Tsinoy Rules

Tuesday, December 8, 2009 ·

Kundi lang talaga kailangan, hindi ako pupunta ng Divisoria. Napilitan lang kaming magpunta ni Misis dahil kailangan naming bumili ng souvenir para sa kasal ni utol.

Dahil nga christmas season na, sobrang dami talaga ng tao. Dito mo talaga mararanasan yung maglalakad ka kahit ayaw mo, dahil sa ayaw at sa gusto mo, itutulak ka ng tao pasulong.

Sa Divisoria, walang mayaman, walang mahirap. Lahat ng tao, pantay-pantay dahil lahat sila, lumalakad sa iisang maputik na daan, nakikisalamuha sa lahat ng tao, kumakain sa pare-parehong foodstand at foodcourt, nakikipagsiksikan, nakikipagtawaran.

**********

Inabot din kami ng halos isang oras papunta sa may Adora kung saan kami umorder ng souvenir.

At dahil nasa Divisoria na rin lang kami, nagpunta na rin kami sa 168 Mall para tumingin ng christmas gifts para sa office at para sa mga inaanak.

Ngayon ko lang halos naintindihan kung bakit napakaraming tao ang nagpupunta sa Divisoria araw-araw (lalong lalo na kapag christmas season). Napatunayan ko na kung may isang bagay kang gustong makita o mabili, pumunta ka sa Divisoria.

Nagkalat ang prutas tulad ng mansanas, kiat-kiat, ponkan at ubas.

May damit para kay baby, may shorts para kay daddy, may bestida para kay mommy, may pajama para kay lolo, may duster para kay lola.

Hindi magkamayaw ang mga nagtitinda ng parol, mug, swiss knife, flashlight, office supplies, memo pad, relo, laruan, payong, lahat! makikita mo. Dito siguro mag a-apply yung sinabi nila na "Makikita mo ang hinahanap mo!".

Kapansin-pansin din ang mga China phone na kaparehong-kapareho ng mga original. Dati nang may immitation ng Nokia phones, pero noong Sabado lang ako nakakita ng immitation ng Samsung, Blackberry, Sony Ericson at iPhone. Daig pa nila ang original, dahil ang China phones, may TV! Noong Sabado, may bago pa silang ino-offer, dahil may mga telepono na raw sila na Wi-Fi Ready. Sa'n ka pa?

**********

Pinay ang mga saleslady. Sila yung mga tumatawag at nagsasabi ng 'Ano po'ng hanap nyo Sir?', 'Pili na po', 'Cellphone po ba? Ano'ng unit po?'

At sa loob ng bawat tindahan, sumilip ka at makakakita ka ng among Intsik.

Maraming pure chinese. Pero karamihan, Tsinoy.


**********
Tsinoy, o Pintsik, sila yung mga cross breed na ng Pinoy at Intsik. Mga simpleng tao lang, mga simpleng manamit, pero siguro, walang sasalungat kung sasabihin kong sila ang nagmamay ari ng Divisoria.
Dahil sila ang may ari ng business, sila ang kumikita. Ang mga pobreng pinoy (na kargador) at pinay (na saleslady), umaasa sa arawang suweldo.
**********
May napili kaming items. 45 pesos ata ang isa. Kung bultuhan, 35.
Sabi namin, 30 pesos na lang, dahil 40 pcs naman ang bibilhin namin.
Sabi nung Intsik, "kung 30 pesos nyo bibilhin, wala kaming 40 piraso. Pero kung 35 pesos nyo bibilhin, meron makukuha sa bodega".

12 comments:

p0kw4ng said...
Tue Dec 08, 11:51:00 AM  

ahahaha panalo ang sinabi ng intsik! masarap nga mamili dyan..lahat makikita mo sa murang presyo...ang di ko lang talaga kaya eh ang siksikan ng tao..ang arte ko lang!

