Bubuka Ang Bulaklak

Monday, January 4, 2010 ·

Hindi ko na alam kung anong taon ako nahilig sa photography. Ang problema, kagaya nang iba pang bagay na gusto kong gawin pero hindi ko magawa dahil walang oras na pwedeng gugulin, nanatiling nasa isang sulok lang ang kagustuhan kong aralin ang tungkol dito.

Paminsan-minsan, paisa-isa, nakaka jackpot akong makakuha ng mga magagandang kuha gamit ang hiniram na digital camera, o gamit ang camera sa cellphone ko. Kuntento na ako sa hiram, sabi ko kasi, hindi ko rin naman kailangan ng camera.

Pero ibang usapan na nung dumating si baby. Dapat kasi, ma-capture ang lahat ng mga importanteng bagay na nangyayari sa buhay niya. Kaya ngayong 2009, bumili kami ng Digital Camera.

Mababang modelo lang kumpara sa mga gamit ng mga professional photographers. Canon Powershot lang. Pero sa ngayon, okay na yun.

At para mabigyan ng sample, sumubok akong kumuha ng larawan ng isa sa mga paborito kong subject- Bulaklak.




















































Ewan ko. Pero tingin nyo ba, may career ako sa photography?

3 comments:

Anonymous said...
Mon Jan 04, 08:03:00 AM  

base!! :-) ang ganda naman ng shots! aku nman picturan mu sa susunud! hehehe..

happy new year po!

Anonymous said...
Mon Jan 04, 08:35:00 PM  

magkakacareer ka jan kuya at ikaw ay tatawaging si boy bulaklak... hahahaha

-stain

siyetehan said...
Mon Jan 04, 09:00:00 PM  

@PD: baka mataas ang rate mo, hindi ko kayang bayaran ang pagmo modelo :D

@stain: ayos! Boy Bulaklak! Pwede kong gamiting tagline pag kumandidato ako :D

Post a Comment

PEBA NOMINEE

Siyetehan Supports PEBA



Siyetehan Wins

Philippine Blog Awards