Tuwing Pasko

Sunday, November 8, 2009 ·

Special sa akin yung nokia 6600 ko na katulad ng nasa picture sa kaliwa. Yan kasi ang unang mobile phone na naipundar ko sa sarili kong bulsa mula noong magtrabaho ako. Kung di ako nagkakamali, around 14,000 ata ang value niyan nung nabili ko sa Greenhills.

Iba talaga ang feeling kapag nakikita mong unti-unti kang nakakapagpundar ng mga gamit galing sa sarili mong pawis, sabi nga nila.

Iba ang feeling.

Lalo na kapag nawala.


**********

End-part na ng September 'yun, year 2006. Galing kami dumalaw sa isang kaopisina na na-confine sa isang hospital sa ParaƱaque. Medyo late na kami nakaalis ng ospital, kaya yung unang dumaang bus eh pinara na namin.

Bumaba kami pagdating ng Guadalupe. From there, magka kani-kanya na kami ng ruta. Ako papuntang Fairview, yung isa papuntang Balintawak, yung iba pa-Makati.

Napasarap ata ang sandal ko sa upuan ng bus at sa lamig ng aircon kaya nakatulog ako. Nagising lang ako ng biglang may sumigaw ng "Holdap 'to! *sabay mura*"

*mura ulit* na drayber ka! ayusin mo pagpapatakbo mo *sabay mura* sa bus at kung hindi papatayin ka naming *sabay mura* ka.

Apat silang lalaking malalaki ang katawan na puro nakasuot ng sumbrerong "waway". Wag daw kaming magkakamaling tumingin sa mga mukha nila dahil may granada raw sila. Maliban sa granada, lahat sila eh may hawak na lantseta.

Mura sila ng mura tuwing magsasalita. Ewan ko, pero siguro part na ng habit nila yung dapat eh may kasamang mura ang bawat buka ng bibig nila.

At nag-umpisa nang lumakad ang collection bag na parang sa simbahan lang. Isang itim na bag kung saan bawat isa eh inuutusang ilaglag ang kani-kanyang cellphone.

Kaya ako, goodbye 6600; goodbye pundar.

Matapos ang first offering, nagdeklara pa ng special offering. Lakad na naman ang itim na bag. Wallet naman daw. Medyo mabigat na, kaya diniskartihan ko na ng konti.

Sabi sa akin nung naka-waway na macho papa, "Ikaw, *sabay mura*, wallet mo?"

Sabi ko, "Kinuha na po nung kasama ninyong nasa likod kanina".

Pasalamat ako at hindi na nangapkap si macho papa.

Sa kahabaan ng EDSA mula Ortigas hanggang Quezon Avenue eh talaga namang napakataas ng tension sa loob ng bus. Nag-umpisa lang maghagulgulan ang mga babae nang bumaba na ang mga holdaper sabay sabing, Mga *sabay mura* kayo, wag na wag kayong magkakamaling sumunod dahil may mga kasama kaming mga *sabay mura* kayo.

Yung isang lalaking pasahero, biglang sumigaw, "Tubig! Tubig! Painumin ninyo ako ng tubig!"

Pero wala nang pumansin sa kanya dahil kani-kanya na kaming diskarte kung paano makakaalis sa bus at makakauwi ng bahay.


**********

Ilang linggo rin bago ko natanggap na wala na talaga yung naipundar kong gamit.

Ilang buwan na paranoid ako pag nakakakita ako ng mga taong nakasuot ng sumbrerong "waway".

Hanggang ngayon eh iwas pa rin ako hangga't maaari na sumakay sa MYAMY Bus Lines na biyaheng Fairview.


**********

Magpapasko raw kasi noon kaya marami talagang gumagawa ng masama. Katulad ngayon, malapit na naman ang kapaskuhan, dumarami na naman ang insidente ng nakawan, holdap, snatching.

Sa hinaba-haba ng post na ito, simple lang naman ang gusto ko sanang i-share.

