Change

Wednesday, June 30, 2010 · 2 comments

Siyetehan is one with the entire nation in congratulating our President-elect Benigno Simeon " Noynoy" Aquino III and Vice President-elect Jejomar "Jojo" Binay who were inaugurated yesterday, June 30, 2010 at the Quirino Grandstand, Rizal Park, Manila.

May our newly-elected officials initiate change in upholding good governance for the country.

Mabuhay kayo, at Mabuhay ang Pilipinas!


(Full text of the Inaugural Address of President Benigno C. Aquino III, June 30, 2010, Quirino Grandstand)

His Excellency Jose Ramos Horta, Former President Fidel V. Ramos, Former President Joseph Estrada, Senate President Juan Ponce Enrile and members of the Senate, House Speaker Prospero Nograles and members of the House, justices of the Supreme Court, members of the foreign delegations, Your Excellencies of the diplomatic corps, fellow colleagues in government, aking mga kababayan.

Ang pagtayo ko dito ngayon ay patunay na kayo ang aking tunay na lakas. Hindi ko inakala na darating tayo sa puntong ito, na ako’y manunumpa sa harap ninyo bilang inyong Pangulo. Hindi ko pinangarap maging tagapagtaguyod ng pag-asa at tagapagmana ng mga suliranin ng ating bayan.

Ang layunin ko sa buhay ay simple lang: maging tapat sa aking mga magulang at sa bayan bilang isang marangal na anak, mabait na kuya at mabuting mamamayan.

Nilabanan ng aking ama ang diktaturya at ibinuwis niya ang kanyang buhay para tubusin ang ating demokrasya. Inalay ng aking ina ang kanyang buhay upang pangalagaan ang demokrasyang ito. Ilalaan ko ang aking buhay para siguraduhin na ang ating demokrasya ay kapaki-pakinabang sa bawat isa. Namuhunan na kami ng dugo at handang gawin itong muli kung kinakailangan.

Tanyag man ang aking mga magulang at ang kanilang mga nagawa, alam ko rin ang problema ng ordinaryong mamamayan. Alam nating lahat ang pakiramdam na magkaroon ng pamahalaang bulag at bingi. Alam natin ang pakiramdam na mapagkaitan ng hustisya, na mabalewala ng mga taong pinagkatiwalaan at inatasan nating maging ating tagapagtanggol.

Kayo ba ay minsan ring nalimutan ng pamahalaang inyong iniluklok sa puwesto? Ako rin. Kayo ba ay nagtiis na sa trapiko para lamang masingitan ng isang naghahari-hariang de-wangwang sa kalsada? Ako rin. Kayo ba ay sawang-sawa na sa pamahalaang sa halip na magsilbi sa taumbayan ay kailangan pa nila itong pagpasensiyahan at tiisin? Ako rin.

Katulad ninyo ako. Marami na sa atin ang bumoto gamit ang kanilang paa—nilisan na nila ang ating bansa sa kanilang paghahanap ng pagbabago at katahimikan. Tiniis nila ang hirap, sinugod ang panganib sa ibang bansa dahil doon may pag-asa kahit kaunti na dito sa atin ay hindi nila nakikita. Sa iilang sandali na sarili ko lang ang aking inaalala, pati ako ay napag-isip din—talaga bang hindi na mababago ang pamamahala natin dito? Hindi kaya nasa ibang bansa ang katahimikang hinahanap ko? Saan ba nakasulat na kailangang puro pagtitiis ang tadhana ng Pilipino?

Ngayon, sa araw na ito—dito magwawakas ang pamumunong manhid sa mga daing ng taumbayan. Hindi si Noynoy ang gumawa ng paraan, kayo ang dahilan kung bakit ngayon, magtatapos na ang pagtitiis ng sambayanan. Ito naman ang umpisa ng kalbaryo ko, ngunit kung marami tayong magpapasan ng krus ay kakayanin natin ito, gaano man kabigat.

Sa tulong ng wastong pamamahala sa mga darating na taon, maiibsan din ang marami nating problema. Ang tadhana ng Pilipino ay babalik sa tamang kalagayan, na sa bawat taon pabawas ng pabawas ang problema ng Pinoy na nagsusumikap at may kasiguruhan sila na magiging tuluy-tuloy na ang pagbuti ng kanilang sitwasyon.

