Oh My Gulay!

Monday, October 12, 2009 ·

Nakakapagpa-high blood ba ang gulay?

Sabi kasi, para daw maiwasan ang high-blood, iwasan din ang pagkain ng mga karne (at taba) ng baboy, baka, at mga seafoods.

Sa halip, kumain daw ng gulay.

**********

Noong katatapos ng bagyong Ondoy, pinag-ingat din ang mga tao sa pagkain ng baboy at manok dahil baka daw double dead ang mabiling mga karne sa palengke, o baka nagkasakit ang mga ito kaya kinatay at ibinebenta.

Katunayan, sa isang parte ng Quezon City, sabi nila ay lechon daw ang usong pagkain pagkatapos ng Ondoy (kasi nga ay double dead ang mga baboy at manok dahil sa baha).

Sa halip, kumain daw ng gulay.


**********


Naisip ko tuloy kagabi, magluluto ako ng gulay. Kaya pumunta ako sa grocery para bumili ng ampalayang igigisa.

Pagdating sa vegetable section, limited ang choices at halos nag-uunahan ang mga tao sa pagkuha ng gulay.

Walang stock ng gulay dahil nasalanta ang Northern Luzon bunsod ng bagyong Pepeng. Epekto, maraming pananim na gulay, partikular sa Baguio at Benguet, ang nasira at hindi na pwedeng pakinabangan. Karagdagang problema ang nasira ring mga daan kaya't hindi mai-transport ang mga gulay mula Baguio papuntang Maynila.

Presyo ng isang ampalayang nabili ko, P40.00.

Sa panahon daw kasi ngayon, hindi praktikal ang gulay.

Sa halip, kumain daw ng karne.


**********

Ang sabi tuloy ng ilan, hindi lang daw karne ng baboy, baka at mga seafoods ang nakakapagpa high blood ngayon. Pati na rin daw gulay. Ang sabi nga sa balita kagabi, 900% daw ang itinaas ng presyo ng gulay.

Sino nga naman kasi ang hindi maha high blood?

10 comments:

A-Z-3-L said...
Mon Oct 12, 10:34:00 PM  

naku! madami nyan dito sa Gitnang Silangan... bitter gourd... hindi naman nakakahigh-blood dito yan... hehehehe... (at naku! di talaga ako kumakain ng ampalaya promise!)

ganon talaga yata... kung kelan walang-wala ka na, tsaka magtataasan ang presyo ng pangunahing bilihin. pano, nagiging applicable ang Law of Supply & Demand!

ano na lang pwedeng kainin ng mga kababayan ko kung umiwas daw sa pork, chicken at seafoods ngayong sobrang mahal naman ng mga veggies?

may choice pa ba kayo? tsk!

siyetehan said...
Mon Oct 12, 10:36:00 PM  

magtityaga na lang muna sa lucky me noodles.

sakit sa bato naman ang magiging problema.

tsk.

L.A. said...
Mon Oct 12, 11:22:00 PM  

Ang mahal naman ng mga gulay dyan. Noodles na lang muna dude.

A-Z-3-L said...
Tue Oct 13, 01:18:00 AM  

noodles?

parang araw-araw may sipon at lagnat ah!

tsk..tsk...

pampabata!

Vajarl said...
Tue Oct 13, 05:17:00 AM  

Kumakain ka ng ampalaya? My gulay! Haha. Of all the vegetables, I really can't stand Ampalaya and Okra. I find them gross. Sorry.

Kani kanina lang pinag uusapan dito ang presyo ng gulay. Buti pa raw sa farmville maraming gulay. Aysus, pa hunt ko sa mafia ko sa mafia wars yang si Pepeng eh. Haha.

p0kw4ng said...
Tue Oct 13, 11:33:00 AM  

lahat sigurado ng bilihin ay magtataas kasi lahat eh naapektuhan..tsk..tsk..tsk!

sabi nga din noon ng kapitbahay namin nakaka high blood daw ang ampalaya..hindi dahil sa taas ng presyo kasi may tanim sila non kundi araw araw na nilang ulam...sino daw ang hindi mahihigh blood non,hihihi

siyetehan said...
Tue Oct 13, 11:22:00 PM  

@LA: ang problema, mahirap ding bumili ng noodles ngayon dahil na out of stock sa mga supermarkets noong kasagsagan ng bagyo.

:(

siyetehan said...
Tue Oct 13, 11:24:00 PM  

@vajarl:

korek ka jan, mas marami pa nga sa farmville. :D

@p0kw4ng:

kawawang kapitbahay, napurga sa ampalaya. :D

Badong said...
Wed Oct 14, 05:03:00 AM  

eto rin yung inag-uusapan sa bahay kanina lang. habang umiinom ako nasabi ng mama ko na 160 na raw ang talong. muntik ko ng mabitawan yung baso.

siyetehan said...
Wed Oct 14, 10:15:00 PM  

@badong: hopefully eh makipag cooperate naman yung mga store owners na huwag naman masyadong magpatubo. tulong na lang dahil lahat naman tayo eh naapektuhan ng bagyo

Post a Comment

PEBA NOMINEE

Siyetehan Supports PEBA



Siyetehan Wins

Philippine Blog Awards