Si Mang Joe

Tuesday, September 21, 2010 ·

Regular visitor namin si Mang Joe dati sa Boarding House noong nag-aaral pa ako sa isang malaking unibersidad sa Central Luzon.


Araw-araw kasi tuwing alas sais ng hapon, tumatambay na siya sa tapat ng bahay para maghintay ng mga estudyanteng bibili ng tinda niyang fishballs. Dahil marami-rami kaming nanunuluyan sa boarding house, halos sa amin pa lang, nauubos na ang paninda niya. Naging kapalagayan na rin namin siya ng loob kaya kahit na ubos na ang paninda, tumatambay rin siya paminsan-minsan para lang makipagkwentuhan.


Minsan ay naisipan ko siyang biruin kung bakit naman sa dinami-dami ng maititinda eh yung cheap at street food pa ang napili niya.


"Oy, Dong, wag mong iniismol ang pisbol ko! Alam mo bang kahit pisbol lang ang tinda ko eh me anak ako sa UP?", mayabang niyang sagot.


"Talaga ho?!", pagulat kong sabi.


"Oo, Dong, pero yung anak ko, nagtitinda rin ng pisbol sa UP!", tsaka siya tumawa ng malutong. "Pumasok ka na nga, Dong, sa boarding house, at gumagabi na. Baka maaga pa ang pasok mo bukas".




**********


Nang minsang matiyempuhan na ako lang ang mag-isang bumibili ng fishball ay tinanong ako ni Mang Joe. "Dong, mahirap ba yang course mong Education? Kasi yung anak kong sinasabi sa'yo na nasa UP, magsi-second year na sa June, eh Education daw ang kukuhaning kurso."


Noon ko lang nalaman na totoo palang may anak siyang fishball vendor nga sa UP pero paunti-unti ay nag-aaral.


"Hindi naman mahirap ang kursong Education, Mang Joe. Ang importante eh masipag mag-aral at may determinasyon na makatapos", sabi ko.


"Kunsabagay, tama ka. Alam mo, masipag yung anak ko. Tsaka hindi niya ikinakahiya na magtinda ng fishball. Basta sa kanya, hindi dapat ikahiya ang marangal na trabaho, makatapos lang ng pag-aaral."


"Magtatagumpay ang anak niyo, Mang Joe", sabi ko. "Sa tulong ng Diyos, makakatapos ang anak niyo."


"Salamat, Dong. Yan ang ipinapanalangin ko sa Kanya araw-araw", pagwawakas niyang sabi.






**********


Lumabas ako isang hapon dahil nagkaka-ingay sa tapat ng Boarding House. Masaya ang mga tao habang nakapaligid sa fishball cart ni Mang Joe. Nang matanaw ako ni Mang Joe ay pasigaw niya akong tinawag. "Dong! Alika dito! Tumusok ka na nang fishball dito at sagot ko! Eat All You Can!", masaya niyang sabi.


"Ano ho'ng meron?", sabi ko nang makalapit ako't mag-umpisang tumuhog ng fishball.


"Na-promote ang anak niya, 'tol!", sabi nang isang boardmate ko. "Di na raw fishball vendor. Sa Jollibee na raw nagta-trabaho, hahaha!".


"Oo, Dong", sabi ni Mang Joe. "Natanggap na crew sa Jollibee ang anak ko sa may Pelkuwa daw ata 'yun", nakangiti niyang sabi.


"Ah, PHILCOA po", sabi ko naman. "Mas mainam po doon, mas malaki ang kita niya at mas maayos ang trabaho".


"Oo, kaya nga tuwang-tuwa ako. O! tusok pa! Kain lang ng kain at walang bayad yan!"


Halos alas-otso na nang gabi nang magpaalam si Mang Joe para umuwi.


"Sandali ho, Mang Joe", sabi ko at mabilis akong pumasok sa Boarding House.


Pagbalik ko ay iniabot ko ang ilang librong itinabi ko na layon ko talagang ibigay sa anak ni Mang Joe. "Pakibigay niyo na ho ito sa anak niyo. Mga libro ko ho yan at mga reviewers. Dagdag reading materials para hindi na siya bumili pa."


"Salamat, Dong, ha! Matutuwa ang anak ko dito. Tamang-tama, dadalaw kami sa kanya sa katapusan, maibibigay ko ito sa kanya!"