Kami ay narito para magsilbi at hindi para maghari. Ang mandato ninyo sa amin ay pagbabago—isang malinaw na utos para ayusin ang gobyerno at lipunan mula sa pamahalaang iilan lamang ang nakikinabang tungo sa isang pamahalaang kabutihan ng mamamayan ang pinangangalagaan.
Ang mandatong ito ay isa kung saan kayo at ang inyong pangulo ay nagkasundo para sa pagbabago—isang paninindigan na ipinangako ko noong kampanya at tinanggap ninyo noong araw ng halalan.

Sigaw natin noong kampanya: “Kung walang corrupt, walang mahirap.” Hindi lamang ito pang slogan o pang poster—ito ang mga prinsipyong tinatayuan at nagsisilbing batayan ng ating administrasyon.

Ang ating pangunahing tungkulin ay ang magsikap na maiangat ang bansa mula sa kahirapan, sa pamamagitan ng pagpapairal ng katapatan at mabuting pamamalakad sa pamahalaan.

Ang unang hakbang ay ang pagkakaroon ng tuwid at tapat na hanay ng mga pinuno. Magsisimula ito sa akin. Sisikapin kong maging isang mabuting ehemplo. Hinding-hindi ko sasayangin ang tiwalang ipinagkaloob ninyo sa akin. Sisiguraduhin ko na ganito rin ang adhikain ng aking Gabinete at ng mga magiging kasama sa ating pamahalaan.

Naniniwala akong hindi lahat ng nagsisilbi sa gobyerno ay corrupt. Sa katunayan, mas marami sa kanila ay tapat. Pinili nilang maglingkod sa gobyerno upang gumawa ng kabutihan. Ngayon, magkakaroon na sila ng pagkakataong magpakitang-gilas. Inaasahan natin sila sa pagsupil ng korapsyon sa loob mismo ng burukrasya.

Sa mga itinalaga sa paraang labag sa batas, ito ang aking babala: Sisimulan natin ang pagbabalik ng tiwala sa pamamagitan ng pag-usisa sa mga “midnight appointments.” Sana ay magsilbi itong babala sa mga nag-iisip na ipagpatuloy ang baluktot na kalakarang nakasanayan na ng marami.
Sa mga kapuspalad nating mga kababayan, ngayon, ang pamahalaan ang inyong kampeon.

Hindi natin ipagpapaliban ang mga pangangailangan ng ating mga estudyante, kaya’t sisikapin nating punan ang kakulangan sa ating mga silid-aralan.

Unti-unti din nating babawasan ang mga kakulangan sa imprastraktura para sa transportasyon, turismo at pangangalakal. Mula ngayon, hindi na puwede ang “puwede na” pagdating sa mga kalye, tulay at gusali dahil magiging responsibilidad ng mga kontratista ang panatilihing nasa mabuting kalagayan ang mga proyekto nila.

Bubuhayin natin ang programang “emergency employment” ng dating Pangulong Corazon Aquino sa pagtatayo ng mga bagong imprastraktura na ito. Ito ay magbibigay ng trabaho sa mga local na komunidad at makakatulong sa pagpapalago ng kanila at ng ating ekonomiya.

Hindi kami magiging sanhi ng inyong pasakit at perwisyo. Palalakasin natin ang koleksyon at pupuksain natin ang korapsyon sa Kawanihan ng Rentas Internas at Bureau of Customs para mapondohan natin ang ating mga hinahangad para sa lahat, tulad ng:

Dekalidad na edukasyon, kabilang ang edukasyong bokasyonal para makapaghanap ng marangal na trabaho ang hindi makapag-kolehiyo.

Serbisyong pangkalusugan, tulad ng Philhealth para sa lahat sa loob ng tatlong taon.

Tirahan sa loob ng mga ligtas na komunidad.

Palalakasin at palalaguin natin ang bilang ng ating kasundaluhan at kapulisan, hindi para tugunan ang interes ng mga naghahari-harian, ngunit para proteksyunan ang mamamayan. Itinataya nila ang kanilang buhay para mayroong pagkakataon sa katahimikan at kapayapaan sa sambayanan. Dumoble na ang populasyong kanilang binabantayan, nanatili naman sila sa bilang. Hindi tama na ang nagmamalasakit ay kinakawawa.

Kung dati ay may fertilizer scam, ngayon ay may kalinga na tunay para sa mga magsasaka. Tutulungan natin sila sa irigasyon, extension services at sa pagbenta ng kanilang produkto sa pinakamataas na presyong maaari.

