History Wan-O-Wan

Wednesday, August 5, 2009 · 2 comments

History 101


This past week has created much happenings in our country that are worth written in the annals of our Philippine history.
**********
Congressman Bongbong Marcos and former Congresswoman Imee Marcos came to the wake of former President Cory Aquino to pay their last tribute. Now, who wouldn't be touched by that 'historic' moment?
Matapos ang ilang dekada ng Marcos vs Aquino family dahil sa pagkamatay ni Ninoy (na ang itinuturing na utak ay ang pamilya Marcos), nagkaharap din finally ang dalawang pamilya. Both camps couldn't say na meron na silang reconciliation, but I am sure, that moment has created a very big impact on our history.
**********
The Aquino family didn't accept Malacañang's offer for a state funeral entitled to former president Cory. Dahil daw sa kanilang 'moral and political differences'.
However, Cory was given full military honors yesterday. Some would say, ano ang difference ng ginawang parangal kay Cory as against a State Funeral. I heard one radio commentator say yesterday,
"Ang kulang lang actually dito, ay iyong hindi siya ibinurol sa Malacañang. But essentially, almost all the details accorded in a State Funeral are there".
**********
For the history- I have never seen such honor and respect given to any Filipino as such was given to Cory yesterday. The outpouring of people lining up in the streets, just waiting to have a glimpse at the former president's final remains is so memorable.
A lot of people are saying that it was just like in 1983 (when Ninoy was killed) and in 1986 (during the EDSA Revolution).
Add the fact na talagang wala ring tigil ang pagbuhos ng ulan maghapon, but that didn't stop the people from participating in the long procession for Cory's burial.
Mahal talaga ng tao si Cory.
**********
Hindi ko alam kung nakakatawa.
Pero naaasiwa ako.
Some TV and radio reporters mistake the name of Cory Aquino to that of President Arroyo.
"Malapit na pong dumaan sa aming harapan ang mga labi ni Pangulong Arroyo".
"At ilang sandali nga lang po ay ihahatid na sa huling hantungan si Pangulong Arroyo".
Slip of the tongue?
**********
Inspired ito sa post na nabasa ko sa kwentong tambay:
kris: pupunta ka ba sa burol?
glo: oo sana kung pwede
kris: pwede naman
kris: e sasama ka ba sa libing ni mom sa wednesday?
glo: oo gusto ko 'yan!
kris: sige pasusukatan na kita ng kabaong.

Manila

Monday, August 3, 2009 · 16 comments

Maraming beses na kitang nilayasan
Iniwanan at iba ang pinuntahan
Parang babaeng mahirap talagang malimutan
Ikaw lamang ang aking laging binabalikan

**********

1996 noong tumuntong ako ng Maynila para mag-aral. 1.50 ang minimum na pamasahe. Takot na takot pa ako noong first time ko na ako na lang ang luluwas galing ng probinsiya.

Basta ang sabi kasi sa akin, bumaba ka ng Camachile. Sumakay ka ng biyaheng Blumentritt, bumaba ka sa Tagaytay sa may Mila's Theater. Pagtawid mo, may sakayan ng byaheng Tagaytay- E. Rodriguez.

Pag nasa E. Rodriguez, kampante na ako sa sarili ko dahil pamilyar na ako sa lugar na iyon. Pero mula sa pagbaba ko ng Camachile hanggang sa bago ako sumakay ng jeep na papuntang E. Rodriguez, talagang kumakabog ang dibdib ko.

Mahigit sampung taon na pala ako sa Maynila. Kung saan-saan na ako napadpad. Hindi na ako promdi. Sanay na ako sa mga kalye, hindi na mawawala kumbaga. Mahigit sampung taon na pala. 7 na ang minimum, wala na halos mabibili ang dating minimum na 1.50.




**********

Ewan ko kung bakit hibang na hibang ang mga tiga-probinsiya na makatuntong ng Maynila. Pangkaraniwan na ang mga kwentong nakipagsapalaran sa Maynila dahil akala nila eh nandito ang ginto at wala sa probinsiya. Ang problema, pagdating dito, wala ring makitang matinong trabaho dahil ang totoo, hindi naman sa lugar makikita at makukuha ang ginto. Mas malaking katotohanan na ang ginto eh nakukuha sa pagtityaga kahit saan ka man naroon, at hindi napupulot lamang sa magulong mundo ng Maynila.

**********


Pero hindi maikakailang may taglay na akit ang Maynila. Maynila kasi ang simbolismo ng kaunlaran. Nandito ang mga uso, nandito ang mga bago. Mga Manileño ang mga trend-setters ng kung ano ang magiging kultura ng buong bansa sa hinaharap.



Ang sabi nga sa kanta eh, kahit na saang bansa o lugar ka man makarating, talagang hahanap-hanapin mo rin ang Maynila.

Ang nakakalungkot lang, kahit na mahal mo ang Maynila, tila ba hindi nito mahal ang kanyang sarili- sa haba ng trapik, sa ingay, sa usok, sa basura, sa mga vandalism, sa mga gulo, away, drugs, at prostitusyon.

Nakakalungkot. Pero kung hindi aaksiyon ang mga mamamayan at ang pamahalaan, tuluyan na ngang mapag-iiwanan ang Maynila.

**********

Hinahanap-hanap kita Manila
Ang ingay mong kay sarap sa tenga
Mga Jeepney mong nagliliparan
Mga babae mong naggagandahan
Take me back in your arms Manila
And promise me you'll never let go
Promise me you'll never let go.......

August 5 A Holiday

Sunday, August 2, 2009 · 0 comments



Malacañang has declared August 5, 2009, Wednesday, a Special Non-Working Holiday in order for the entire nation to pay their respect to former President Corazon Aquino.


Cory died last August 1, 2009 after more than one-year battle with colon cancer.

PEBA NOMINEE

Siyetehan Supports PEBA



Siyetehan Wins

Philippine Blog Awards