Warning Sa Mga Magpepenitensiya

Tuesday, April 7, 2009 ·

Relative sa mas nauna kong topic tungkol sa mga debotong katoliko na nagpepenitensiya sa pamamagitan ng paghataw ng mga matatalim na bagay sa kanilang likod at sa mga taong nagpapapako sa krus, binalaan ng Department of Health ang mga magpepenitensiya ngayong taong ito na isaalang-alang nila ang kanilang kaligtasan sa kanilang gagawing mga ritwal.

Ayon sa report ng Philstar, pinaalalahanan ni DOH Secretary Francis­co Duque III na sinumang nais magpapako sa Krus ngayong Mahal na Araw ay dapat ding tiyakin na walang kalawang at may kaukulang sanitasyon ang gagamiting pako, maging ang blade na panghiwa sa katawan ng mga nagpepenitensiya upang maiwasang mailagay sa peligro ang buhay at mamatay kung maimpeksiyon ang sugat.

Gayundin sa mga nais bumabad sa matinding araw at magpapako sa sarili at magpepenetensiya, tiyakin na kaya ng kanilang katawan ang sakripisyo upang hindi mahilo o mawalan ng malay na maaring mauwi sa kamatayan.


Oo nga naman. Baka sa halip na maligtas sa kasalanan eh, madisgrasya pa.

0 comments:

Post a Comment

PEBA NOMINEE

Siyetehan Supports PEBA



Siyetehan Wins

Philippine Blog Awards