May Bago Akong Starex

Wednesday, January 19, 2011 ·

May bago akong sasakyan, Starex!!!!

Ang sarap pakinggan, 'no? At hindi lang yan, may tumataginting din akong cold cash na 300,000 pesosesoses.

Ganito kasi 'yun.

Nung January 19, mga alas nuebe ng umaga, may natanggap akong text message mula sa isang taong hindi ko kilala.

Ang sabi sa message, "Congratulations! U have won 300K Pesos+Starex Van, ur Sim# as a homepartner last Nov.16, 2010 for info: Call ds no: 09324418528 Dir: Allan Yap of Phil:Com.Center."

Dahil sa sobrang tuwa, nagreply ako agad, ang sabi ko, "Yehey!"

Ayun, hindi na nagreply si mokong.


**********

Laganap ang mga text scams. Mayroong mga nanghihingi ng load, may nagsasabi na nanalo ka ng ganito at ganyan, mayroon naman na entitled ka daw sa ganitong insurance o educational plan at kailangang ma-claim mo na agad ang premyo dahil baka mag-expire ang winnings mo.

May ilang beses na rin akong tumawag sa customer service ng mga telecom providers para magreklamo ng mga text scammers. Yun nga lang ay talagang napakaliit ng tsansa na maparusahan ang sinumang gumagawa ng ganitong mga kalokohan dahil hindi naman rehistrado ang mga prepaid subscribers nila.

Siguro nga ay nararapat lang na maipatupad ang batas na i-require ang registration ownership maging ng mga prepaid subscribers.

May ilang paraan upang makaiwas sa mga Text Scams, ayon sa website ng DTI-NCR:

• Kung wala ka namang sinalihan na promo, napakaliit ng posibilidad na ikaw ay nanalo ng isang malaking premyo.
• Ang mga nananalo ng malaking premyo sa isang promo ay pinapadalhan ng sulat o telegrama upang sabihin na sila ay nanalo at hindi sa pamamagitan ng text message lamang.
• Huwag basta-basta magbigay ng mahalagang impormasyon tungkol sa iyong sarili gaya ng address sa bahay at opisina, pangalan, at lalong-lalo na ang bank account number na diumano ay gagamitin "for verification."
• Lalong huwag magdeposito ng pera sa isang bank account number at huwag magpadala ng prepaid load na diumano ay para sa "tax" ng inyong premyo.

Maaari ring makipag-ugnayan sa DTI Direct Hotline: 751-3330.

2 comments:

Dinah said...
Thu Jan 20, 01:29:00 AM  

ha ha, congrats! dalawa na kayo ng asawa ko na nanalo ;-)

tinawagan ko naman nung nakareceive ako ng reply kasi Sun ang number nya. aba ay hindi sinagot ;-( sayang!

poks said...
Sun Jan 23, 08:29:00 AM  

ahahahaha congrats naman! pasakay sa iyong starex ha!

daming ganyang kalokohan talaga...sa sobrang talino na ng mga pinoy..ahahaha

Post a Comment

PEBA NOMINEE

Siyetehan Supports PEBA



Siyetehan Wins

Philippine Blog Awards

Topics