It was otherwise a lazy afternoon when suddenly I saw a tweet from a media outfit announcing that a bomb has just exploded inside a passenger bus along EDSA-Buendia on January 25, 2011.
Minutes later, several other tweets appeared and confirmed the incident.
I posted the bomb explosion news update on my other blog to let my (very few) followers know of what has just happened. Interestingly after several minutes, my blog post brought in a lot of traffic on my site, and the once inactive blog has got itself at least 600 visitors in just a few hours.
If there's one truth that we can get from the above situation, it is that 'blogging has evolved itself from just a personal diary into a source of important information'.
Given that, the time has come when bloggers and online article writers are now being called to become more responsible in what they write and what they put in their respective blogs.
Such same sentiment has also been the subject of intrigue, buzz and debate the previous week because of a Sunday Inquirer Article by Margaux Salcedo (Please Don't Give Blogging a Bad Name), wherein she pointed out that bloggers are now being used (knowingly or unknowingly) by PR Firms to 'extort' money from prospective clients.
A PR firm, Margaux exposes, asks money from a Restaurant owner, in exchange for either giving good reviews about the restuarant's food; or in exchange for not giving bad reviews.
Today, blogging is not just a sympathetic friend who absorbs our heartaches, rants, and thoughts about our life. Blogging has become a very powerful tool that will allow us to either say truth or lie.
The choice is ours.
On Responsible Blogging
May Bago Akong Starex
May bago akong sasakyan, Starex!!!!
Ang sarap pakinggan, 'no? At hindi lang yan, may tumataginting din akong cold cash na 300,000 pesosesoses.
Ganito kasi 'yun.
Nung January 19, mga alas nuebe ng umaga, may natanggap akong text message mula sa isang taong hindi ko kilala.
Ang sabi sa message, "Congratulations! U have won 300K Pesos+Starex Van, ur Sim# as a homepartner last Nov.16, 2010 for info: Call ds no: 09324418528 Dir: Allan Yap of Phil:Com.Center."
Dahil sa sobrang tuwa, nagreply ako agad, ang sabi ko, "Yehey!"
Ayun, hindi na nagreply si mokong.
Laganap ang mga text scams. Mayroong mga nanghihingi ng load, may nagsasabi na nanalo ka ng ganito at ganyan, mayroon naman na entitled ka daw sa ganitong insurance o educational plan at kailangang ma-claim mo na agad ang premyo dahil baka mag-expire ang winnings mo.
May ilang beses na rin akong tumawag sa customer service ng mga telecom providers para magreklamo ng mga text scammers. Yun nga lang ay talagang napakaliit ng tsansa na maparusahan ang sinumang gumagawa ng ganitong mga kalokohan dahil hindi naman rehistrado ang mga prepaid subscribers nila.
Siguro nga ay nararapat lang na maipatupad ang batas na i-require ang registration ownership maging ng mga prepaid subscribers.
May ilang paraan upang makaiwas sa mga Text Scams, ayon sa website ng DTI-NCR:
• Kung wala ka namang sinalihan na promo, napakaliit ng posibilidad na ikaw ay nanalo ng isang malaking premyo.
• Ang mga nananalo ng malaking premyo sa isang promo ay pinapadalhan ng sulat o telegrama upang sabihin na sila ay nanalo at hindi sa pamamagitan ng text message lamang.
• Huwag basta-basta magbigay ng mahalagang impormasyon tungkol sa iyong sarili gaya ng address sa bahay at opisina, pangalan, at lalong-lalo na ang bank account number na diumano ay gagamitin "for verification."
• Lalong huwag magdeposito ng pera sa isang bank account number at huwag magpadala ng prepaid load na diumano ay para sa "tax" ng inyong premyo.
Maaari ring makipag-ugnayan sa DTI Direct Hotline: 751-3330.
Charity
Alanganin na kami ng kapatid ko kung makakauwi pa kami sa Licab. Medyo dis-oras na kasi ng gabi at hindi namin alam kung may biyaheng jeep pa bang daraan pauwi sa aming bayan.
Madalas kaming ganoon, naghahabol sa oras. Dapat kasi'y nasa Sicsican, Talavera na kami bago pa sumapit ng 6:30 ng gabi. Kung hindi, malamang eh hindi na namin maabot ang last trip na nanggagaling sa Cabanatuan City.
Nasa dulong bayan ng Nueva Ecija ang Licab, at dahil hindi naman sadyang progresibo pa noong mga 1990's eh hindi 24 hours ang biyahe ng mga sasakyan. Katunayan, kahit ngayon na makalipas ang lagpas 20 taon ay ganoon pa rin- kapag sumapit ang alas-otso ng gabi ay halos wala nang mga taong naglipana sa kalsada.
