Grade three na yata ako noong una kami nagkaroon ng television set sa bahay.
Tandang-tanda ko yun dahil kasama ako ni Mama at ni Daddy na pumunta sa Raon para bilhin yung tv. 14 inches, kulay dilaw ang case, black and white. Wala pang remote control, kaya magtityaga ka talagang lumapit sa tv at magpihit para ilipat ang channel. Kaunti lang din ang options na panoorin dahil hanggang channel 13 lang ang pihitan.
**********
Kahit paano, naging saksi na rin ako sa evolution ng mga commercials sa ipinalalabas sa tv. Kagaya na lang halimbawa ng mga sabong panlaba, nagpapaligsahan ang Tide, Mr. Clean, Ola, Pride, at ang Superwheel.
Bareta pa noon ang uso, hanggang sa na-introduce na nga yung mga powdered detergents na mas kadalasang ginagamit na ngayon dahil ito ang compatible sa washing machine. Ngayon, wala ng Superwheel at Ola. Matanda na yata si Mr. Clean. May konti pa yatang Pride ang Pride, at namayagpag ang Tide sa kanilang lahat.
**********
Kasabay ng pag evolve ng commercials, syempre, ay ang pag-evolve din ng iba't-ibang palabas sa telebisyon.
Kung dati-rati ay english ang evening news at dapat eh mukhang kagalang-galang, gwapo at pormal na tao ang mga nagbabalita, ngayon ay tagalog na ang medium at hindi na requirement ang gandang lalake (ehem! exxxcuse me po!).
Nagbago na rin ang format ng mga variety shows. Hindi na uso sina Vilma, Nora at Ness. Na-tsugi na rin ang That's Entertainment ni Kuya Germs. Ngayon, ASAP at SOP na ang uso.
Kung meron man sigurong nanatili sa mukha ng television, ito ay yung tinatawag nating SOAP OPERA. Nagbago man ng pangalan (Koreanobela, Fantaserye, Teleserye at Teledrama), patuloy pa rin sa pagpapalabas ng mga soap operas (na kung minsan ay tinatawag din nating 'Tuluyan' dahil lagi ka nilang binibitin habang may nakasulat na 'Itutuloy....').
**********
Procter and Gamble (makers ng Tide at Ariel Detergent Soaps) daw ang nagpasimuno ng katagang SOAP OPERA nang i-produce nila ang pinaka-unang Soap Opera noong 1930s. Intended daw ang mga ganitong palabas o panoorin para sa mga nanay (o housewives) na nakikinig sa radyo o nanonood ng tv habang naglalaba. At noon daw 1949, nai-produce ng Procter & Gamble ang pinakaunang Soap Opera sa Pilipinas na nai-ere sa DZRH- Ang 'Gulong ng Palad'.
Marami nang pagbabago.
Colored na ang mga television. Remote-controlled, at may mga cable channels pa na pwedeng panooran. May flat at may plasma tv.
Pero hanggang sa ngayon, nananatiling mataas ang ratings ng mga soap opera.
Mahilig kasi ang Pinoy sa Drama.
8 comments:
base! :-) mahilig ako sa soap opera, araw araw talaga sinusubaybayan ko, hehehe..
ayan, isa ka sa mga guilty persons na dahilan kung bakit maraming commercials sa tv ngayon!
:D
a, kaya pala tinawag na soap opera :-) salamat sa trivia!
bihira din lang akong maka-ibig ng palabas sa TV katulad ng Encantadia. yung iba, pinagtyatyagan ko lang at hindi ako ang may-ari ng remote. pero mas mahilig kasi ako magbasa kesa manuod.
naalala ko din yung unang tv namin sa probinsya, di baterya ng trak!
pareho tayo, dinah. i find books more engaging :D
ahahaha, uu nga! :-)
ang tv namin nood ay yung parang tokador. may parang pintuan. sa pagkakatanda ko noon, iilan lang kami na may tv sa nayon namin. pero bago napalitan yun, halos lahat ng kapitbahay namin ay may mga colored tv na. hahaha. at ang pumalit? 14in na b&w t.v. and yes, hanggang ch 13 din. wahahahaha!
pero nice naman, diba ria?
when you get to look back at how it was back then, we can just be thankful na nag i improve din naman ang buhay natin.
:D
kami nga wala kaming TV, nakatapos ako ng high school pati nga kuryente wala, kelan lang kami nagkaroon, dumadayo pa kami sa bayan para lang makipanood, minsan wala pa kaya pag kagat ng dilim sa loob na kami ng bahay umpukan na kaming lahat kasi nga madilim dahil wala kaming kuryente pero at least naman may pagbabago ng konti, ngayon may tv na kami at 21 inch pa ohhh
t.y
Post a Comment