I mean, what's wrong if Jinkee Pacquiao's photo in a Mega Magazine's January issue cover has been enhanced?
Don't we all want to look good in public?
Jinkee Pacquiao: Enhanced Magazine Cover Photo
Manny Many Prizes, Manny Many Absents
Is Sarangani Representative Manny Pacquiao giving a disservice to his constituents?
Apathy
• After several years of following up and commenting on the columns of The Filipino Voices, I feel the lack of interest in returning to their website simply because I found out that now, the site is only for (Selected) Filipino Voices only. They started to moderate people's comments and it seems to me that they only get to approve comments made by regular columnists. Thus, the common people's voices is not bothered anymore. Many thanks, and salute, though, goes to Nick of Tingog.com for putting up such an informative site. But then again, it's only for Selected Filipino Voices.
• Away-bati, away-bati, away-bati. C'mon, people! I've had enough of the Kris Aquino-James Yap story! I bet they'd reconcile, anyway.
• Even before the president-elect Noynoy Aquino assumes office on June 30, lots of leftist groups are already doing rallies at Times Street. Many politicians have ressurected (laos na dati, mabango na naman ngayon), various groups are giving unsolicited advise to the president-elect, many congressmen are jumping ship from one party to the Liberal Party (the latest of which is Congressman-elect Manny Pacquiao). Where is change? Or are we just back from the usual cycle of governance?
I hope I am mistaken.
Dear Kris Aquino
Dear Kris,
I hate to say this. But your brother will perform better if you don't involve yourself in matters of government.
We appreciate you for entertaining us on Philippine television but really, really, a lot of the Filipino people are not in favor of you interfering with how and what the government should do.
During the campaign period, you promised to leave the country in case you become a stumbling block during your brother's presidency. Well, we do remember your promise, Kris, and we await that you fulfill your promise in case it is needed.
Over the past weeks, news came out that your brother is considering your co-host and friend Boy Abunda for a top position in the government. Abunda, however, declined the offer, but a lot of people are wondering why Abunda's name was suddenly picked for the position.
Well, we were not surprised when the news came out on June 6, Sunday, that indeed, you were the one who suggested Abunda for the Department of Tourism position.
Let me end this letter with a question, Kris.
Will you keep your promise?
Goodbye, APO

Laba + TV = Soap Opera
Grade three na yata ako noong una kami nagkaroon ng television set sa bahay.
Tandang-tanda ko yun dahil kasama ako ni Mama at ni Daddy na pumunta sa Raon para bilhin yung tv. 14 inches, kulay dilaw ang case, black and white. Wala pang remote control, kaya magtityaga ka talagang lumapit sa tv at magpihit para ilipat ang channel. Kaunti lang din ang options na panoorin dahil hanggang channel 13 lang ang pihitan.
Kahit paano, naging saksi na rin ako sa evolution ng mga commercials sa ipinalalabas sa tv. Kagaya na lang halimbawa ng mga sabong panlaba, nagpapaligsahan ang Tide, Mr. Clean, Ola, Pride, at ang Superwheel.
Bareta pa noon ang uso, hanggang sa na-introduce na nga yung mga powdered detergents na mas kadalasang ginagamit na ngayon dahil ito ang compatible sa washing machine. Ngayon, wala ng Superwheel at Ola. Matanda na yata si Mr. Clean. May konti pa yatang Pride ang Pride, at namayagpag ang Tide sa kanilang lahat.
Kasabay ng pag evolve ng commercials, syempre, ay ang pag-evolve din ng iba't-ibang palabas sa telebisyon.
Kung dati-rati ay english ang evening news at dapat eh mukhang kagalang-galang, gwapo at pormal na tao ang mga nagbabalita, ngayon ay tagalog na ang medium at hindi na requirement ang gandang lalake (ehem! exxxcuse me po!).
Nagbago na rin ang format ng mga variety shows. Hindi na uso sina Vilma, Nora at Ness. Na-tsugi na rin ang That's Entertainment ni Kuya Germs. Ngayon, ASAP at SOP na ang uso.