Ingat po tayo.

Dahil maraming nananamantala tuwing Pasko.

11 comments:

Anonymous said...
Sun Nov 08, 10:04:00 PM  

At naalala mo pa talaga ang mga sinabi nung mga holdaper. Haha. Kung ako siguro yan mag papass out ako kaya hindi matutuloy ang holdapan dahil kelangan nila ko dalin sa ospital. Haha. Pero baka wlaa ring pumansin saken non gaya ni manong tubig. Hmm.

Ano pala yung itsura ng sombrerong waway at lanseta?

siyetehan said...
Sun Nov 08, 10:10:00 PM  

heto ang sample ng waway:
waway

ang lantseta eh yung parang balisong.

2ngaw said...
Sun Nov 08, 11:02:00 PM  

Kailangan talaga may mura pre, para matakot sa kanila ang mga tao at isiping gag.o talaga sila lolzz

Pasalamat na lang pre at walang masamang nangyari sayo at sa iba pa

A-Z-3-L said...
Sun Nov 08, 11:03:00 PM  

i remember the time na nangyari saken yang ganyan... papunta kami nun nina Rachelle B. kina Mariel C. sa tarlac to visit the wake of her dad. sakay ako sa jeep... makalampas ng DLSU-Taft, nawala na rin ang cellphone ko! nanghina ako pero same thing, hindi kumuha ng pera. cellphone lang talaga. nasa harap ko ung guy na may lanseta! imbyerna! hindi tuloy ako nakarating sa Rabbit Station sa Avenida kase lambot na lambot ako sa mga pangyayari! (gabi pa naman!)

grabe na talaga saten, daming nananamantala. ke-mayayaman, ke-mahihirap.. pare-pareho na lang ng raket! magkaiba lang ng level kung paano manggantso!!!

siyetehan said...
Sun Nov 08, 11:31:00 PM  

@lord cm: yun na nga lang, at least eh walang nasaktan sa amin.

@azel: nakakapanghina talaga. after that incident talagang naglalakad ako na hindi ko alam kung ano ang susunod kong gagawin. :D

Anonymous said...
Mon Nov 09, 02:16:00 AM  

my gudniz nakakatakot,buti ako hindi pa nakakaranas nyan, madaling araw pa naman ako umuuwi papunta saten, sayang talaga.

-livingstain

Badong said...
Mon Nov 09, 03:52:00 AM  

grabe. mas matindi pala ang naranasan mo kesa sakin. ako kasi nadukutan lang. kung ganon ang nangyari malamang nanginig na lang ako. ingat tayo!

p0kw4ng said...
Mon Nov 09, 11:07:00 AM  

magpapasko din nong nasuklian ako ng 500 na peke sa may Cartimar Pasay..nadala na din akong mamili don,hehehe

The Lady in Green Ruffles said...
Mon Nov 09, 02:45:00 PM  

i agree! kahit sobrang sacred pa ng christmas season..hindi pa rin maalis sa mindset ng mga tao na hindi na nga mawawala ang mga kampon ng kasamaan dito sa lupa. lets all just pray na mabigyang liwanag ang kanilang mga puso't isipan...merry Christmas!

siyetehan said...
Mon Nov 09, 06:22:00 PM  

@livingstain: good 4 u na hindi mo pa naranasan. and ipag-pray mo na hindi mo maranasan.

:D

siyetehan said...
Mon Nov 09, 08:50:00 PM  

@badong: oo, nabasa ko nga yung post mo tungkol naman sa pagkawala ng gamit mo sa cubao. ingat lang, ika nga ni john lloyd.

@p0kw4ng: gantso naman ata ang tawag dun sa mga gumagawa ng ganun.

@joyce: korek ka jan, parang wala nang galang sa diwa ng kapaskuhan.

Post a Comment

PEBA NOMINEE

Siyetehan Supports PEBA



Siyetehan Wins

Philippine Blog Awards