Inaatasan natin si papasok na Kalihim Alcala na magtayo ng mga trading centers kung saan diretso na ang magsasaka sa mamimili—lalaktawan natin ang gitna, kasama na ang kotong cop. Sa ganitong paraan, ang dating napupunta sa gitna ay maari nang paghatian ng magsasaka at mamimili.

Gagawin nating kaaya-aya sa negosyante ang ating bansa. We will cut red tape dramatically and implement stable economic policies. We will level the playing field for investors and make government an enabler, not a hindrance, to business. Sa ganitong paraan lamang natin mapupunan ang kakulangan ng trabaho para sa ating mga mamamayan.

Layunin nating paramihin ang trabaho dito sa ating bansa upang hindi na kailanganin ang mangibang-bansa para makahanap ng trabaho. Ngunit habang ito ay hindi pa natin naaabot, inaatasan ko ang mga kawani ng DFA, POEA, Owwa at iba pang mga kinauukulang ahensiya na mas lalo pang paigtingin ang pagtugon sa mga hinaing at pangangailangan ng ating mga overseas Filipino workers.

Papaigtingin namin ang proseso ng konsultasyon at pag-uulat sa taumbayan. Sisikapin naming isakatuparan ang nakasaad sa ating Konstitusyon na kinikilala ang karapatan ng mamamayan na magkaroon ng kaalaman ukol sa mga pampublikong alintana.

Binuhay natin ang diwa ng people power noong kampanya. Ipagpatuloy natin ito tungo sa tuwid at tapat na pamamahala. Ang naniniwala sa people power ay nakatuon sa kapwa at hindi sa sarili.

Sa mga nang-api sa akin, kaya ko kayong patawarin, at pinapatawad ko na kayo. Sa mga nang-api sa sambayanan, wala akong karapatan na limutin ang inyong mga kasalanan.

To those who are talking about reconciliation, if they mean that they would like us to simply forget about the wrongs that they have committed in the past, we have this to say: There can be no reconciliation without justice. Sa paglimot ng pagkakasala, sinisigurado mong mauulit muli ang mga pagkakasalang ito. Secretary De Lima, you have your marching orders. Begin the process of providing true and complete justice for all.

Ikinagagalak din naming ibahagi sa inyo ang pagtanggap ni dating Chief Justice Hilario Davide sa hamon ng pagtatatag at pamumuno sa isang Truth Commission na magbibigay linaw sa maraming kahinahinalang isyu na hanggang ngayon ay walang kasagutan at resolusyon.
Ang sinumang nagkamali ay kailangang humarap sa hustisya. Hindi maaaring patuloy ang kalakaran ng walang pananagutan at tuloy na pang-aapi.

My government will be sincere in dealing with all the peoples of Mindanao. We are committed to a peaceful and just settlement of conflicts, inclusive of the interests of all—may they be Lumads, Bangsamoro or Christian.

We shall defeat the enemy by wielding the tools of justice, social reform and equitable governance leading to a better life. Sa tamang pamamahala, gaganda ang buhay ng lahat, at sa buhay na maganda, sino pa ang gugustuhing bumalik sa panahon ng pang-aapi?

Kung kasama ko kayo, maitataguyod natin ang isang bayan kung saan pantay-pantay ang pagkakataon, dahil pantay-pantay nating ginagampanan ang ating mga pananagutan.

Kamakailan lamang, ang bawat isa sa atin ay nanindigan sa presinto. Bumoto tayo ayon sa ating karapatan at konsensiya. Hindi tayo umatras sa tungkulin nating ipaglaban ang karapatang ito.
Pagkatapos ng bilangan, pinatunayan ninyo na ang tao ang tunay na lakas ng bayan.

Ito ang kahalagahan ng ating demokrasya. Ito ang pundasyon ng ating pagkakaisa.

Nangampanya tayo para sa pagbabago. Dahil dito taas-noo muli ang Pilipino. Tayong lahat ay kabilang sa isang bansa kung saan maaari nang mangarap muli.

To our friends and neighbors around the world, we are ready to take our place as a reliable member of the community of nations, a nation serious about its commitments and which harmonizes its national interests with its international responsibilities.

We will be a predictable and consistent place for investment, a nation where everyone will say, “it all works.”

Inaanyayahan ko kayo ngayon na manumpa sa ating mga sarili, sa sambayanan, WALANG MAIIWAN.