Kung meron man sigurong nanatili sa mukha ng television, ito ay yung tinatawag nating SOAP OPERA. Nagbago man ng pangalan (Koreanobela, Fantaserye, Teleserye at Teledrama), patuloy pa rin sa pagpapalabas ng mga soap operas (na kung minsan ay tinatawag din nating 'Tuluyan' dahil lagi ka nilang binibitin habang may nakasulat na 'Itutuloy....').
Procter and Gamble (makers ng Tide at Ariel Detergent Soaps) daw ang nagpasimuno ng katagang SOAP OPERA nang i-produce nila ang pinaka-unang Soap Opera noong 1930s. Intended daw ang mga ganitong palabas o panoorin para sa mga nanay (o housewives) na nakikinig sa radyo o nanonood ng tv habang naglalaba. At noon daw 1949, nai-produce ng Procter & Gamble ang pinakaunang Soap Opera sa Pilipinas na nai-ere sa DZRH- Ang 'Gulong ng Palad'.
Marami nang pagbabago.
Colored na ang mga television. Remote-controlled, at may mga cable channels pa na pwedeng panooran. May flat at may plasma tv.
Pero hanggang sa ngayon, nananatiling mataas ang ratings ng mga soap opera.
Mahilig kasi ang Pinoy sa Drama.
Magugunaw Na Ang Mundo
Hindi ninyo ba napapansin na napakarami nang pelikula ang ginawa para magsabing magugunaw na ang mundo?
2012, Independendence Day, The Day After Tomorrow, Armageddon, at kung anu-ano pa.
Naisip ko lang tuloy:
Bakit ba gustong gusto nilang gunawin ang mundo pero bandang huli naman eh mananatiling magsu-survive ang sangkatauhan?
"We are fighting for our right to live. To exist. And should we win the day, the Fourth of July will no longer be known as an American holiday, but as the day the world declared in one voice: "We will not go quietly into the night!" We will not vanish without a fight! We're going to live on! We're going to survive! Today we celebrate our Independence Day!"
-President Thomas Whitmore, Independence Day
--------------------
But of that day and hour knoweth no man, no, not the angels of heaven, but my Father only.
-Matthew 24:36
Isang Minutong Ngiti
Maraming nagtatanong kung bakit pumatok ang bandang Eraserheads noong dekada 90s. Well, isa sa mga dahilan ay, karamihan kasi ng masa ay nakaka-relate sa lyrics ng kanta nila.
Legs, Legs, Legs Mo Ay Nakakasilaw
Guessing Game Ito.
Nasa SM Makati ako last Sunday para bumili ng konting grocery at para bilhan ng bestida ang prinsesa namin. Dahil medyo nagugutom na rin, naisipan ko lang na humanap ng mabibiling mabilis na snacks.
At napadpad ako sa Brownies Store malapit doon sa may bridgeway connecting ng Glorietta at SM. Okay na rin dahil mura lang- sa halagang 37 pesos, may brewed coffee at may brownies ka na.
So doon ako umupo medyo malapit sa counter. Inuumpisahan ko nang sipsipin yung coffee nang napansin ko na yung dalawang tao sa katabing table ko eh nagbubulungan at may tinitingnan. Kaya nakiusyoso na rin ako at narinig ko na pinagtatalunan nila kung yung tao ba na malapit sa amin eh si [insert name of poging politician here].
Dahil medyo nasusubaybayan ko rin dati ang political career at ang mga sinusulat sa blog ni [insert name of poging politician here], alam kong siya nga iyon. Kasama niya ang misis niya at umupo rin sila sa isa sa mga tables sa store ng Brownies, nakapwesto malapit doon sa mga taong labas-masok sa bridgeway ng Glorietta at SM. Kung bakit doon sila pumwesto eh may opinyon ako na gusto niyang ma-exposed sa maraming tao (dahil may planong tumakbong senador itong si [insert name of poging politican here]).