**********


Limang taon ang lumipas nang muli akong makabalita tungkol kay Mang Joe. Kagagaling ko noon sa pinapagtuturuang University sa Quezon City at naisipan kong manood ng documentary show sa Channel 7 kung saan ang feature nila ay tungkol sa mga estudyanteng nag-top ng board exam sa larangan ng Accountancy, Nursing at Education.

Kasali sa istorya ay ang family at educational background ng mga topnotchers, at isa sa mga ini-interview ay isang taong kilalang-kilala ko- Si Mang Joe.

Nag-top 2 pala ang anak niya sa Board Exam for Teachers, at ngayon ay na-absorb na para maging professor sa UP. Nakakatuwa dahil hindi niya ikinahiyang sabihin sa publiko na nagtinda siya ng fish ball at naging crew ng Jollibee para lang makapag-ipon ng pang-matrikula. Malaki rin ang pasasalamat niya sa mga magulang niya na naging inspirasyon niya para makapagtapos ng pag-aaral.

Nalaman ko rin na kahit nakatapos na nang pag-aaral ang anak ay patuloy pa rin si Mang Joe sa pagtitinda ng fishball sa pinag-aralan kong unibersidad.

Bigla ko tuloy na-miss kumain nang fishball. Naisip ko- sa katapusan ay yayayain kong dumalaw sa probinsiya ang pamilya ko. Dadaan din kami sa dati kong unibersidad para kumain nang fishball.

Panigurado, may eat all you can offer na naman sa akin si Mang Joe.





--------------------




Ang kwentong ito ay entry para sa Maikling Kwento sa ikalawang taon ng Saranggola Blog Awards.










Maraming salamat sa DMCI Homes at Alta Vista De Boracay na siyang tumatayong sponsors ng Saranggola Blog Awards.




















32 comments:

batanglate said...
Tue Sep 21, 10:44:00 PM  

galing! lab ko na din si mang joe. haha!
Goodluck po sa SBA! :)

siyetehan said...
Tue Sep 21, 11:18:00 PM  

salamat! may entry ka rin?

an_indecent_mind said...
Wed Sep 22, 12:18:00 AM  

ayos ang istorya ng buhay ni Mang jOe! very inspiring! nice post! (napadaan lang ho..)

siyetehan said...
Wed Sep 22, 12:22:00 AM  

salamat po sa pagbisita :)

Anonymous said...
Wed Sep 22, 03:25:00 AM  

Hi po,ang ganda and very insPiring sana marami pang gantong artic na magawa.

mountaintop experience said...
Wed Sep 22, 03:33:00 AM  

Bro, welcome back to writing!

Next time na ako babalik para magbigay ng comment.

siyetehan said...
Wed Sep 22, 06:23:00 PM  

@anonymous: tenkyu, tenkyu. hangad ng bawat manunulat na maging inspirasyon ang kanyang mga katha sa bawat makababasa nito.

siyetehan said...
Wed Sep 22, 06:25:00 PM  

@mountaintop experience: salamat. uy, matagal ka na ring hindi nag a update ng blog?

Sa Likod Ng Ulap said...
Thu Sep 23, 12:42:00 AM  

Galing ng kuwento mo igan. may aral siya.

sipag+tiyaga+tamang paraan=abot ang pangarap.

siyetehan said...
Thu Sep 23, 12:58:00 AM  

@sa likod ng ulap: salamat po sa pagbabasa :)

p0kw4ng said...
Thu Sep 23, 08:22:00 AM  

may tumulong luha sa mata ko habang binabasa ko ito...kakatuwa..very inspiring!

sana manalo ka! goodluck ha!

siyetehan said...
Thu Sep 23, 07:15:00 PM  

hi p0kw4ng: welkam bak sa bahay ko. salamat sa komento. :)

pamatayhomesick said...
Sat Sep 25, 11:49:00 PM  

mahusay ang piyesa mo pards...may damdamin!

siyetehan said...
Sun Sep 26, 07:37:00 PM  

salamat, @pamatayhomesick.

:)

Bonistation said...
Mon Sep 27, 03:31:00 PM  

ang ganda ng kwento! na uplifting!! MORE POWER TO YOU!!

livingstain said...
Tue Sep 28, 07:51:00 PM  

tang**a naiiyak ako kahit wala namang nakakalungkot, kakatouch, panalo ka na. nakakatuwa ang mga taong mababaw lang ang kaligayahan, san ka naman nakakita ng nagpaeat ol u can ng dahil lang sa napasok sa jollibee ang anak, how much more ngayon that his son is now a professor at UP. Viva mang joe.

si mang maning kilala mo?

siyetehan said...
Wed Sep 29, 12:10:00 AM  

@bonistation: salamat po

siyetehan said...
Wed Sep 29, 12:20:00 AM  

@livingstain: ganun kasi ang pinoy, masayahin. muntik karangalang naabot eh abot ang pasasalamat sa Diyos at sa kapwa.

