob na ugali ng iba?
--------------------
1st and 2nd article on our Mindanao Adventure
Diyan Lang
(2nd of Many Parts sa aming Mindanao Adventure)
Mag-ingat sa probinsiya kapag may nagyaya sa iyo na maglibut-libot.
Dahil ang simpleng "Diyan Lang" ay pwedeng makaabot sa ikalawang bundok.
More or less eh ganyan ang sinapit ng mga kasama namin noong niyaya sila para bumisita sa isa sa mga outreach churches (JLY Celebration Church) namin sa Panaosawon, Surigao Del Sur.
Kaming dalawa ni utol eh hindi nakasama dahil niyaya naman kami ni Pastor Dong Padre (Regional Director sa Caraga Region) para maglibot sa Tandag City kung saan mayroon ding JLY Celebration Church.
Pero kahit na nabiktima sila ng "diyan lang" syndrome eh nainggit pa rin kami sa kanila dahil na-experience nila na sumakay sa habal-habal.
Mas lalong dapat mag-ingat kapag ang diyan lang eh sinaliwan na ng magic nguso para ituro kung saan kayo pupunta.
(galing kay Yena's World ang larawan)
Magaling sa non-verbal communications ang Pinoy. Bibilib ka talaga dahil sa pamamagitan lang ng hand gestures o facial expressions ay magkakaintindihan na ang dalawang tao.
Pansinin natin:
Ang pagkunot ng noo ay nangangahulugan ng hindi pagkagusto sa isang bagay.
Ang pagkurap ng isang mata ng binata na nakatingin sa isang bebot eh nangangahulugan na type niya ang bebot na chicks (bebot na, chicks pa).
Ang pagkindat naman na may kahalong ngiti ay pwedeng magpakita ng "approval" sa isang bagay, samantalang ang pagtaas ng isang kilay na matagal na seryoso ang mukha ay nangangahulugan ng "disapproval".
Kapag may dalawang taong nag-uusap sa isang walkway, pansinin natin na iniuunat ng isang tao ang dalawa niyang kamay paharap at yuyuko para ipaalam na lalakad siya sa gitna ng nag-uusap na dalawang tao. Nangangahulugan ito ng "excuse po, makikiraan po".
Iba ang titig ng mata ng nagagalit na nanay sa kanyang malikot na anak.
Iba ang titig ng mata ng isang babaeng nagpi-flirt sa isang machong boylet na nakatapat niya sa jeep.
Iba ang titig ng mata ni Romy Diaz at ni Max Alvarado habang tinitingnan ang isang dalagang naglalaba sa batis.
May thumbs up, may thumbs down, may kamot sa ulo, may pagpapalaki sa butas ng ilong, may kindat, may kurap.
Sa anupamang pamamaraan, hinding-hindi mo pwedeng ikahon ang Pinoy upang ipahayag ang kanyang nararamdaman.
--------------------
1st article on our Mindanao Adventure
People In Mindanao Are SMARTer
Ilang araw din akong na-absent sa blogging dahil nangasawa si utol sa Mindanao (Tandag, Surigao Del Sur).
Nangasawa ang Visayan term para sa namanhikan.
At dahil matagal-tagal ang inilagi namin sa Surigao, malamang eh maging 1st-part of many articles itong mga isusulat ko.
Isa sa mahirap na gawin sa office eh yung magpaalam ka para mag-leave ng dalawa o higit pang araw. Normally kasi, lalo na sa mga accounting people, laging maraming papeles na dapat ayusin sa isang araw. Natapat pa naman na sa schedule ng pagpunta namin sa Surigao eh may darating kaming Internal Auditor galing sa UK.
Pero dahil
Kasalukuyan, dalawa ang cellphone na gamit ko. Isa yung Globe prepaid na original number ko, at pangalawa yung Sun Cellular postpaid na ang nakakaalam lang eh yung mga friendly friends ko
When it rains, it pours. Pagbaba namin ng Butuan Airport at nagbiyahe na (ng 5 hours land travel!) papuntang Surigao, out of coverage area na ang Sun cell ko habang yung Globe naman eh parang aandap-andap na mapupunding bumbilya ang signal.
Sabi ng mga hosts namin sa Surigao, mahina raw talaga ang signal ng globe at sun cellular sa area nila. Smart lang daw ang talagang consistent na may magandang network service doon.
Ika nga nung isang Pastor na kasama namin, Globe People are Smart (ehem).
However, people in Mindanao are Smarter.
Dahil sa Mindanao, mas marami ang naka-smart.
At kung hindi mo nakuha ang nakatagong wit, malamang Sun cell subscriber ka.
Importante ang technology at construction ng mga infrastructures para sa development ng isang lugar. Sa pagkahaba-habang biyahe mula sa Butuan hanggang sa Surigao, nakita kong marami pang kakulangan kung progreso ng bayan ang pag-uusapan.
Maraming rough road area, at sa katunayan eh ngayon pa lamang inuumpisahang ayusin ang mga kalsada.
Sa Tandag na siyang capital ng Surigao del Sur, ni wala kang makitang Jollibee o Mc Donald's na nakatayo.