A-Z-3-L said...
Tue Dec 08, 09:43:00 PM  

natawa ako sa stategy ng chinese na un ah!

masyado ka kaseng kuripot! nuknukan ka ng kuripot joy! hahahahaha!

in peyrnes, namiss ko ang divisoria. jan ako namimili ng lobo at mga ginagamit ni mommy sa paggawa ng cake. miss kong makipagsiksikan.

masarap mamili jan, lalo pa't ang isang katulad ko ang magtatanong kung magkano! ala eh! magkakamukha kaya kami ng may-ari! (salamat Lord sa singkit kong mga mata!)

Anonymous said...
Wed Dec 09, 01:25:00 AM  

haha may bayad ba pati paghakbang niya papuntang bodega..:)

andmi nga tao diyan, parang alon lang na nadadala ka kahit nakastop ka. bawal nga huminto diyan eh kundi maapakan ka.hehe

Badong said...
Wed Dec 09, 05:22:00 AM  

haha! napahalakhak naman ako dun sa sinabi ng intsik. idol!

siyetehan said...
Wed Dec 09, 08:47:00 PM  

@ p0kw4ng: siksikan as in. hindi mo na alam kung sino ang nahawa ang amoy kanino. hehe. ingat lang dun sa mamang nakasando na tagaktak ang pawis.

@azel: oy, azel, hindi ka mukhang chinese. para kang japanese. :D

siyetehan said...
Wed Dec 09, 08:52:00 PM  

@modernong lapis: sulit naman kasi kapag nagpunta ka dahil marami ka talagang murang bilihin na makikita.

@badong: ibang klase si tsinoy. bisnis mayndid talaga

Glampinoy said...
Thu Dec 10, 05:55:00 AM  

First time to visit...

Kahit sawang-sawang na akong pumunta sa Divisoria ay pinipilit ko pa ring pumunta doon kasi doon ang mura. Twice a week me na pumunta doon para mamili.

Reesie said...
Thu Dec 10, 11:46:00 AM  

di pa ako nakapunta sa divisoria.

ewan ko ba kung bakit ganon nlng na parang mas umaangat ang mga tsinoy keysa sa mga pinoy.. sa ugali talaga yan.. kuntinto na ang pinoy kung ano meron sila. karamihan sa atin, hindi marunong mangarap.. hay buhay.. no wonder we are a third world country.. hindi lang ang gobyerno ang dapat natin sisihin.. tingnan din natin ang ating mga sarili..

Anonymous said...
Thu Dec 10, 09:37:00 PM  

hhmm, hindi pa ako nakapunta sa divisoria, peru sabi nila magulu nga daw dahil sa siksikan ang mga tao, sobrang daming namimili at mga nakikipagtawaran.. hahaha.. Dati ang momy ko madalas jan dahil gumagwa kami ng mga pang souvenir sa mga kasal, peru now, hindi na.. hehehe

Dinah said...
Fri Dec 11, 06:28:00 AM  

Naku, paborito kong puntahan ang Divisoria. At talagang dyan dapat ginagamit ang skills sa pagtawad. Pero panal talaga ang may-ari na yun ha! May extra charge ang pagkuha sa bodega :-)

siyetehan said...
Tue Dec 15, 09:51:00 PM  

@glampinoy: tama ka diyan. kung marunong lang siguro akong mag business, baka yumaman na ako kung sa divisoria ako kukuha ng ipang re resale.

@reesie: naku, dapat ma experience mo na pumunta sa divi. siguradong mag e enjoy ka.

siyetehan said...
Tue Dec 15, 09:53:00 PM  

@PD: naku, isa ka pa, dapat pumunta ka ng dv. masaya, magulo, maraming tao.

@dinah: oo, maraming tao, magaling tumawad kaya talagang super mura ang pagkakuha nila lalo na sa bultuhan.

Post a Comment

PEBA NOMINEE

Siyetehan Supports PEBA



Siyetehan Wins

Philippine Blog Awards