Bakit Walang Lasa Ang Queso De Bola

Thursday, October 15, 2009 ·

Kung minsan, naiisip ko, unfair naman sa Undas.

Lagi kasing nao-overshadow siya ng Pasko. Isipin mo na lang, dahil nga ang Pasko dito sa Pilipinas eh nag-uumpisa ng September 1, para bang ni hindi masyadong nabibigyan ng malaking atensiyon ang pagdating ng Undas.

Ngayon, lagi nang ina-announce sa mga television: XX days na lang, Pasko na!

Meron ba kayong naririnig na, XX days na lang, Undas na!?.



**********

Kahit kapag naglibut-libot ka sa mga malls, mas prominent ang mga christmas decorations kaysa mga dekorasyong pang-halloween. In fact, kung September pa lang ay nagkakabit na ng mga christmas decors at nagpapatugtog na ng mga kanta ni Jose Mari Chan, nagkakabit lang ng mga pang halloween na decorations mga two weeks bago ang undas.

At malamang sa malamang, pagdating ng November 3 eh tanggal na lahat ng halloween decorations.


**********



Pagpasok sa mga grocery stores at supermarkets, makakakita ka na rin ng mga hamon at queso de bola.

Ewan ko ba kung bakit ba napaka-tempting nitong tingnan.

Siguro eh dahil malayo ka pa lang, matatanaw mo na ang mapupula at makikintab na bilog na tabi-tabing naka-display sa mga groceries.

Hindi nawawalan ng ganyan sa bahay kapag pasko. Ang nakakatuwa, yung queso de bola sa bahay eh umaabot ng hanggang Pebrero sa refrigerator.



**********



Mabuti pa nga ang pasko noong isang taon
Sa ating hapag mayroong keso de bola’t hamon
Baka sa gipit, happy new year mapo-postpone
At ang hamon ay mauuwi sa bagoong
(Apo Hiking Society's Tuloy na Tuloy pa rin ang Pasko)



**********

Hindi ko gusto ang lasa ng queso de bola. Kaya siguro umaabot ng hanggang Pebrero sa ref namin, hanggang sa tuluyan ng tumigas at mapilitan ng itapon ni Mama sa basurahan. Ewan ko ba, pero mas gusto ko pa ang lasa ng ordinary cheese kesa sa queso de bola.

At kung hanggang ngayon eh nagtataka ka kung bakit walang lasa ang queso de bola, malamang eh nagkamali ka ng kinagat na parte.

10 comments:

2ngaw said...
Thu Oct 15, 05:14:00 AM  

Oo nga no, parang nababalewala ang undas, pero dito sa Palau mas maraming activity pag undas :D

Buti na lang di pa ako nakatikim ng queso de bola kahit minsan lolzz

p0kw4ng said...
Thu Oct 15, 06:07:00 AM  

di ko din alam kung bakit gustong gusto ng pinoy ang keso de bola pag pasko...walang lasa..masarap lang yan kung imemelt mo kasama ng toast!

Badong said...
Thu Oct 15, 09:02:00 PM  

guilty ako dyan. hindi ko talaga binibigyang pansin ang undas. ang gusto ko lang don e nauuso yung mga horror stories. yun lang. tapos

Anonymous said...
Fri Oct 16, 12:21:00 AM  

Uu nga unfair sa Undas..

Nun bata ako, pinipilit ako kumain ng queso de bola kasi daw masarap... pero kahit ilang beses ko tikman di ko naman talaga nasasarapan, napaisip din ako.... baka di rin nila gusto yung lasa kaya siguro pinauubos lang nila sakin. hehe =))



Napadpad din po.. salamat sa pagdaan sa e-hws ko.

sows said...
Fri Oct 16, 01:46:00 AM  

ayaw kc ng pinoy ng bad baybs..

sino ba nmng tao ang mgnanais maalala ang pagkamatay ng minamahal eh kung pwede nmng mas alalahanin ang pagkabuhay ng Manlilikha? oha oha!


but seriously, natawa ako sa pagkakasulat mo.. nice one..
:lol:

Vajarl said...
Fri Oct 16, 09:12:00 PM  

Parang ang weird naman kung mag countdown tayo for undas. Baka yung mga kaluluwa sa sementeryo yung nag cocountdown ng di natin alam. Hehe.

Paborito ko ang keso pero hanggang ngayon hindi ko parin matanggap na keso ang keso de bola. Grabe parang pinipilit ko lang na kumain non kahit isang slice pag pasko dahil lang mahal sya. Ni hindi ko nga alam kung bakit mahal sya. Dahil ba sa wax?

siyetehan said...
Sun Oct 18, 06:44:00 PM  

@lord cm: i wonder kung ano ang mga activities diyan sa palau pag undas. :D meron bang takutan moments diyan? :D

@pokwang: siguro susubukan ko yang idea mo na may toast.

siyetehan said...
Sun Oct 18, 06:46:00 PM  

@badong: baligtad naman tayo. di ko trip ang mga horror stories. hehe. ayokong mapanaginipan eh.

@lifelessserious: natawa naman ako sa comment mo. haha. parusa yan sa mga batang ayaw matulog pag tanghali.

@sows: honga naman. pero enjoy din minsa pag undas kasi nagiging reunion site ng mga magkakabarkada ang sementeryo.

@vajarl: mahal ang wax kasi johnson wax ata ang gamit.

deejay said...
Wed Oct 28, 11:35:00 PM  

tama, dapat sa queso de bola e minemelt sa grill. chewy sha at mas masarap pag ganon. :P

Unknown said...
Mon Nov 30, 06:48:00 PM  

Di pako nakakatikim ng meso de nola gusto ko magpabili kay mama KASO ayaw nya grrrr hahaha salamat dito akala ko mas masarap ang pila, wax pala yon.

Post a Comment

PEBA NOMINEE

Siyetehan Supports PEBA



Siyetehan Wins

Philippine Blog Awards