Humigit-kumulang sampung taon nung huli tayong magkita.
Mataas ang pagtingin namin sa iyo dahil isa ka sa mga pinakamagaling na propesor sa kolehiyong pinag-aralan ko sa may U-Belt. Dagdag pa riyan, isa ka rin sa mga tumatayong advisers nang student organization na kinabibilangan ko.
Sampung taon.
Nadagdagan na ang mga gitla sa noo mo. Dumami na ang mga puting buhok at, tila tumaba ka yata? Saludo ako dahil walang pinagbago ang ayos mo, hanggang ngayon ay dala-dalawang bag ang bitbit mong gamit pang-eskwela. Lesson plan, libro, teaching materials, at siguro'y mga test papers na iisa-isahin mo pang markahan pagdating ng bahay.
Hindi mo siguro ako natatandaan dahil ni hindi mo ako pinansin nang magtama ang mga mata natin ng pasimpleng sulyapan kita upang tingnan kung ano na ba ang hitsura ng isa sa pinakapaborito kong guro sa kolehiyo.
Lalapitan na sana kita upang kumustahin at kamayan ka.
Ngunit bigla kang nangulangot.
The Long View: Supporting evidence
2 days ago
10 comments:
anak ng... sino yan???
babae?
(nag-isip tuloy ako sinu-sino ang adviser ng USBC)
@azel: babae, kilala mo.
true story yan, nakasakay ko sa jeep kelan lang.
itago na lang natin siya sa pangalang Filipino American (FilAm for short).
aaaaahhhhh... sya pala...
oh eh di dinedma mo? ahahahaha.
bad ka.. akalain mong nai-blog mo pa! ahahaha!
ha ha, galing ng build-up! napahalakhak ako tuloy ng malakas dito sa opis!
@azel: dinedma ko na lang, kasi baka mamaya, maalala pa ako at biglang mag extend ng hands para makipagkamay... nyaay.
@dinah: salamat sa pagtityagang basahin ang true to life maala ala mo kaya story ko.
Di naman. Siguro pruweba lang yan na lahat ng tao umuutot, nangungulangot at tumatae, ayun nga lang...may mga lantad. AWU. Bumaba ba respeto mo sa kanya?
@batopik: hindi naman bumaba ang respeto. :D
nangilag lang dahil baka makipagkamay sa akin at mailipat sa kamay ko. :D
HAHAHA. Sabagay. Buti na lang pala hindi ka niya nakilala. :P
eeoooww! natawa talaga ako, ahhahha!!!! ok na sana yung story eh, kaso sabay ganun?!!! gustu mu pabang makilala ka nya?! hak hak!
Post a Comment