Gising Pa Ang Maynila

Sunday, May 8, 2011 ·

Gising pa ang Maynila gayong lagpas alas-dose na ng madaling araw nang maghiwa-hiwalay kami galing sa isang coffee shop.

Marami pang establisimiento ang bukas at nagliliwanag sa dami ng ilaw na patuloy na nagbibigay liwanag sa mga kustomer.

Sunud-sunod pa rin ang mga sasakyan na nagpupumilit makauna sa pagbaybay sa kalsada, samantalang sa loob naman ng jeep ay nangagsisiksikan ang mga pasaherong lahat ay nagnanais na makauwi na ng kani-kanilang tahanan upang makapagpahinga.

Makalipas ang ilang minutong pagbiyahe, paglipat sa bus o sa isa pang jeep ay paniguradong may makakatabi ka nang mga tindero na patungo na sa palengke bitbit ang kani-kanilang mga kalakal.

Hindi pa man natutulog ay gising na naman ang Maynila.

1 comments:

Blogger said...
Sat May 27, 01:16:00 PM  

Did you consider exchanging with the most recommended Bitcoin exchange company - YoBit.

Post a Comment

PEBA NOMINEE

Siyetehan Supports PEBA



Siyetehan Wins

Philippine Blog Awards