Anyway, so umorder na nga ng kape at brownies si [insert name of poging politician here] at bumalik na doon sa table at umupo katapat ng misis niya. At dahil katapatan ko siya, hindi maiiwasan na tuwing hihigop ako ng kape eh natatanaw ko si [insert name of poging politician here].
Nung minsang masulyapan ko siya eh saktong humihigop din siya ng kape. Pero ano ito? Mukhang habang humihigop siya ng kape eh tutok na tutok ang paningin niya sa malapit sa lugar ko. Naisip ko dahil malapit nga ako sa counter, "ah, siguro tinitingnan niya yung mga naka-display na brownies and pastries at gusto niyang bumili".
Pero nung tinunton ko na ang pinagkakaabalahan ng mga mata ni [insert name of poging politician here] ay napagtanto ko na ang tinititigan pala niya eh yung isang customer na nakapila sa cashier. Hindi pala yung customer. Ang tinititigan pala ni [insert name of poging politician here] eh yung legs ni customer, dahil si customer eh naka nyort-nyort (short shorts).
Naisip ko lang, paano na lang kung nahuli siya ng kanyang esmi habang nakatitig kay sexy customer? Sasampalin kaya siya at aawayin ni misis?
Well, anyway, si [insert name of poging politician here] ay gwapo at mukhang malinis; dating nasa isang paksiyon ng oposisyon pero kailan lang ay lumipat sa isa pang paksiyon ng mga oposisyon at may planong tumakbong senador.
Hindi siya tunay na tiga-Luzon at hindi siya tunay na tiga-Visayas. Pero sa nakita ko, masasabi kong isa siyang tunay na mahilig (sa legs).
E-Merge Teatro Presents: Assignment
Paano Maging Senador
Limang paraan kung paano ka magiging Senador:
1. Dapat marunong kang tumawa, umiyak, at magalit sa harap ng camera.
2. Dapat magaling kang mag solicit sa mga TFC subscribers and foreign viewers sa show.
3. Dapat mahilig kang sumayaw ng malaswa sa tabi, sa harap, at sa likod ng mga seksing babae.
4. Dapat marunong kang magpaiyak ng mga contestant sa show.
5. Dapat Willie ang pangalan mo. O kaya papi.
Pag meron ka niyan, pwede ka nang tumakbong Senador.
Korean Invasion
Halong aliw at awa ang naramdaman ko nung minsang nakita kong tuliro at kunot-noong kausap ng Jollibee crew ang tatlong customer na nasa harapan ng counter. Pagkakita ko, isang grupo pala ng mga Koreans na gustong bumili ng chicken joy. Sa loob-loob ko dun sa Jollibee crew, "Ay nosebleed ang lolo".
Mga 5 years ago siguro nang biglang nagsulputang parang bula na lang ang mga Koreans dito sa Pinas. Akala ko dati, mga hapon, hanggang sa mabalita nga na marami na ngang nagpupuntang mga koreano dito sa Pilipinas para mag-aral. Mura daw kasi ang education fees dito sa Pilipinas, at maganda ang turo (pero bakit nga ba napakaraming militanteng estudyante na wala naman sawang nagra-rally dahil tumataas daw ang tuition fees, habang bumababa naman ang kalidad ng edukasyon?)
At dahil nga nagsulputan na rin ang maraming Koreano, naglabasan na rin ang mga Koreanovela (katulad ng Jumong at Jangeum), Korean Restaurant, Korean Schools, at nauso rin yung mga Pinoy na ang trabaho eh magturo ng wikang Ingles sa mga Koreano.
Iniisip ko rin, siguro malaking adjustment din na mapunta sila, mamalagi, mag-aral at mag-adopt ng ibang kultura. Siyempre, kailangan nilang intindihin ang kulturang Pinoy.
Nung Friday night, nakasakay ko sa jeep ang isang koreana na hindi mapakali patingin-tingin sa paligid. Nakakaawa, akala ko nga nawawala, kasi abot ang tingin-tingin niya, baka kako hindi niya alam kung san siya pupunta.
