"Talaga? Uuwi na'y Mister mo? Wow naman! Chocolates ha? Tsaka baka pwedeng humingi ng 1 dollar, pang souvenir, hehe.", pabiro kong sabi kay Mabel. "Oy, tsaka kailangan, magpapayat ka, para masundan na'y inaanak ko, hahaha!"
"Loka!", patawang sabi din ni Mabel. "Nakakalungkot nga eh. Two weeks lang ang vacation niya. Mabuti nga at pinayagan siya. 3rd birthday kasi nung inaanak mo kaya siya nagpupumilit umuwi. Alam mo naman si kumpare mo, Family Man."
"Ay oo. Tsaka birthday ni Unica Hija niya, hindi siya pwedeng hindi umuwi", sabi ko.
**********
Masaya na rin ako parang kay Mareng Mabel. Kahit na paminsan-minsan ay talagang hindi niya mapigil ang pagdaing sa akin dahil mahirap nga naman na nasa malayo ang Mister niya, lalo na tuwing magkakasakit ang anak nila, o tuwing pasko o may okasyon pero hindi pinayagang umuwi sa Pilipinas.
Natutuwa na rin ako dahil alam kong nagsusumikap silang dalawang mag-asawa at may pinatutunguhan ang paghihirap nilang dalawa.
Naalala ko tuloy ang kwento (at tsismis) nung kasambahay ng Nanay ko sa probinsiya. Nung minsan kasi ay tinanong ko siya kung kumusta na iyong mga kapitbahay niya (at kababayan namin) na ang mga asawa ay nagsipag-abroad.
"Ay naku! Ayun! Masasaya na naman ang mga hinayupak na Wander Milyoner!", pabulalas na sabi ni Aling Neneng.
"Ano hong Wander Milyoner?", tanong ko.
"Eh 'di yung mayaman ngayon, bukas nakatunganga!", sagot niya. "Kahapon kasi, dumating yung LBC, naka-motorsiklo. Me inabot na rimitans dun ke Betty at ke Celia. Aba, akalain mo, kanina, nagshopping na yung dalawa!"
Dahil ginanahan na, tuloy na rin ang kwento (at tsismis) ni Aling Neneng.
"Ang hirap kasi dun sa mga asa-asawa nila, panay lang ang padala ng pera dito. Ni hindi nga umuuwi sa Pilipinas, eh! Alam pa ba nila kung ano'ng ginagawa ng mga Misis nila sa perang pinapadala nila dito?!
Aba'y si Betty, pagkatanggap ng pera galing sa asawang nagpapakahirap sa abroad, inuubos agad sa pagsi-shopping! Naka-modelo nga ng celfone yung dalawang anak eh! Pero wag ka ha? Yung dalawang anak niya, parehong mahilig sa basag-ulo. Ang makursunadahan, basta na lang sinusuntok at hinahamon ng away! Ewan ko lang kung pagdating ng ama galing abroad eh kaya pang i-disiplina yung dalawa.
Pero oist! Atin atin na lang ha?", pabulong na sabi ni Aling Neneng. "Iyon namang si Celia, aba'y bukas-makalawa, baka sumakabilang-bahay na."
"Ano ho?! Ano ho ang sakit?!", sabi ko.
"Ay, naku, ikaw, bata ka. Sumakabilang-bahay ang sabi ko, hahaha". Ibig kong sabihin, may kinakatagpo na tiga-kabilang barangay. Kaya hindi magtatagal, sa kabilang bahay na uuwi 'yon, kasi ang huling balita ko eh napuruhan ata, nabuntis ang loka. Siyempre hindi pa alam nung kawawang Mister na nasa abroad kaya panay pa rin ang padala ng sustento.", patuloy na kwento ni Aling Neneng.
**********
Hindi na nakakapagtaka ang mga kwentong ganoon tungkol sa mga nag-a-abroad.
Nakalulungkot isipin na kung paano ang pagpipilit ng ilan sa mga OFWs na magsumikap at magtiis para sa pamilyang iniwan sa Pilipinas ay nasisira naman ang mismong pamilya dahil sa wala sila rito sa bansa upang gabayan ang mga miyembro nito.
"You can't have all", ang sabi ng isang anonymous writer.
Subalit hindi ba't ang Panginoon naman ang nagdisenyo ng pamilya, kung kaya may kapasidad ito upang magsama ng matagumpay at maayos, kahit sa anong uri ng pagsubok at sitwasyon?
May kuwento ng lungkot katulad nila Betty at Celia. Ngunit lahat ba ng kwentong OFW ay katulad nila?
**********
"Uy, mare, wag kang mawawala sa birthday ng inaanak mo", sabi ni Mabel. "Sabado nang hapon 'yon".
"Sa Sabado na ba? Eh yung Mister mo, kumusta? Natuloy bang umuwi?", sabi ko.
"Oo, kahapon dumating", masayang kwento ni Mabel. "Alam mo, nag-usap kaming mag-asawa. Napagdesisyunan namin na huling kontrata na niya itong susunod na dalawang taon. Pagkatapos nang dalawang taon, tigil na siya sa pag-a-abroad".
"O, bakit naman? Malaki ang kita niya ah", sabi ko.
"Noong una pa naman, malinaw na sa aming dalawa na temporary lang ang pag-a-abroad niya. Talagang kailangan lang na makaipon kami ng malaki-laking pera para maumpisahan yung negosyo na binabalak naming itayo sa probinsiya nila sa Dagupan", kwento ni Mabel.
