Diyan Lang

Monday, September 21, 2009 · 11 comments

(2nd of Many Parts sa aming Mindanao Adventure)

Mag-ingat sa probinsiya kapag may nagyaya sa iyo na maglibut-libot.

Dahil ang simpleng "Diyan Lang" ay pwedeng makaabot sa ikalawang bundok.

More or less eh ganyan ang sinapit ng mga kasama namin noong niyaya sila para bumisita sa isa sa mga outreach churches (JLY Celebration Church) namin sa Panaosawon, Surigao Del Sur.

Kaming dalawa ni utol eh hindi nakasama dahil niyaya naman kami ni Pastor Dong Padre (Regional Director sa Caraga Region) para maglibot sa Tandag City kung saan mayroon ding JLY Celebration Church.

Pero kahit na nabiktima sila ng "diyan lang" syndrome eh nainggit pa rin kami sa kanila dahil na-experience nila na sumakay sa habal-habal.



**********





Mas lalong dapat mag-ingat kapag ang diyan lang eh sinaliwan na ng magic nguso para ituro kung saan kayo pupunta.

(galing kay Yena's World ang larawan)


**********

Magaling sa non-verbal communications ang Pinoy. Bibilib ka talaga dahil sa pamamagitan lang ng hand gestures o facial expressions ay magkakaintindihan na ang dalawang tao.

Pansinin natin:

Ang pagkunot ng noo ay nangangahulugan ng hindi pagkagusto sa isang bagay.

Ang pagkurap ng isang mata ng binata na nakatingin sa isang bebot eh nangangahulugan na type niya ang bebot na chicks (bebot na, chicks pa).

Ang pagkindat naman na may kahalong ngiti ay pwedeng magpakita ng "approval" sa isang bagay, samantalang ang pagtaas ng isang kilay na matagal na seryoso ang mukha ay nangangahulugan ng "disapproval".

Kapag may dalawang taong nag-uusap sa isang walkway, pansinin natin na iniuunat ng isang tao ang dalawa niyang kamay paharap at yuyuko para ipaalam na lalakad siya sa gitna ng nag-uusap na dalawang tao. Nangangahulugan ito ng "excuse po, makikiraan po".

Iba ang titig ng mata ng nagagalit na nanay sa kanyang malikot na anak.
Iba ang titig ng mata ng isang babaeng nagpi-flirt sa isang machong boylet na nakatapat niya sa jeep.
Iba ang titig ng mata ni Romy Diaz at ni Max Alvarado habang tinitingnan ang isang dalagang naglalaba sa batis.

May thumbs up, may thumbs down, may kamot sa ulo, may pagpapalaki sa butas ng ilong, may kindat, may kurap.

Sa anupamang pamamaraan, hinding-hindi mo pwedeng ikahon ang Pinoy upang ipahayag ang kanyang nararamdaman.


--------------------

1st article on our Mindanao Adventure

People In Mindanao Are SMARTer

Tuesday, September 15, 2009 · 17 comments

Ilang araw din akong na-absent sa blogging dahil nangasawa si utol sa Mindanao (Tandag, Surigao Del Sur).

Nangasawa ang Visayan term para sa namanhikan.

At dahil matagal-tagal ang inilagi namin sa Surigao, malamang eh maging 1st-part of many articles itong mga isusulat ko.

**********

Isa sa mahirap na gawin sa office eh yung magpaalam ka para mag-leave ng dalawa o higit pang araw. Normally kasi, lalo na sa mga accounting people, laging maraming papeles na dapat ayusin sa isang araw. Natapat pa naman na sa schedule ng pagpunta namin sa Surigao eh may darating kaming Internal Auditor galing sa UK.

Pero dahil cute ako matagal na akong nagpaalam at kailan lang naman nagsabi na may darating palang bisita, napilitan ang boss ko na payagan akong mag-leave, sa isang kundisyon: bawal patayin ang cellphone para pwede akong tawagan anytime na mayroong itatanong sa akin.