Hanggang bigla siyang napangiti, sabay sigaw ng "Mama, Para po sa tabi!"
Napag-usapan ang kultura. Hindi ako kailanman nahilig manood ng mga koreanovela. Nakakapanood, oo, kasi yung mga kasama ko sa bahay eh nanonood, pero hindi ako die-hard fan ni Jumong.
Di pa rin ako nakapasok sa anumang Korean resto na nagsulputan dito sa paligid ng office.
Madalas, naiisip ko-mas gusto ko pa rin talaga ang kulturang Pinoy, "hindi ko ito ipagpapalit kahit na anong kultura!!!!". Sinasabi ko yan habang nakatapat ang kanang kamay ko sa kaliwang dibdib na parang kumakanta ng Bayang Magiliw (o Lupang Hinirang sa tamang tawag).
Pero may bago akong kinakahiligang kanta ngayon, maliban sa Bayang Magiliw.
Eto yung lyrics:
I want nobody nobody But You
I want nobody nobody But You
Nandareun sarameun silheo niga animyeon silheo
I want nobody nobody nobody nobody
I want nobody nobody But You
I want nobody nobody But You
Nandareun sarameun silheo niga animyeon silheo
I want nobody nobody nobody nobody
(At hinanap ko pa talaga sa youtube)
Para lang malaman na Korean group pala ang kumanta at nagpasikat ng dance step nito.
$20,000 Dinner at si Willie Revillame
How would you love to spend a whooping $20,000 US Dollars (or approximately 1,000,000 Php) for a dinner at the Le Cirque Restaurant?
President Gloria Macapagal Arroyo found herself (for the nth time) in the center of controversies after she, together with her official entourage in the US, were featured in the New York Post for having the time of their lives spending close to $20,000 USD at the Le Cirque Restaurant in New York.
The excerpt states:
"The economic downturn hasn’t persuaded everyone to pinch pennies. Philippines President Maria Gloria Macapagal-Arroyo was at Le Cirque the other night with a large entourage enjoying the good life, even though the former comptroller of her country’s armed services, Carlos Garcia, was found guilty earlier this year of perjury and two of his sons were arrested in the US on bulk cash-smuggling charges. Macapagal-Arroyo ordered several bottles of very expensive wine, pushing the dinner tab up to $20,000.”
As expected, the oppositions and the militant groups are all over the news, the web, and the papers, to trumpet the issue to the general public.
Naisip ko lang: "Does it really matter to us kung malaman natin na gumastos nga ang Presidente ng isang milyong piso para lamang sa isang dinner?"
Alin ang mas matimbang na usapin? Ang $20,000 dinner date ni President Arroyo? O ang kaso ng ginawang pambabastos (daw) ni Papi Willie Revillame sa libing ni Dating Pangulong Cory Aquino?
Manila
Basta ang sabi kasi sa akin, bumaba ka ng Camachile. Sumakay ka ng biyaheng Blumentritt, bumaba ka sa Tagaytay sa may Mila's Theater. Pagtawid mo, may sakayan ng byaheng Tagaytay- E. Rodriguez.
Pag nasa E. Rodriguez, kampante na ako sa sarili ko dahil pamilyar na ako sa lugar na iyon. Pero mula sa pagbaba ko ng Camachile hanggang sa bago ako sumakay ng jeep na papuntang E. Rodriguez, talagang kumakabog ang dibdib ko.
Mahigit sampung taon na pala ako sa Maynila. Kung saan-saan na ako napadpad. Hindi na ako promdi. Sanay na ako sa mga kalye, hindi na mawawala kumbaga. Mahigit sampung taon na pala. 7 na ang minimum, wala na halos mabibili ang dating minimum na 1.50.

**********
Ewan ko kung bakit hibang na hibang ang mga tiga-probinsiya na makatuntong ng Maynila. Pangkaraniwan na ang mga kwentong nakipagsapalaran sa Maynila dahil akala nila eh nandito ang ginto at wala sa probinsiya. Ang problema, pagdating dito, wala ring makitang matinong trabaho dahil ang totoo, hindi naman sa lugar makikita at makukuha ang ginto. Mas malaking katotohanan na ang ginto eh nakukuha sa pagtityaga kahit saan ka man naroon, at hindi napupulot lamang sa magulong mundo ng Maynila.
