Nakakalungkot ang mga latest news na naririnig natin ngayong linggong ito.
Noong Lunes, April 6, niyanig ng 6.3 magnitude earthquake ang bansang Italy na ikinasawi ng himigit-kumulang sa 25o katao. Mabuti at walang pinoy na naiulat na namatay sa naturang insidente.
Kahapon, Martes, April 7, 12 katao ang kumpirmadong patay sa naganap na pagsabog sa isang factory ng styrofoam sa Sta. Maria, Bulacan.
Ngayong Miyerkules, April 8, natagpuan na ang nawawalang Presidential Chopper sa kagubatan ng Ifugao. Tatlo ang kumpirmadong namatay habang hindi pa nakikita ang apat pa sa mga presidential staff at pilotong nakasakay sa chopper.
Biglaan ang mga insidente at hindi inaasahan ang mga nangyayari. Sa mga ganitong panahon ay dapat tayong mapaalalahanan na hindi natin hawak ang lahat ng nangyayari sa ating buhay.
"There is a time for everything, and a season for every activity under heaven. A time to be born and a time to die," sabi ng Bibliya sa Ecclesiastes 3:1-2.
Ang Diyos ang nagtatakda ng lahat ng bagay. Ang kailangan nating gawin ay maging handa sa lahat ng pagkakataon. Tanggapin si Hesus bilang Tagapagligtas at Panginoon ng ating buhay nang sa gayon ay makasiguro na tayo ay maligtas sa kamatayang dulot ng kasalanan.
Lahat naman ay magwawakas. Ngunit, Handa Ka Ba?
The Long View: Moderate your greed
1 week ago
0 comments:
Post a Comment