"Kaya nga kung mapapansin mo, kahit nasa abroad ang Mister ko, hindi naman halos nagbago ang lifestyle ko. Wise spending kami lagi, bumibili lang ng kung ano ang kailangan at kung ano ang dapat. Kahit yung anak namin, hindi lumaking may luho sa katawan. Eh ngayon na halos sapat na ang naipon namin para sa maayos na negosyo, pwede na siyang hindi mag-abroad.
Isa pa, lumalaki na ang anak namin. Mas magandang nakikita at nagagabayan siya ng Tatay niya sa paglaki niya."
--------------------
Ang kwentong ito ay alay para sa mga kababayan natin na nagsisikap magtrabaho sa ibang bansa upang mabigyan ng mabuting buhay ang kanilang pamilya dito sa Pilipinas. Gayundin, ito ay lahok para sa:
Kung kayo ay pinagpala ng kuwentong ito, hinihiling ng may akda na iboto ninyo ang entry na ito sa Online Voting System ng PEBA website. Sundin lamang ang mga sumusunod na proseso:
25 comments:
isang kiss para sa post na ito siyetehan...ang ganda ganda..makatotohanan!
i wish na manalo ka!
salamat, ate p0kw4ng. pasensiya na po at hindi ako nakakadalaw sa blog ninyo (naka-block kasi, masyado raw wholesome).
mabuti na lang meron pang mga matitino ... salamat sa post.
sana nga lahat na lang ng kwento tulad ng huling kwento...
@carnation: marami pa ring matitino. ang kailangan lang talaga ay makita at mailathala ang mga kuwento nila upang magsilbing inspirasyon sa iba.
@lordcm: sana nga, though, hindi maiiwasan na may mga nangyayaring hindi maganda talaga sa pamilya ng ibang OFWs.
anyway, salamat sa PEBA dahil nagkakaroon ng magandang avenue upang matalakay ng maayos ang mga ganitong sitwasyon.
hay, ang ganda. hindi nakaka-depress kundi nakaka-inspire! great work!
makatotohanan...totoo ang sitwasyon ito...walang pasikot sikot. deretso sa totoong pangyayaring nagaganap.
@Dinah: thanks for the recognition. may our writings always inspire our readers.
Cheers!
@pamatayhomesick: alay ito para sa mga katulad mong nagsusumikap magtrabaho na malayo sa bansang Pinas :)
mabuhay po kayo
ang ganda ng siyetehan hehehe, tunay na tunay na nagyayari…
kung pwede lang sana akong bomoto ulit hayzz,
yaan mo brad promote natin sa Facebook :)
Gob Bless!
salamat sa pagbisita sa bahay kong nasa square box hehehehe, salamat din sa comment. you got my vote!
@ kiko: maraming salamat, God bless you too.
@Yellow Bells, thanks. you've got a nice blog. Keep writing :)
maraming mukha ang OFWs may pinalad at hindi din naman, may sumubok ng isa ang iba naman ay makailang beses din. May mukha ng tagumpay at kabiguan.
marami din namang mukha ang pamilya ng mga OFWs na naiwan sa Pilipinas, ang iba ay nagpakasasa sa salapi at hindi man lang naisip ang pagod at pagpapagal sa ibang bansa ng mahal sa buhay. ang iba naman ay hindi naging tapat sa mga asawa nila at ang minsang pinangarapa na masaya at marangyang pamilya na dahilan ng pangingibang bansa ay nawala.
sa iba't-ibang mukha ng pamilyang OFWs maraming matututunan na aral, kagaya ng akda niyo po na ang lahat ng bagay ay pansamantala lang kagaya ng pangingibang bansa, uuwi at uuwi pa rin sa Pamilya at sa bayang Pilipinas. Great entry po.
salamat po sa pagdaan po sa blog ko. add ko po kayo sa link ko. God bless po!
dapat talaga mag wise sa pag gamit ng pera...lalo na kung may plano sa isang negosyo. minsan din talaga yong mga naiiwan sa Pinas hindi alam kung gaano kahirap para lang matustusan ng asawa o pamilya nila ang mga pangangailangan.
@PONG: maraming salamat sa pagdalaw sa blog ko.
@MARCOPAOLO: sa lahat ng pagkakataon, importante talagang maging wais. mahirap nang kumita ng pera, malungkot naman kung mapupunta pa sa wala ang pinaghirapan.
"Wander Milyoner" na pala ang tawag dyan. Dati kasi "one day milyoner". Isang araw na pasarap sa buhay tapos isang buwan na naka tunganga.
One Day Millionaaire nga po; but our Aling Neneng has a habit of mixing up words :)
marami pong salamat sa pagdalaw.
wow ngaun ko lng nlaman ung meaning ng wander milyoner na yan
masaya rin ako pra sa mare mo at mukhang di wander milyoner si mare ah..hehehe
nice entry wish you gud luck sana manalo ka!
ngat palagi
The reality behind an OFW life is best described in this post. Makatotohanan. I wish you the best. Good luck to you!
CONGRATULATIONS! for winning the 2010 PEBA.
I really don’t know how I got there but I’d like to say a big thank you to all of you that voted – it wasn’t so much about the title or the trophy, but the amazing community here that took the time to vote for me.
Post a Comment