Walang pangingibang-bayan at gastusan na walang wastong dahilan. Walang pagtatalikod sa mga salitang binitawan noong kampanya, ngayon at hanggang sa mga susunod pang pagsubok na pagdadaanan sa loob ng anim na taon.

Walang lamangan, walang padrino at walang pagnanakaw. Walang wangwang, walang counterflow, walang tong. Panahon na upang tayo ay muling magkawang-gawa.

Nandito tayo ngayon dahil sama-sama tayong nanindigan at nagtiwala na may pag-asa.

The people who are behind us dared to dream. Today, the dream starts to become a reality. Sa inyong mga nag-iisip pa kung tutulong kayo sa pagpasan ng ating krus, isa lang ang aking tanong—kung kailan tayo nanalo, saka pa ba kayo susuko?

Kayo ang boss ko, kaya’t hindi maaaring hindi ako makinig sa mga utos ninyo. We will design and implement an interaction and feedback mechanism that can effectively respond to the people’s needs and aspirations.

Kayo ang nagdala sa akin sa puntong ito—ang ating mga volunteers—matanda, bata, celebrity, ordinaryong tao, na umikot sa Pilipinas para ikampanya ang pagbabago; ang aking mga kasambahay na nag-asikaso ng lahat ng aking mga personal na pangangailangan; ang aking pamilya, kaibigan at katrabaho na dumamay, nag-alaga at nagbigay ng suporta sa akin; ang ating mga abogado na nagpuyat para bantayan ang ating mga boto at siguraduhing mabibilang ang bawat isa; ang aking mga kapartido at kaalyado na kasama kong nangahas mangarap; at ang milyun-milyong Pilipinong nagkaisa, nagtiwala at hindi nawalan ng pag-asa—nasa inyo ang aking taus-pusong pasasalamat.

Hindi ko makakayang harapin ang aking mga magulang, at kayong mga nagdala sa akin sa yugto ng buhay kong ito, kung hindi ko maisasakatuparan ang aking mga binitawang salita sa araw na ito.

My parents sought nothing less and died for nothing less than democracy, peace and prosperity. I am blessed by this legacy. I shall carry the torch forward.

Layunin ko na sa pagbaba ko sa katungkulan, masasabi ng lahat na malayo na ang narating natin sa pagtahak ng tuwid na landas at mas maganda na ang kinabukasang ipapamana natin sa susunod na henerasyon. Samahan ninyo ako sa pagtatapos ng laban na ito. Tayo na sa tuwid na landas.

Maraming salamat po at mabuhay ang sambayanang Pilipino!

Apathy

Sunday, June 27, 2010 · 0 comments

• After several years of following up and commenting on the columns of The Filipino Voices, I feel the lack of interest in returning to their website simply because I found out that now, the site is only for (Selected) Filipino Voices only. They started to moderate people's comments and it seems to me that they only get to approve comments made by regular columnists. Thus, the common people's voices is not bothered anymore. Many thanks, and salute, though, goes to Nick of Tingog.com for putting up such an informative site. But then again, it's only for Selected Filipino Voices.


• Away-bati, away-bati, away-bati. C'mon, people! I've had enough of the Kris Aquino-James Yap story! I bet they'd reconcile, anyway.

• Even before the president-elect Noynoy Aquino assumes office on June 30, lots of leftist groups are already doing rallies at Times Street. Many politicians have ressurected (laos na dati, mabango na naman ngayon), various groups are giving unsolicited advise to the president-elect, many congressmen are jumping ship from one party to the Liberal Party (the latest of which is Congressman-elect Manny Pacquiao). Where is change? Or are we just back from the usual cycle of governance?

I hope I am mistaken.

Saying Goodbye

Tuesday, June 22, 2010 · 1 comments



How do you say goodbye
to an out-going
Philippine President?

June 30, 2010: Special Non Working Holiday

Wednesday, June 16, 2010 · 1 comments

Malacañang Palace today confirmed that out-going President Gloria Macapagal-Arroyo has declared June 30, 2010 as a special non-working holiday on the entire country, for the inauguration of president-elect Benigno Simeon "Noynoy" Aquino III as the 15th President of the Philippine Republic.


The Inauguration will be conducted at the Quirino Grandstand in Rizal Park (Luneta).

I-bagsak!!! I-bagsak!!

Wednesday, June 9, 2010 · 4 comments

Imperyalista, I-bagsak!
Kapitalismo, I-bagsak!

