Bakit Malungkot Ang Pasko?

Tuesday, November 24, 2009 ·

"Maligayang Pasko!" Yan ang laging bati natin sa bawat tao. Pero sa totoo lang, minsan, parang ayokong maniwalang maligaya nga talaga ang pasko.

Pansinin natin sa mga christmas commercials na umeere ngayon sa telebisyon.

Hindi ba laging malungkot ang kwento?


• Magpapasko pero kailangang umalis ni Mommy o ni Daddy papuntang Dubai para magtrabaho.

• Pasko pero si mamang Security Guard eh mag-isang naka-duty sa Entrance Gate ng Village.

• Magno noche buena na pero patuloy pa rin sa pagtatrabaho si anak sa Call Center.

• Magpapasko pero malungkot ang mga tao dahil nasira ng bagyo ang mga pananim.

• Mamimili ka ng damit pero paglabas mo naman ng mall ay may makikita kang mag-ina na natutulog sa kariton at ni walang matinong maisuot.

• Kakain sa fastfood ang buong pamilya pero may mga batang lansangan na nanonood sa inyo sa may salaming dingding ng establishment.

• Magpapasko pero si Mommy, andun at nagke caregiver sa UK.

• Malapit na ang pasko pero nag break kayo ng boyfriend mo.


Kailangan ba talagang i-project na malungkot ang pasko? O sinasalamin lang talaga ng mga commercials na ito ang realidad ng buhay?

--------------------

I have come that they may have life, and have it to the full.

-John 10:10

12 comments:

Anonymous said...
Tue Nov 24, 10:54:00 PM  

Magpapasko na pero puro pulitiko ang nakikita sa TV.

siyetehan said...
Tue Nov 24, 10:58:00 PM  

naku, yang ang isa pang nakakalungkot na balita vajarl

2ngaw said...
Tue Nov 24, 11:39:00 PM  

Tanggapin na lang natin, na hindi naman talaga masaya ang pasko para sa lahat...masaya lang ito para sa iilan...

Ganun pa man, wag nating kalimutan na ang pinagdidiwang natin ay pagkapanganak ni Jesus...Masaya man o malungkot, ang mahalaga di natin Sya nakalimutan..

siyetehan said...
Wed Nov 25, 12:07:00 AM  

korek ka diyan ng bonggang bongga, Lord CM.

Yan ang totoong diwa ng pasko

Anonymous said...
Wed Nov 25, 01:39:00 AM  

too many reason kung bakit minsan malungkot ang pasko, at syempre kung bakit bongga ang pasko.. well isipin nalang natin atleast nararansan pa natin ang pasko, malungkot man o masya, diba?!? :-)

Dinah said...
Wed Nov 25, 01:57:00 AM  

tama ka, sadyang sinasalamin ng mga komersyal na yan na may malungkot na side ang pasko. dahil ang realidad ng buhay, kailangan nating kumita ng pera :-(

si manong guard, isipin mo na lang na kung naka-duty siya ng pasko, day-off naman siya sa new year!

siyetehan said...
Wed Nov 25, 03:03:00 AM  

@PD: korek. mabuti na lang at may pasko

@Dinah: siguro nga, makatotohanan ang kalungkutan

Badong said...
Wed Nov 25, 04:49:00 AM  

2006, nag-pasko akong kamamatay lang ng lolo. pero hindi ko matandaang malungkot ako. oo, hindi na kasing saya ng dati, pero bakit namin pipiliing maging malungkot kung pwede pa rin naman kaming maging masaya?

A-Z-3-L said...
Wed Nov 25, 05:17:00 AM  

mas malungkot ang paskong dinaranas namin sa gitnang silangan at sa mga bansang hindi nakakakilala ng pagdiriwang na ito!

kung nalulungkot ang ilan na nandyan sa atin, paano pa kaming wala dyan at hindi kailanman malaya at hayagang nakakapagcelebrate?

huwag na lang sana nating tingnan ang masasamang nangyari o ang pagkakataong lumampas para makapagcelebrate ng PASKO.

minsan kase nakakalimutan natin ang tunay na diwa nito!

kailangan ba talagang maging malungkot?
hindi iyon ang ibig sabihin ng "Christmas". masyado lang nating napamper ang mga sarili sa mga materyal na bagay tuwing sasapit iyon. kaya kapag naging hawan ang mesa, feeling ng iba malungkot na ang pasko!

magsimba... doon sa simbahan, masaya! :)

p0kw4ng said...
Wed Nov 25, 12:58:00 PM  

sabi nila pambata lang ang pasko....para sa akin hindi pa din para sa lahat ng bata!

hapi pasko na lang siyetehan kahit malayo pa,hihihi

siyetehan said...
Wed Nov 25, 10:01:00 PM  

@Badong: Choice nga daw natin. We can choose to be happy despite the sad things that happen around us.

@p0kw4ng: happy pasko din. uwi ka ba dito sa pinas?

@azel: hay, oo nga, wala daw pasko diyan. pero maraming mukhang three kings. :D

Anonymous said...
Sun Dec 24, 04:33:00 PM  

Tama Yan ang pasko ay pag gugunita SA kapa nganangan Ng pangenoon jesus Kaya Hindi Tayo dapat magsasabi na ang pasko ay malongkot dahil Hindi Naman tayo yng may kaarawan.

Post a Comment

PEBA NOMINEE

Siyetehan Supports PEBA



Siyetehan Wins

Philippine Blog Awards