Pero hindi maikakailang may taglay na akit ang Maynila. Maynila kasi ang simbolismo ng kaunlaran. Nandito ang mga uso, nandito ang mga bago. Mga Manileño ang mga trend-setters ng kung ano ang magiging kultura ng buong bansa sa hinaharap.
Ang sabi nga sa kanta eh, kahit na saang bansa o lugar ka man makarating, talagang hahanap-hanapin mo rin ang Maynila.
Ang nakakalungkot lang, kahit na mahal mo ang Maynila, tila ba hindi nito mahal ang kanyang sarili- sa haba ng trapik, sa ingay, sa usok, sa basura, sa mga vandalism, sa mga gulo, away, drugs, at prostitusyon.
Nakakalungkot. Pero kung hindi aaksiyon ang mga mamamayan at ang pamahalaan, tuluyan na ngang mapag-iiwanan ang Maynila.
**********
Hinahanap-hanap kita Manila
Ang ingay mong kay sarap sa tenga
Mga Jeepney mong nagliliparan
Mga babae mong naggagandahan
Take me back in your arms Manila
And promise me you'll never let go
Promise me you'll never let go.......
Transformers Review: Revenge of the Fallen
Finally got the chance to give a quick review of the 2nd installment of Transformers: Revenge of the Fallen.
If you like to be entertained and you are not merely particular on the plot of the story, then go and watch the movie.
You will definitely be delighted with the digital robots, especially if you are watching on an I-max/3D viewing. The whole story is, of course, packed with the highly anticipated robots-changing-to-vehicles scenes (which is why they are called Transformers, anyway). A lot of action scenes are also featured among the robots, however, one problem I encountered, was, it is very difficult who among the gigantic robots are Autobots, and who are Decepticons. With how fast the scenes are viewed, and with how gigantic the robots are, it is unclear which is on the good side, and which is on the other.
But of course, I was entertained.
The main problem, really is the lack of a good story. Makes me say that the plot is almost the same as the first installment-only, that the first is better.
Decepticons come to earth to find something that is hidden on the earth for ages. Autobots arrive to fight the Decepticons and save the human race.
But of course, I'll always like Transformers, being one of my childhood favorites, and am looking forward for the 3rd, if there is.
You might want to read these other reviews:
10 Most Confusing Things in Transformers: Revenge of the Fallen
Reader Review
Review by: Rotten Tomatoes
Pana-panahon
Napag-usapan na rin lang ang pagkamatay ni Michael Jackson...
Namulat ako sa mundo na sikat na ang pangalang Michael Jackson, o MJ, o Jacko. Siya yung sikat na singer na kumakanta habang sumasayaw. Laging makintab ang suot, may sumbrero, may guwantes, at madalas eh putot ang pantalon. Hindi ko pa dati naa appreciate ang galing niya. Basta ang alam ko, maraming taong tumitili, umiiyak (at hinihimatay) kapag nakikita siyang kumakanta. Pandemonium na kapag kinanta niya at sinayaw ang Thriller, Black and White, Dangerous, Smooth Criminal, I'll Be There, Ben, at We Are The World.
Hindi ko na matandaan kung paanong nag-evolve si MJ mula sa pagiging negro at naging isang maputing tao. Kasabay ng misteryo ng pagpapalit kulay ni MJ ay ang walang kapagurang kaso ng pedopilya na nakasampa laban sa kanya na isa-isa ring naabsuwelto kasabay naman ng unti-unting pagkawala ng mga properties niya.
Controversies aside, Michael Jackson will always be remembered as an Icon in the Music Industry.

1990s.
Sabi nila, Eraserheads defined the 90s. At hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang impluwensiya ng Eheads sa Music Industry ng Pilipinas. They initiated the story that brought the likes of Rivermaya, Parokya ni Edgar, Alamid, After Image, Introvoys and the rest, to fame during the 90s.