Iniisip na rin namin na bumalik na lang sa boarding house na tinutuluyan namin sa loob ng CLSU campus at kinabukasan na lang umuwi nang may pumaradang tricycle sa aming pinag-aantayan.
"Baka me'rong tiga-Licab diyan? Sumakay na kayo dito!", sigaw ng driver ng tricycle.
Pamilyar sa amin ang mukha nung driver, miyembro ng isang kilalang sekta ng relihiyon at nangungupahan sa bahay na pinarerentahan ng kamag-anak namin.
"Ayos", sa loob-loob namin, dahil makakauwi rin kami, sa wakas.
Tatlo kaming pasaherong sumakay sa loob ng tricycle; samantalang yung asawa ng driver eh lumipat na lang sa likod na upuan ng motor.
Malayu-layo rin ang biyahe. Kung tinatakbo ng jeep ang Sicsican-Licab sa loob ng treinta minutos, sa tricycle siguro eh umabot kami ng mga kuwarenta'y singko minutos. Pero ayos lang, ang importante ay nakauwi at natutuwa kami na may mga taong katulad nila na nagmagandang-loob na isakay kami pauwi ng Licab.
"Tabi na lang po", sabi ko nang matanaw na namin ang bakod ng bahay namin.
"Salamat po", banggit ng kapatid ko matapos naming bumaba ng tricycle.
"Anong salamat?!", sabing pagalit ng driver. "Magbayad naman kayo!"
At kami'y natulala.
Mero'ng Matino?
"Mero'ng Matino?", tanong nang driver ng jeep na nasakyan ko kaninang umaga.
Nagulat ako sa tanong at tinitingnan ko ang reaksiyon ng mga kapwa ko pasahero pero wala rin namang umiimik.
"Wala? Walang Matino?", muling tanong ng driver.
Mangani-ngani na talaga akong sumagot ng "Ako! Ako, Matino!", pero bigla kong naalala na pangalan pala ng kalye ang ibig niyang sabihin, at tinatanong niya kung may bababang pasahero sa 'Matino' Street.
Kalye sa Quezon City ang Matino Street, karatig-kalye ng Maginoo, Matapat, Matiyaga, Matimpiin, at Mapagbigay.
Sadyang creative talaga ang mga Pinoy pagdating sa pagpapangalan ng mga kalye at lugar sa bansa.
May mga kalye na nakapangalan sa mga bayani (Rizal Avenue, Boni Avenue, Aguinaldo Hi-way, Juan Luna Street).
Mayroon naman na hango sa mga tanyag na tao (Taft Ave [William Howard Taft]., Kalaw, Roxas Blvd., EDSA [Epifanio Delos Santos Avenue], Macapagal Blvd., Ortigas).
May galing sa puno, halaman at bulaklak (Lily St., Rose St., Kamias, Santol, Camia, Balete Drive).
Meron ding hango naman sa mga karakter ng nobela (Sisa, Basilio, P. Faura, P. Salvi, Ibarra, Maria Clara).
Kung bakit at kung paanong pinapangalanan ang mga kalye at lugar sa bansa ay paniguradong may mga dahilan, lalo't higit, iyong mga kalye na main avenues, o pangunahing daanan sa Pilipinas. Katunayan, minsan ay nakapag-post na rin ako ng isang article na patungkol sa planong pagpapalit ng pangalan ng Central Avenue pabor sa pangalan ng isang kilalang religious leader.
Pag-asa.
Ito rin siguro ang dahilan kung bakit nagpupumilit ang ilan sa ating mga kababayan na baguhin ang pangalan ng bansang Pilipinas (mula kay King Philip of Spain na siyang sumakop sa ating bayan noong 1560s). Kaya raw siguro tayo hindi umuusad bilang isang maunlad na bansa ay dahil sa nakapangalan pa rin tayo mula sa mga mananakop. Wala raw tayong sariling pagkakakilanlan; at isa pa'y ipinangalan raw tayo sa isang hari na anila ay tamad at hindi mabuting lider sa kanyang nasasakupan.
Nasa mga namumuno at nasa mga mamamayan ang susi upang maging maunlad ang bayan. Gaano man kaganda at kaaya-aya ang ngalan ng ating bansa, kundi naman matino at maayos ang pagpapalakad ng gobyerno, at hindi nakikiisa ang mga mamamayan sa ating mga adhikain, magpapatuloy tayong mahirap at walang sariling pagkakakilanlan.
Dailies
On My League
- Business Review
- HayMen
- Semidoppel
- Mountain Top Experience
- LordCM
- Going Against The Current
- Interstellar Gateway
- P0kw4ng
- Kaspangarigan
- Carlo Dimaandal
- Llama's Journal
- Movie Reviews
- A-Z-E-L
- To Be, To Be. Tutubi
- Batang Late
- Badong
- Bernard Umali
- Cebu Image
- Isang Panata
- Precious
- The Lady In Green Ruffles