Golden Bataw

Monday, February 14, 2011 ·

Pareho nang retirado sa pagtuturo ang aking mga magulang.

Ika nga eh, boundary na, pwedeng pwedeng mag sitting pretty na lamang sa bahay at maghintay ng buwanang pensiyon. Wala na rin naman silang iintindihin dahil lahat naman kaming magkakapatid ay nakapagtapos ng kolehiyo at may kani-kanya na ring stable jobs.


Pero dahil likas sa kanila ang pagbabanat ng buto at hindi sanay na walang ginagawa, hindi mo sila makikitang nakahilata na lang maghapon sa loob ng bahay.

Mahilig silang pareho sa pagtatanim at pag-aalaga ng halaman-palibhasa ay ipinanganak, lumaki at namuhay sa probinsiya.

Halos araw-araw ay nagdidilig ng mga halaman sa labas ng bahay ang aking ina; samantalang ang aking ama naman ay nahiligang magtanim ng mga gulay sa bakanteng lote ng lupa sa labas ng bakuran ng bahay.

Nitong nakaraang linggo ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makadalaw sa kanila sa probinsiya at nakakatuwa na nakasama ko sila sa paghahalaman.

Bago mag-alas sais pa lamang ng umaga ay gising na kami at namimitas ng mga bunga ng bataw. Ang sabi nila, araw-araw ay nakakakuha sila ng 2 kilong bataw na naipapasa naman nila sa mga tindera sa palengke.

Bawat kilo ay naibebenta nila ng P40, kaya't araw-araw ay paniguradong may kita silang P80 o higit pa.

Kung tutuusin, hindi nga naman nila kailangan ng dagdag na kitang P80 araw-araw. Mas malaki ang satisfaction na nakukuha nila sa paghahalaman kaysa sa kitang ibinibigay ng halaman.

Dahil dito, naisip ko- walang rason ang bawat tao kung bakit sila dumadaing na wala silang makain araw-araw.

Nasa ating mga sarili ang paraan upang mapaunlad natin ang ating mga sariling pamumuhay. Binigyan tayo ng Panginoon ng karunungan at kalakasan upang matustusan natin ang ating mga pansariling pangangailangan.

2 comments:

Dinah said...
Mon Feb 21, 05:43:00 PM  

tama ka dyan. kung hihilata lang at pagkatapos ay magrereklamo na wala silang makain, e walang papatak na kanin mula sa langit.kailangan talagang magbanat ng buto!

siyetehan said...
Mon Feb 21, 07:24:00 PM  

@Dinah: korek!

Post a Comment

PEBA NOMINEE

Siyetehan Supports PEBA



Siyetehan Wins

Philippine Blog Awards