Ako: Boss! Boss! Bakit ho kayo nagrarally?

Siya: Ipinaglalaban namin ang karapatan ng mga manggagawang Pilipino! Masyado na tayong sinisikil ng mga negosyanteng naghaharing-uri sa ating bansa (sabay punas ng good morning towel sa pawis na tumatagaktak sa noo)!

Ako: Ano ho bang idinadaing nyo ngayon?

Siya: Hindi makatarungan ang umentong P22 wage increase na inaprubahan ng Pamahalaan!

Ako: Bakit? Ayaw nyo po ba ng increase sa sweldo?

Siya: Hindi katanggap-tanggap ang P22 na itataas ng sweldo! Dapat dito'y at least P150 na accross the board ang itinaas ng sweldo. Wala nang makain ang mga pangkaraniwang empleyadong nagtityaga na lang sa noodles araw-araw!

Ako: Eh paano naman po yung mga negosyante? Hindi ba sila malulugi sa taas ng hinihingi ninyong dagdag-pasahod?

Siya: Ang mga mahihirap patuloy na naghihirap! Ang mga mayayamang negosyante na yan lang ang patuloy na yumayaman dito sa Pilipinas! Sila ang nagpapakasasa sa lakas at talento ng mga manggagawa, samantalang hindi naman makatikim ng kaginhawahan ang mga taong maliliit!

Ako: Yumayaman pala ang mga negosyante, eh bakit hindi na lang kayo magnegosyo?

Siya: Pangkain nga, hirap kami eh. Saan ako kukuha ng kapital?

Ako: Bakit wala kayong kapital?

Siya: Dahil nabibilang ako sa mga dukhang pang-araw araw na pantawid-gutom lang ang kayang ipundar!

Ako: Eh bakit po ba kasi kayo mahirap?

Siya: Tumabi ka nga riyan! Ginugulo mo ang demonstrasyon namin!


Imperyalista, I-bagsak!
Kapitalismo, I-bagsak!

Romance In Vegas

Monday, June 7, 2010 · 1 comments

I was watching a local Talk Show on Sunday night when a very romantic-looking place was featured. Apparently, one of the hosts just came from a vacation and he was retelling the beautiful cities and places that he'd been through.

At first, I thought the place being featured was Venice, Italy because the movie clip is showing the beautiful archeologic buildings usually seen in Italy. It also shows that the building is actually surrounded by clear water, and that there are boats that roam around the area. Tourists can get to ride on the boats so they can have a fantastic romantic view of the place.

Indeed, the clip shows how wonderfully romantic the area is; and so I was quite surprised when the host revealed that he is not in Italy, but rather, he is on the Vegas Venetian Hotel in Las Vegas, Nevada. Oh, how my eyes were fooled. But then, a lot of credits must be given to whoever conceptualized the idea of bringing in the romantic scenery of Venice right in the middle of the busy city of Las Vegas.

Further, the host also gave a thorough tour of the wonderful places, the fantastic accommodations, the beautiful rooms, and even the lots of things that you can do when you are in the area. A lot of people will definitely associate Las Vegas with Casino and how one's eyes will feast on the many games available and how one feels about the Vegas nightlife experience, but then, it will be quite foolish not to try riding on the boat, especially with your love partner. It will be a very romantic night should you decide to roam around the area and wonder at the beautiful settings just like you are in the lovely country of Italy.

Of course, a sumptuous candle-lit dinner will cap the day.

Dear Kris Aquino

Sunday, June 6, 2010 · 7 comments

Dear Kris,

I hate to say this. But your brother will perform better if you don't involve yourself in matters of government.

We appreciate you for entertaining us on Philippine television but really, really, a lot of the Filipino people are not in favor of you interfering with how and what the government should do.


During the campaign period, you promised to leave the country in case you become a stumbling block during your brother's presidency. Well, we do remember your promise, Kris, and we await that you fulfill your promise in case it is needed.

Over the past weeks, news came out that your brother is considering your co-host and friend Boy Abunda for a top position in the government. Abunda, however, declined the offer, but a lot of people are wondering why Abunda's name was suddenly picked for the position.

Well, we were not surprised when the news came out on June 6, Sunday, that indeed, you were the one who suggested Abunda for the Department of Tourism position.

Let me end this letter with a question, Kris.

Will you keep your promise?

PEBA NOMINEE

Siyetehan Supports PEBA



Siyetehan Wins

Philippine Blog Awards