Kaiba sa mga nagdaang campaigns, lutang sa ere ng kampanyahan ang mga political colors at signs ng iba't ibang partido.
Kung may dilaw ang Liberal nila Noynoy Aquino at Mar Roxas, berde naman ang kulay nina Gibo Teodoro, Edu Manzano at ng administration candidates.
Habang patuloy na nag-aagawan sina Erap Estrada at Manny Villar sa kulay orange, napagpasyahan naman nina Dick Gordon at Bayani Fernando na dalawang kulay ang gamitin- blue at pink.
Dilaw si Bro. Eddie Villanueva, green naman si Ja-ja-ja-Jamby Madrigal, habang sina Nick Perlas at JC Delos Reyes ay hindi naman masyadong nakikialam sa mga kulay kulay.
Sikat din ngayon ang mga signs. May L o laban sign si Noynoy, may check sign naman si Villar. Letter V si Bro. Eddie, habang nag-uumpugang kamao naman ang tirada ni Gibo. Si Erap, well, ibinabandera pa rin ang kanyang agimat na wristband.
(photo credits here)
Sa araw ng halalan. Ano nga ba ang ating panuntunan sa pagpili ng ibobotong kandidato?
Hindi mahalaga kung ano ang kulay at senyas ng mga kamay. Sa huli, ang karakter at kakayahang mamuno ang dapat nating maging panuntunan sa pagpili.
5 comments:
eh sino na ngayn ang kandidato mo? :)
jusme, sumasakit ang migraine ko.
ok yung picture nakuha yung ibig sabihin...di pa man marami nang bumabaliktad!..he he he
I heard villar even banned the color yellow on one of his malls.
@azel: i'm leaning towards "green".
Post a Comment