(3rd of Many Parts sa aming Mindanao Adventure)
Interesante ring malaman na ang bawat lugar sa bansa ay may kani-kanyang paraan ng pagpapangalan sa mga tao. Halimbawa na lang eh ang aming mabait na host sa Surigao na si Berna, o mas kilala namin sa tawag na Tata.
Sa pagkakaalam namin, mas sikat siya sa tawag na Tata sa Surigao, pero nakakagulat ding malaman na pagdating sa Surigao eh mas kilala siya sa tawag na Ta-ing (o Ta- eng), samantalang yung isa pa naming kilalang kaibigan ang tinatawag namang Tata.
Ayon sa mga taga-roon, ang Tata ay nangangahulugan ng "nakababata" o "maliit" na kapatid o kaibigan. Katulad din naman sa parteng norte kung saan ang mga batang lalake ay tinatawag nilang "balong" at ang mga batang babae ay tinatawag nilang "balasang".
**********
Hindi rin naman patatalo ang mga tagalog. Kadalasan kasi, tinatawag pa rin nating "boy" at "baby" ang mga tao kahit na matanda na sila at hindi na bata.
At para hindi tayo malito, dinadagdagan natin ng isa pang kataga para i-
differentiate ang isang tao sa iba. Katulad na lang sa aming bayan sa
Licab (Nueva Ecija), makikilala mo sila:
Boy Kokak
Boy Tita
Boy Pilising
Boy Pusa
Boy Ulo
Bebeng Damaso
Bebeng Mangungulot
Bebeng Pwet
**********
Ang sabi ni
Wiki, Alias is a pseudonym. It is usually used nowadays to describe a name which hides someone's true identity.
Ang alias ay pwede ring ipakahulugan ng A.K.A. o, Also Known As.
**********
Kung komportable tayo sa paggamit ng alias, ginawa pa ng mga Pinoy na mas extreme ang paggamit nito sa pamamagitan ng paghahalintulad sa mga hayop.
Hindi ba, pamilyar na nating naririnig sa mga tagalog movies ang phrase na,
"Hayop Ka! Haayoooop!"Meron din namang nagpapakasosyal, at ang ginagamit eh,
"Animal kang bata ka, halika nga rine!"Pero general term pa rin ang Hayop at Animal, dahil pinipili pa rin ng pinoy ang maging specific.
1.
"Alam mo, ang baboy mo." (Para sa mga taong makalat kumain)
2.
"Ingat, mamang drayber, may bwaya sa kanto." (Para sa mga magigiting nating ...............)
3.
"Ano ba yang pigura mo, para ka nang baboy." (Tabi-tabi po sa mga tinamaan)
4.
"Naku, parang balyena sa laki." (para sa senior size ng #3)
5.
"Hoy, butiking pasay!" (patungkol sa mga taong ka-love team ng #3 at #4)
6.
"Isa kang ahas!" (tirada sa mga mang-aagaw ng boylet)
7.
"Ulupong ka!" (variation ng #6. mas makamandag na pang-aagaw siguro ang ginawa)
**********
Kung minsan, ang pagbibigay natin ng alyas sa ibang tao ay dahilan lamang ng katuwaan o biruan. Maaari rin namang dahil sa ating kapansanan o kakulangan. O pwede ring sa kulturang ating kinagisnan.
Anu't anupaman ang dahilan, hindi ba mas importante pa rin na pagtuunan natin ng pansin ang panloob na ugali ng iba?
--------------------
1st and 2nd article on our Mindanao Adventure