Black Friday

Thursday, November 26, 2009 · 9 comments


I'm wearing black today, same as many of the people who are joining the cause of seeking justice against the brutal murder of at least 57 people in Maguindanao on November 30, 2009.

Inquirer.net has this report:

The fatalities, many of them women, were on their way to Sharif Aguak to accompany the Mangudadatus to the Comelec office to file the certificate of candidacy for governor of Vice Mayor Dong Mangudadatu, apparently in defiance of the strong hold of the Ampatuan family over the entire province. The Ampatuans were, until recently, allies of the Mangudadatu. This incident only reinforces the pessimism of those who say that peace will always be an illusion in Mindanao.

If reports were correct, it is said that the Ampatuans were the ones behind the killing. Yesterday, Mayor Andal Ampatuan, Jr. was captured and brought in the custody of the National Bureau of Investigation for questioning.


Forgive the following accounts, but I deem it is necessary to reprint this to prove the brutality of the crime:

Department of Justice Secretary Agnes Devanadera said over GMA News that, "Even the private parts of the women were shot at. It was horrible. It was not done to just one. It was done practically to all the women.

The zippers of their pants were all undone. We have yet to determine whether they were raped. But it is certain that something bad was done to them."


Additionally, 27 among those 57 bodies found dead are journalists who were there to cover the filing of the COCs of the Mangudadatus.

It is just so horrible and illogical why these innocent journalists and women were killed just like that.

The nation mourns for justice.




Bakit Malungkot Ang Pasko?

Tuesday, November 24, 2009 · 12 comments

"Maligayang Pasko!" Yan ang laging bati natin sa bawat tao. Pero sa totoo lang, minsan, parang ayokong maniwalang maligaya nga talaga ang pasko.

Pansinin natin sa mga christmas commercials na umeere ngayon sa telebisyon.

Hindi ba laging malungkot ang kwento?


• Magpapasko pero kailangang umalis ni Mommy o ni Daddy papuntang Dubai para magtrabaho.

• Pasko pero si mamang Security Guard eh mag-isang naka-duty sa Entrance Gate ng Village.

• Magno noche buena na pero patuloy pa rin sa pagtatrabaho si anak sa Call Center.

• Magpapasko pero malungkot ang mga tao dahil nasira ng bagyo ang mga pananim.

• Mamimili ka ng damit pero paglabas mo naman ng mall ay may makikita kang mag-ina na natutulog sa kariton at ni walang matinong maisuot.

• Kakain sa fastfood ang buong pamilya pero may mga batang lansangan na nanonood sa inyo sa may salaming dingding ng establishment.

• Magpapasko pero si Mommy, andun at nagke caregiver sa UK.

• Malapit na ang pasko pero nag break kayo ng boyfriend mo.


Kailangan ba talagang i-project na malungkot ang pasko? O sinasalamin lang talaga ng mga commercials na ito ang realidad ng buhay?

--------------------

I have come that they may have life, and have it to the full.

-John 10:10

Magugunaw Na Ang Mundo

Wednesday, November 18, 2009 · 3 comments

Hindi ninyo ba napapansin na napakarami nang pelikula ang ginawa para magsabing magugunaw na ang mundo?

2012, Independendence Day, The Day After Tomorrow, Armageddon, at kung anu-ano pa.

Naisip ko lang tuloy:

Bakit ba gustong gusto nilang gunawin ang mundo pero bandang huli naman eh mananatiling magsu-survive ang sangkatauhan?




**********

"We are fighting for our right to live. To exist. And should we win the day, the Fourth of July will no longer be known as an American holiday, but as the day the world declared in one voice: "We will not go quietly into the night!" We will not vanish without a fight! We're going to live on! We're going to survive! Today we celebrate our Independence Day!"

-President Thomas Whitmore, Independence Day


--------------------

But of that day and hour knoweth no man, no, not the angels of heaven, but my Father only.

-Matthew 24:36

Alin Ang Naiba?

Sunday, November 15, 2009 · 4 comments


















(photo credits here)

Kung mayroong isang personalidad na gusto mong alisin sa larawan, sino iyon, at bakit? Isulat ang inyong sagot sa comments portion sa ibaba.

Isang Minutong Ngiti

Thursday, November 12, 2009 · 8 comments

Maraming nagtatanong kung bakit pumatok ang bandang Eraserheads noong dekada 90s. Well, isa sa mga dahilan ay, karamihan kasi ng masa ay nakaka-relate sa lyrics ng kanta nila.

Makatotohanan, tagos sa puso, at sumasalamin sa tunay na mukha ng buhay nating mga pinoy.


Kaya naman kahit na nag-disband na sila, patok pa rin sa pinoy ang musika nila. At noong nag reunion concert sila sa The Fort at sa MOA Open Grounds, talaga namang pandemonium dahil sa dami ng fans na naki-jamming sa kanila.


**********


Isa sa mga sumikat na kanta ng Eraserheads ay 'yung 'With A Smile'. At magpahanggang ngayon, paborito pa rin itong kantahin ng mga grupo ng kabataan, mga ka-edaran kong nagkakaroon ng reunion, at pati na rin yung mga da-matans na mahilig talaga sa kantahan. Bakit ito pumatok? Dahil makatotohanan ang liriko para sa mga magkakaibigan. At higit, nagpapakita ito ng pagkakaroon ng positive outlook in life.



"Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
Now it's time to kiss away those tears goodbye"


**********


Tama nga naman. Pwede ka namang tumawa kahit may problema. Pwede mo namang piliing maging masaya kahit na anuman ang mga kaganapang nangyayari sa paligid mo. It really goes down to the choices that we make- Either we choose to be sad; our we choose to be happy.