Kasalukuyan, dalawa ang cellphone na gamit ko. Isa yung Globe prepaid na original number ko, at pangalawa yung Sun Cellular postpaid na ang nakakaalam lang eh yung mga friendly friends ko alam niyo na, minsan kasi eh kailangan ding magtago at umiwas sa mga fans.

**********

When it rains, it pours. Pagbaba namin ng Butuan Airport at nagbiyahe na (ng 5 hours land travel!) papuntang Surigao, out of coverage area na ang Sun cell ko habang yung Globe naman eh parang aandap-andap na mapupunding bumbilya ang signal.

Sabi ng mga hosts namin sa Surigao, mahina raw talaga ang signal ng globe at sun cellular sa area nila. Smart lang daw ang talagang consistent na may magandang network service doon.

Ika nga nung isang Pastor na kasama namin, Globe People are Smart (ehem).
However, people in Mindanao are Smarter.

Dahil sa Mindanao, mas marami ang naka-smart.

At kung hindi mo nakuha ang nakatagong wit, malamang Sun cell subscriber ka.

**********

Importante ang technology at construction ng mga infrastructures para sa development ng isang lugar. Sa pagkahaba-habang biyahe mula sa Butuan hanggang sa Surigao, nakita kong marami pang kakulangan kung progreso ng bayan ang pag-uusapan.

Maraming rough road area, at sa katunayan eh ngayon pa lamang inuumpisahang ayusin ang mga kalsada.

Sa Tandag na siyang capital ng Surigao del Sur, ni wala kang makitang Jollibee o Mc Donald's na nakatayo.

May mga nagsasabing kontrolado raw ng ilang maimpluwensiyang tao ang pagkakaroon ng mga establishments sa area. Kung ano ang ibig nilang ipakahulugan ng "kontrolado" eh hindi ko na rin masyadong inintindi.

Bakit ngayon lang inuumpisahang gawing konkreto ang mga daan? Ano ang aksiyong ginawa ng mga dating nanungkulan dito?

Nakakalungkot. Pero ika nga eh, lagi tayong dapat na nakatingin sa pag-asang dulot ng bukas.

Dahil kung hindi tayo aasa at gagawa ng ating mga parte para sa ikauunlad ng ating bayan, lalong wala tayong mararating.

Changes

Wednesday, September 9, 2009 · 6 comments




















Mahirap palang magpalit ng template ng blogsite.
Nung isang buwan, pagpalit ko ng template, nawala yung mga links at yung mga html codes na dating nandoon sa lumang template. Kaya kung meron man sa inyo na dating naka-link sa akin at nawala sa bagong template, pasensiya na po (pwedeng mag-leave ng comments para maka-exchange link ko ulit kayo).


Isa sa mga nawala eh iyong link ko sa mga articles na nai-post o nai-publish sa Inquirer.net. Kaya ngayon na medyo nagkaroon ako ng kaunting oras, binalik ko ulit (nakalagay sa top right side ng site). At sa mga hindi pa nakabasa, pwedeng-pwede po kayong sumilip. Ilan ito sa mga articles na nai-publish na sa Inquirer.net blogs: A Hero For President, Are We Ready For Change, at ang Pray For Our Next Vice President.


Walang bayad ang pagpapa-approve ng blog posts sa InquirerBlogs ( sayang ). Ang tanging consolation mo lang talaga eh, ang maipahayag ang gusto mong sabihin para sa ikabubuti at ikagaganda ng sistemang pulitikal ng bansa, na hopefully, eh, tumimo sa isipan ng mga makababasa sa article na ginawa mo.


Ika nga eh, we all desire for change. Iba't-iba nga lamang tayo ng pamamaraan. Ang pinili ko- magsulat.


**********


Gusto ko ulit magsulat ng articles. Sa mga susunod na araw, pag nakaluwag-luwag na eh pagtitiyagaan ko uling makaisip ng mga bagong ideas. Sana makalusot sa editors.


**********


if anyone is in Christ, he is a new creation; the old has gone, the new has come
-2 Corinthians 5:17

PEBA NOMINEE

Siyetehan Supports PEBA



Siyetehan Wins

Philippine Blog Awards