May mga nagsasabing kontrolado raw ng ilang maimpluwensiyang tao ang pagkakaroon ng mga establishments sa area. Kung ano ang ibig nilang ipakahulugan ng "kontrolado" eh hindi ko na rin masyadong inintindi.
Bakit ngayon lang inuumpisahang gawing konkreto ang mga daan? Ano ang aksiyong ginawa ng mga dating nanungkulan dito?
Nakakalungkot. Pero ika nga eh, lagi tayong dapat na nakatingin sa pag-asang dulot ng bukas.
Dahil kung hindi tayo aasa at gagawa ng ating mga parte para sa ikauunlad ng ating bayan, lalong wala tayong mararating.
Changes
Mahirap palang magpalit ng template ng blogsite.
E-Merge Teatro Presents: Assignment
Siyetehan Avenue
Isang Konsehal sa Quezon City ang nagbigay ng proposal: palitan ang pangalan ng Central Avenue at gawin itong Eraño Manalo Avenue para magbigay parangal sa dating Executive Minister ng Iglesia Ni Cristo.
Namatay si Ka Erdy Manalo noong August 31, 2009 dahil sa Cardiopulmonary Arrest.
Parang ganito din noong kamamatay ni Cory Aquino. Nag-propose din si Senator Mar Roxas na palitan ang EDSA at gawing Cory Aquino Avenue. Kaso binawi din ni Mar ang proposal dahil unfair din naman kay Epifanio Delos Santos na may sarili rin namang parte sa history ng bansa.
Kung ikaw, papayag ka ba na ipapangalan sa iyo ang isang kalye para parangalan ka?
Hindi siguro ako papayag. Kasi para namang sinabi na, "Mamatay ka muna bago ko ipangalan itong kalye na 'to sayo".
--------
Off-topic:
Eto,may bago akong raket. Kailangan kasing kumita, kaya kailangang lumagare, katulad ni p0kw4ng.
Natalisod ko lang itong bagong program na Trek Pay, parang adsense din, pero babayaran ka nila ng dolyares basta bibisitahin mo yung mga advertisers. Mas marami kang click, mas marami kang credits para magka dollars.
Mas ok na rin kaysa sa google adsense kasi sa halip na maghintay ka ng bibisita sa ads mo, ikaw ang bibisita sa ads ng iba.
Napakasimple lang ng process, ang kailangan mo lang talaga, mag-register, tapos pwede ka nang mag umpisang mag blog hopping para magkaroon ng credits.
Subukan natin. Pag nakatanggap na ako ng dolyares, babalitaan ko kayo.
Tuloy Na Tuloy Pa Rin Ang Pasko
Kakaiba talaga ang kulturang pinoy.
Kung ang pasko sa ibang bansa ay isineselebra ng Disyembre 25, walang wala itong panama sa 'Pinas.
Dito kasi sa atin, nagsisimula ang Pasko pagpasok ng September 1 (Ber-months) at matatapos isang linggo pagkaraan ng Bagong Taon (Three Kings).
Panalo di ba?
At dahil September 1 na ngayon, hayaan ninyong batiin ko ang bawat isa ng isang
Pinagpalang Pasko para sa ating Lahat!
Para sa mga bata raw ang pasko:
Kaya naman pag matanda ka nang katulad ko, medyo namumroblema ka na pag darating na ang pasko. Lalo na kung marami kang inaanak.
Para sa mga bata raw ang pasko:
Pero ang isa sa hinding-hindi ko malilumutang pasko eh nung mawala ang wallet ko matapos kaming makapamasko sa mga ninong at ninang.
Para sa mga bata raw ang pasko:
Kaya pala maraming gustong maging bata. At maraming nag-iisip bata.
Para sa mga bata raw ang pasko:
Kaya maraming mga manliligaw ang sinasagot ng mga nililigawan nila pag Pasko. Kaya masasabi na ng mga lalake, "Ay si _____ (pangalan ng babae)? Naging bata ko 'yan nung pasko!"
Recession, economic slowdown, pulitika, corruption, unemployment, kahirapan at kung anu-anong problema ang araw-araw na nakikita natin sa diyaryo, napapanood at naririnig sa tv at sa radyo.
Paaapekto ba ang Pinoy?
Malabong mangyari. Dahil sabi nga sa kanta ng Apo Hiking Society, kahit na ano'ng mangyari, tuloy na tuloy pa rin ang Pasko!
--------------------
Narito, isang dalagang birhen ang magdadalang-tao at manganganak ng isang lalaki. Tatawagin nila siyang Emmanuel na ang ibig sabihin ay: Ang Diyos ay sumasaatin.
Mateo 1:23
Dailies
On My League
- Business Review
- HayMen
- Semidoppel
- Mountain Top Experience
- LordCM
- Going Against The Current
- Interstellar Gateway
- P0kw4ng
- Kaspangarigan
- Carlo Dimaandal
- Llama's Journal
- Movie Reviews
- A-Z-E-L
- To Be, To Be. Tutubi
- Batang Late
- Badong
- Bernard Umali
- Cebu Image
- Isang Panata
- Precious
- The Lady In Green Ruffles