Sa December 08, 2009, ganap na alas-otso ng gabi, makiisa tayo sa programang Isang Minutong Smile kung saan sabay sabay nating tatanggalin sa isipan ang lahat ng bumabagabag sa atin, mag isip ng masasayang bagay na pangyayari sa ating buhay, at ngingiti ...kahit isang minuto lang....





----------


A merry heart maketh a cheerful countenance: but by sorrow of the heart the spirit is broken.

-Proverbs 15:13

Are You Afraid of Algebra?

Tuesday, November 10, 2009 · 8 comments

Let's face it. Most children's waterloo in school is Math Problems, and that includes me.

Whether the problem requires complex equations or Math Word Problems, most students find it so hard to analyze and it usually takes an ample time to finally come up with the correct Math Answers.

It is a pity that I live as a student in 'those days' where advanced technology has not yet reached my hometown. Today, students who are having difficulty in Mathematics can take refuge in what the internet offers. And that is Algebra Help. The idea is basically simple, but it helps a lot of students. These are online sites, like TutorVista, whose function is to provide 24/7 online tutorials to college students who are seeking Algebra 2 Help.

So for all of you, college students out there, who are afraid of Algebra Word Problems, you need not worry anymore. Online Tutor help is just a click away, 24 hours a day, 7 days a week.


----------

Anyone of you who are having difficulty with mathematics during your student days? Let us know your story!

Feel free to leave your comments and share with us your "horrible" mathematics story.

Tuwing Pasko

Sunday, November 8, 2009 · 11 comments

Special sa akin yung nokia 6600 ko na katulad ng nasa picture sa kaliwa. Yan kasi ang unang mobile phone na naipundar ko sa sarili kong bulsa mula noong magtrabaho ako. Kung di ako nagkakamali, around 14,000 ata ang value niyan nung nabili ko sa Greenhills.

Iba talaga ang feeling kapag nakikita mong unti-unti kang nakakapagpundar ng mga gamit galing sa sarili mong pawis, sabi nga nila.

Iba ang feeling.

Lalo na kapag nawala.


**********

End-part na ng September 'yun, year 2006. Galing kami dumalaw sa isang kaopisina na na-confine sa isang hospital sa Parañaque. Medyo late na kami nakaalis ng ospital, kaya yung unang dumaang bus eh pinara na namin.

Bumaba kami pagdating ng Guadalupe. From there, magka kani-kanya na kami ng ruta. Ako papuntang Fairview, yung isa papuntang Balintawak, yung iba pa-Makati.

Napasarap ata ang sandal ko sa upuan ng bus at sa lamig ng aircon kaya nakatulog ako. Nagising lang ako ng biglang may sumigaw ng "Holdap 'to! *sabay mura*"

*mura ulit* na drayber ka! ayusin mo pagpapatakbo mo *sabay mura* sa bus at kung hindi papatayin ka naming *sabay mura* ka.

Apat silang lalaking malalaki ang katawan na puro nakasuot ng sumbrerong "waway". Wag daw kaming magkakamaling tumingin sa mga mukha nila dahil may granada raw sila. Maliban sa granada, lahat sila eh may hawak na lantseta.

Mura sila ng mura tuwing magsasalita. Ewan ko, pero siguro part na ng habit nila yung dapat eh may kasamang mura ang bawat buka ng bibig nila.

At nag-umpisa nang lumakad ang collection bag na parang sa simbahan lang. Isang itim na bag kung saan bawat isa eh inuutusang ilaglag ang kani-kanyang cellphone.

Kaya ako, goodbye 6600; goodbye pundar.

Matapos ang first offering, nagdeklara pa ng special offering. Lakad na naman ang itim na bag. Wallet naman daw. Medyo mabigat na, kaya diniskartihan ko na ng konti.

Sabi sa akin nung naka-waway na macho papa, "Ikaw, *sabay mura*, wallet mo?"

Sabi ko, "Kinuha na po nung kasama ninyong nasa likod kanina".

Pasalamat ako at hindi na nangapkap si macho papa.

Sa kahabaan ng EDSA mula Ortigas hanggang Quezon Avenue eh talaga namang napakataas ng tension sa loob ng bus. Nag-umpisa lang maghagulgulan ang mga babae nang bumaba na ang mga holdaper sabay sabing, Mga *sabay mura* kayo, wag na wag kayong magkakamaling sumunod dahil may mga kasama kaming mga *sabay mura* kayo.

Yung isang lalaking pasahero, biglang sumigaw, "Tubig! Tubig! Painumin ninyo ako ng tubig!"

Pero wala nang pumansin sa kanya dahil kani-kanya na kaming diskarte kung paano makakaalis sa bus at makakauwi ng bahay.


**********

Ilang linggo rin bago ko natanggap na wala na talaga yung naipundar kong gamit.

Ilang buwan na paranoid ako pag nakakakita ako ng mga taong nakasuot ng sumbrerong "waway".

Hanggang ngayon eh iwas pa rin ako hangga't maaari na sumakay sa MYAMY Bus Lines na biyaheng Fairview.


**********

Magpapasko raw kasi noon kaya marami talagang gumagawa ng masama. Katulad ngayon, malapit na naman ang kapaskuhan, dumarami na naman ang insidente ng nakawan, holdap, snatching.

Sa hinaba-haba ng post na ito, simple lang naman ang gusto ko sanang i-share.

Ingat po tayo.

Dahil maraming nananamantala tuwing Pasko.

PEBA NOMINEE

Siyetehan Supports PEBA



Siyetehan Wins

Philippine Blog Awards