Guessing Game Ito.
Nasa SM Makati ako last Sunday para bumili ng konting grocery at para bilhan ng bestida ang prinsesa namin. Dahil medyo nagugutom na rin, naisipan ko lang na humanap ng mabibiling mabilis na snacks.
At napadpad ako sa Brownies Store malapit doon sa may bridgeway connecting ng Glorietta at SM. Okay na rin dahil mura lang- sa halagang 37 pesos, may brewed coffee at may brownies ka na.
So doon ako umupo medyo malapit sa counter. Inuumpisahan ko nang sipsipin yung coffee nang napansin ko na yung dalawang tao sa katabing table ko eh nagbubulungan at may tinitingnan. Kaya nakiusyoso na rin ako at narinig ko na pinagtatalunan nila kung yung tao ba na malapit sa amin eh si [insert name of poging politician here].
Dahil medyo nasusubaybayan ko rin dati ang political career at ang mga sinusulat sa blog ni [insert name of poging politician here], alam kong siya nga iyon. Kasama niya ang misis niya at umupo rin sila sa isa sa mga tables sa store ng Brownies, nakapwesto malapit doon sa mga taong labas-masok sa bridgeway ng Glorietta at SM. Kung bakit doon sila pumwesto eh may opinyon ako na gusto niyang ma-exposed sa maraming tao (dahil may planong tumakbong senador itong si [insert name of poging politican here]).
Anyway, so umorder na nga ng kape at brownies si [insert name of poging politician here] at bumalik na doon sa table at umupo katapat ng misis niya. At dahil katapatan ko siya, hindi maiiwasan na tuwing hihigop ako ng kape eh natatanaw ko si [insert name of poging politician here].
Nung minsang masulyapan ko siya eh saktong humihigop din siya ng kape. Pero ano ito? Mukhang habang humihigop siya ng kape eh tutok na tutok ang paningin niya sa malapit sa lugar ko. Naisip ko dahil malapit nga ako sa counter, "ah, siguro tinitingnan niya yung mga naka-display na brownies and pastries at gusto niyang bumili".
Pero nung tinunton ko na ang pinagkakaabalahan ng mga mata ni [insert name of poging politician here] ay napagtanto ko na ang tinititigan pala niya eh yung isang customer na nakapila sa cashier. Hindi pala yung customer. Ang tinititigan pala ni [insert name of poging politician here] eh yung legs ni customer, dahil si customer eh naka nyort-nyort (short shorts).
Naisip ko lang, paano na lang kung nahuli siya ng kanyang esmi habang nakatitig kay sexy customer? Sasampalin kaya siya at aawayin ni misis?
Well, anyway, si [insert name of poging politician here] ay gwapo at mukhang malinis; dating nasa isang paksiyon ng oposisyon pero kailan lang ay lumipat sa isa pang paksiyon ng mga oposisyon at may planong tumakbong senador.
Hindi siya tunay na tiga-Luzon at hindi siya tunay na tiga-Visayas. Pero sa nakita ko, masasabi kong isa siyang tunay na mahilig (sa legs).
The Long View: Moderate your greed
1 week ago
19 comments:
beys ba ko? hehe..
mahilig sa legs?
hmmm...aba teka...hnd ako makarelate..
:lol:
wala po bang clue?? hehe. wala kong ide kung sino un eh. tsktsk.
ps. sabi ko sa sarili ko nung nabasa ko ang "siyetehan" sa dashboard ko, "parang kilala ko 'to ha." hahaha ngayon hindi na ko sigurado @_@
@sows: haha, mabuti at hindi ka maka-relate. takip ka ng mata mo.
@tsenn: wala nang ibang clue kasi baka makasuhan ako ng libelo. :D
ahahaha pekpek short ang tawag ko don!
mahilig pala si poging politician sa legs,hehehe ano nga kaya ang eksena kung nahuli sya ni mrs don?
Wala man lang pix nung legs? lolzz
Matindi rin tong si politician ano? kasama na si esmi eh natingin pa sa iba hehehe
eh di napatingin ka rin sa legs???
ayus ba? maka-agaw pansin ba talaga si lady in "pwekpwek" shorts?
iniisip ko pa ung politician.. pero kase sabi mo gwapo...hmmmmm....
___________________
(2nd place ka pala sa Saranggola Blog Awards... congrats!)
hehe! akala ko artista lang ang merong blind item, politiko din pala.
Depende siguro sa misis. Kasi, mrs ko okay lang sa kanya kung gumagala ang mata ko sa iba. Kung minsan nga, sya pa yung nag tuturo, as in "Di, tingnan mo yun o, ang haba ng legs at ang laki ng hinaharap". Alam nya kasing paghanga lang yun at sya lang ang my wan and only.
Napahalakhak naman ako sa nyort nyort. Hahahaha. :))
Pwede ka na pala pumalit kay Cristy Fermin. Pang blind item hehe. Pero wala akong ka aydi-idea dahil hindi ako mahilig sa politika kaya wala ako masyadong kilalang pulitiko. Pero hula ko lalake yan. May misis eh. Toinks.
@p0kw4ng: oo, meron ngang mga iba na ganun ang tawag sa nyort nyort na yun.
@lord cm: hehe, hindi ko na piktyuran dahil baka biglang sumingit si [insert name of poging politico here] sa picture. alam mo naman, pag ganitong panahon eh mahilig magpa picture ang mga politico.
@azel: hehe, may konek sa isang "public university" itong si [insert name of poging politico here]
salamat pala, oo, 2nd place ako pero sayang at di ako nakapunta sa awards night dahil kinailangan kong umuwi sa prabins.
@blogusvox: haha, oo, may mga blind items din ang mga politicians, baka nga mas marami pang items sa kanila kaysa sa mga artista eh.
@vajarl: magaling ang hula mo. hehe. lalaki nga. paano mo nahulaan?
sirit na ko! sino ba yan? :-)
hahahaha natawa naman ako sa legs legs na taytol, parang da who lang ang datingan, sino ba naman kasing lalake ang hindi mahihilig sa legs, siguro si loren legarda yan... nyhahahahaha...
romeo of roomboy1987.wordpress.com
hmmm... sino kaya ang politician na ito? dapat mas marami kang clue kasi di namin mahulaan eh... :-(
alam ko! alam ko! si adel tamano! di ba di ba? dating united opposition lumipat ng nationalista. gwapo, may asawa, taga mindanao at muslim. at modelo ng belo, o san ka pa? :P
at base sa isa pang clue sa taas, pangulo ng PLM! :P
hoist, deejay! wag kang maingay!!!
eskandaloso ka!!!
:D
salamat sa pagbisita sa haybol ko.
Hagibis ang dating..
ako rin, madalas napapatingin sa mga ganun..
lalu na sa mga mall..malikot ang mga mata ko eh.
he he he
Post a Comment