Young people of every town were "cool" when they know how to sing and play the guitar like Ely does.
Nakakalungkot nga lang isipin, na katulad din ni Michael Jackson, nawala sa senaryo ang Eraserheads nang magpasya ang mga miyembro na mag-disband dahil sa ilang hindi pagkakaunawaan. But nevertheless, Eheads will always be a part of the history of the Philippine music.
Michael Jackson Dies At Age 50
King of Pop Michael Jackson died at age 50 on Thursday, June 25, 2009.
The reason behind his death was not immediately clear. MJ was not breathing when the Los Angeles Fire Department paramedics responded to a call at his Los Angeles home about 12:30 p.m. The paramedics performed CPR and took him to the UCLA Medical Center in Los Angeles, where he was proclaimed dead.
Usapang Transformers, Batibot, atbp.
Napag-usapan na rin lang ang Transformers, 1980s nang mauso sa Pilipinas ang Transformers. Pinag-aagawan naming magkakalaro kung sino kami sa mga characters. Gaya ng dapat asahan, ang pinakamatanda sa amin ang naging Optimus Prime. Yung pangalawa ang naging si Bumblebee, at akong pinakabata ang naging si hindi-ko-alam-ang-pangalan na robot na parang ambulansiya yata dahil mayroon siyang wang-wang.
Hindi lang Transformers ang usong foreign cartoons noon. Sumikat din ang Voltes V, Diamos at yung mga Looney Toons na katulad nila Road Runner, Coyote, Donald and Daisy Duck, at Mickey Mouse.
Sumunod na nagpasukan ang Bioman, Shaider, Ultraman, Magmaman, at Mask Riders na laging may mga kalabang monsters na hindi mo malaman kung ano ang hitsura.
Pero all-time favorite ng mga bata ang Batibot. Paniguradong lahat ng mga bata noong panahon ng Dekada 80s eh nakisabay sa kantang:
Pagmulat ng mata
Langit nakatawa
Sa Batibot
Sa Batibot
Tayong nang magpunta
Tuklasin sa Batibot
Ang tuwa
Ang saya
Doon sa Batibot
Tayo na Tayo na
Mga bata sa Batibot
Malaki, masigla
Doon sa Batibot
Tayo nang magpunta
Mga bata sa Batibot
Malaki, masigla
Hanggang ngayon ay hindi mawala sa isipan ang mukha nila Kuya Bodjie, Ate Sienna, Ning-ning at Ging-ging, Aling Bola, at sila Sitsiritsit at Alibangbang.
Counter-part ng American children show na Sesame Street ang Batibot. Kaya nga halos magkapareho sila ng format. Kung mayroon silang Big Bird at Elmo, pambato naman ng Batibot si Pong Pagong at si Kiko Matsing.
Award-winning Children's show ang Batibot. Hindi lang dahil nakakaaliw ito, kundi dahil napaka-informative ng palabas, basic knowledge kasi ang itinuturo nito at kung masipag makinig at manood ang bata, paniguradong may matututunan siya.
Kaya naman nakakalungkot na paglipas ng maraming taon, inihinto na ang pagpo produce at pagpapalabas ng Batibot.
Kung sana nga lamang ay magkaloob ng pondo ang Gobyerno upang maitaguyod ang mga ganitong klaseng palabas upang magamit na tool o medium para maturuan ang mga batang manonood.
Sana.
Dailies
On My League
- Business Review
- HayMen
- Semidoppel
- Mountain Top Experience
- LordCM
- Going Against The Current
- Interstellar Gateway
- P0kw4ng
- Kaspangarigan
- Carlo Dimaandal
- Llama's Journal
- Movie Reviews
- A-Z-E-L
- To Be, To Be. Tutubi
- Batang Late
- Badong
- Bernard Umali
- Cebu Image
- Isang Panata
- Precious
- The Lady In Green Ruffles













