Showing posts with label Language. Show all posts
Showing posts with label Language. Show all posts

Identity Crisis

Wednesday, July 14, 2010 · 1 comments

Siguro nga importante talaga yung may sarili kang "identity".

Yun bang kumbaga sa basketball eh, signature move na parang 360 dunk ni Billy Ray Bates o kaya naman eh clutch jumper ni Jolas at yung mga tira nila Vergel Meneses at Samboy Lim na parang nagbabasa muna ng diyaryo sa ere bago i-shoot ang bola.

O di kaya naman eh tagline, katulad ng "Sarap to the bones" ng Max's, "Finger lickin' good" ng KFC, at yung "Crispyliscious, Juicyliscious" ng Jollibee.

Ito rin siguro ang principle kaya yung mga News Anchors ng mga TV stations ay may kani-kanyang pakulo para mas makilala sila ng mga viewers.

Medyo nakakasawa na yung mga jokes na ginagaya yung pag-ubo (sabay EX-cuse me-PO!) ni Mike Enriquez, at pati yung pag "ano ha" ni Mel Tiangco. Kasi, pati yung ibang news anchors at yung mga field reporters ngayon, may kani-kanya na ring pagkakakilanlan.


• Arnold Clavio: "ako naman" (ano ba ibig sabihin pag sinasabi nyang "ako naman"?)

• Susan Enriquez: "ak--ko si Susan Enriquez, ang inyong naging Saksi" (kailangan may 2 seconds na pagitan ang pagsasabi nya ng "ako")

• Sabi ng magaling na heckler na si loi pogi sa kanyang twitter account, si Steeeeeeeeeeeeve Dailisan daw ang TV reporter na may pinakamahabang pangalan.

• Pero syempre, hindi rin basta-basta patatalo sa pahabaan ng pangalan si Rrrrrrrrrrrrroseti Rivera.

**********

Name Recall. Identity. Uniqueness.

**********

Nakapagtatakang, kahit na may sarili silang identity sa pagbanggit ng kani-kanilang mga pangalan ay halos pare-pareho naman ang tono ng pagdeliver nila ng balita- lalong-lalo na yung mga reporter sa radyo.

"Yes, Arnold, nandito nga tayo saaaaaaaa kahabaan ng-ngaaaa South Luzonaaaaa Express Way kung saan-naaaaaaa kasalukuyang-aaaaaaa tinatatanggal ng-ngaaaaa mgaaaaaaaa awtoridad itong-ngaaaa nakahambalang naaaaaaaaaaaa parte ng crane naaaaaaaaaaa nalaglag mula saaaaaaaaaaa ginagawangngaaaaaaaaaa skyway kahapon saaaaaaaaaaa kasagsagannnaaaaaaaaa ng-ngaaaaaaaa bagyongngaaaaaaaaaaa Basyang."

Gibo And The Jejemons

Tuesday, April 27, 2010 · 1 comments


Rise of the Jejemons

Saturday, April 24, 2010 · 20 comments

Andiyan na sila!
Parating na sila!
Dumarami na sila!
Ipakilala natin ang mga..... JEJEMONS!


Narito ang definition ng Urban Dictionary patungkol sa mga Jejemons:

1) Usually seen around social networking sites such as Friendster and Multiply, jejemons are individuals with low IQs who spread around their idiocy on the web by tYpFing LyK diZS jejejeje, making all people viewing their profile raise their eyebrows out of annoyance. Normal people like you and me must take a Bachelor of Arts in Jejetyping in order to understand said individuals, as deciphering their text would cause a lot of frustration and hair pulling.

2) Jejemons are not just confined to trying-hard Filipino gangsters and emos. A Jejemon can also include a variety of Latino-Hispanic fags who enjoy typing "jejejejeje" in a wider context, much to the disdain of their opponents in an internet MMORPG game such as Ragnarok and DOTA.

3) Basically anyone with a low tolerance in correct punctuation, syntax and grammar. Jejemons are usually hated or hunted down by Jejebusters or the grammar nazi to eradicate their grammatical ways.


Ang sabi naman ng Lifestyle section ng Inquirer.net, ang mga Jejemons daw ang mga makabagong Jologs. Ayon pa sa kanila, "in reality, Jejemon is a new breed of hipsters who have developed not only their own language and written text but also their own sub-culture and fashion."


At dahil nga patuloy silang dumadami sa tulong ng texting at internet chat, forums, and games, hindi nakakapagtakang sa susunod na eleksiyon ay magkakaroon na rin ng sariling Party List Group ang mga Jejemons.



PEBA NOMINEE

Siyetehan Supports PEBA



Siyetehan Wins

Philippine Blog Awards