Isang Minutong Ngiti

Thursday, November 12, 2009 ·

Maraming nagtatanong kung bakit pumatok ang bandang Eraserheads noong dekada 90s. Well, isa sa mga dahilan ay, karamihan kasi ng masa ay nakaka-relate sa lyrics ng kanta nila.

Makatotohanan, tagos sa puso, at sumasalamin sa tunay na mukha ng buhay nating mga pinoy.


Kaya naman kahit na nag-disband na sila, patok pa rin sa pinoy ang musika nila. At noong nag reunion concert sila sa The Fort at sa MOA Open Grounds, talaga namang pandemonium dahil sa dami ng fans na naki-jamming sa kanila.


**********


Isa sa mga sumikat na kanta ng Eraserheads ay 'yung 'With A Smile'. At magpahanggang ngayon, paborito pa rin itong kantahin ng mga grupo ng kabataan, mga ka-edaran kong nagkakaroon ng reunion, at pati na rin yung mga da-matans na mahilig talaga sa kantahan. Bakit ito pumatok? Dahil makatotohanan ang liriko para sa mga magkakaibigan. At higit, nagpapakita ito ng pagkakaroon ng positive outlook in life.



"Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
Now it's time to kiss away those tears goodbye"


**********


Tama nga naman. Pwede ka namang tumawa kahit may problema. Pwede mo namang piliing maging masaya kahit na anuman ang mga kaganapang nangyayari sa paligid mo. It really goes down to the choices that we make- Either we choose to be sad; our we choose to be happy.



Sa December 08, 2009, ganap na alas-otso ng gabi, makiisa tayo sa programang Isang Minutong Smile kung saan sabay sabay nating tatanggalin sa isipan ang lahat ng bumabagabag sa atin, mag isip ng masasayang bagay na pangyayari sa ating buhay, at ngingiti ...kahit isang minuto lang....





----------


A merry heart maketh a cheerful countenance: but by sorrow of the heart the spirit is broken.

-Proverbs 15:13

8 comments:

Lord CM said...
Thu Nov 12, 01:24:00 AM  

Wow!!!Salamat parekoy, sana maipaabot natin to sa lahat bago dumating ang Araw ni Mama Mary sa Dec. 08..

Salamat muli

A-Z-E-L said...
Thu Nov 12, 05:34:00 AM  

makikiisa mula sa gitnang silangan! (4pm sa Dubai)

modernonglapis said...
Thu Nov 12, 07:19:00 AM  

paborito ko ang with a smile ng eraserheads. may malalim ding kahulugan sa akin ang kantang iyan. (yiki!:P)..

aba'y makikiisa ako jan! game! :D

p0kw4ng said...
Thu Nov 12, 11:39:00 AM  

ahahaha yan lagi ang kinakanta ko sa videoke....parang adik lang!

L.A. said...
Thu Nov 12, 10:14:00 PM  

Sasali ako dito kafatid.

vajarlmetdracula said...
Thu Nov 12, 10:21:00 PM  

Sali ako dyan! Lalo na't hindi ako nakasali sa Earth Hour. Konek? Haha.

siyetehan said...
Thu Nov 12, 11:19:00 PM  

mga kapapahan at mga kamamahan, at mga kafatid,

maraming salamat po sa pakikiisa.

ngiti
ngiti
ngiti kahit bungi

Lord CM said...
Fri Nov 13, 05:10:00 PM  

Mapapanuod na po sa pahina ko ang ilang pix na natanggap ko, dalaw lang sa aking pahina :)

Post a Comment

PEBA NOMINEE

Siyetehan Supports PEBA



Siyetehan Wins

Philippine Blog Awards