:D

saranggola said...
Wed Sep 29, 06:49:00 AM  

galing!
nakakainspire naman yan. Sa totoong buhay, maraming gaya ni Mang Joe na nagsusumikap, anak niya na hindi binabalewala ang pag-aaral at gaya mo na nagpapalibre ng fishball lols.

livingstain said...
Wed Sep 29, 06:50:00 PM  

ikaw na ang panalo. promise

jasonhamster said...
Wed Sep 29, 08:00:00 PM  

wow naman nakakainspire... from pisbol sa felkowa hanggang topnatcher nakanakanaks!!

mountaintop experience said...
Wed Sep 29, 08:41:00 PM  

education will always be key for progress.

ito sana ang pagtuunan nang malaking pansin ng ating gubyerno.

siyetehan said...
Thu Sep 30, 07:51:00 PM  

@berndard: marami ngang talagang katulad ni Mang Joe. Kailangan lang ay magkaroon ng "avenue" para maipakilala sila sa madla. Salamat sa Saranggola Blog Awards.

siyetehan said...
Thu Sep 30, 07:54:00 PM  

@livingstain: wag tayong pakasiguro. :) maraming kathang magagaling na kasali sa kontes :)

ang importante, lumahok tayo at nag-enjoy sa paligsahan.

siyetehan said...
Thu Sep 30, 08:01:00 PM  

@jasonhamster: our foremost drive for writing is to inspire people :)

siyetehan said...
Thu Sep 30, 08:03:00 PM  

@mountaintop experience: side by side yan sa pagpupursige ng mga magulang na itaguyod ang kanilang mga anak upang makatapos ng pag aaral.

livingstain said...
Sun Oct 03, 08:37:00 PM  

oi salamat sa pagpost sa licablog ha, sana muli itong mabuhay, gulat ako nandon ung gawa naten, buhay pa ba sila mang ding? bakit hindi na nagmamasyal don.

nung kampanyahan daming nakakilala bigla sakin na mga taga licab, sabi ni mama pag may tatlo daw na nagsabi sa kanya na "anak nyo po ba si alvin, nababasa ko po ang blog nya, magaling po sya" weh di ako naniniwalang kilala nila ko. whahahaha

susulat ako sa licabblog, padala ko na lang sayo. papost na lang po pag my time.

J. Kulisap said...
Mon Oct 04, 10:22:00 PM  

Hindi ko rin ikinahihiyang nagtinda ako ng gulay sa gilid ng kalsada tuwing hapon, ang mabulok ang aking kuko sa daliri dahil sa kakahugas ng mga pinagkainan sa palengke. Batang Jollibee din ako.'Don ako nakatapos, pero wala namang mataas na parangal, ayos na rin- nakahulagpos ako sa pagdarahop.

Kapag may pangarap kang maging iba ang landas, gagawa ka ng paraan para matupad ito.

Si Mang Joe, larawan ng amang nagpupunyagi para maitawid ang pamumuhay ng kanilang pamilya na sinuklian naman ng kaniyang anak. Ang tagumpay ng kaniyang matalinong anak ay karangalan naman sa kaniya.

Maraming magagandang entries sa SBA. Masarap basahin at pagnilayan.

Salamat sa pagbabahagi nito.

siyetehan said...
Mon Oct 04, 10:29:00 PM  

salamat, Jkul. Mabuhay ang mga taong patuloy na nagpupunyage, anuman ang katayuan sa buhay, upang makamit ang pangarap.

siyetehan said...
Mon Oct 04, 10:31:00 PM  

@livingstain: wag kang mag alala, bubuhayin natin ang licabblog. panahon na para makilala ang ating munting bayan :)

Anonymous said...
Mon Jan 03, 11:31:00 PM  

Pahiram ng Kwento... ipopost ko lang sa fb (community yun ng mga taga Sta Maria sa FB) alam kong kapupulutan nila ito ng aral. salamat!

Unknown said...
Tue Jan 04, 02:20:00 AM  

nice..........ang gling2 ahh...oo nga wla tlgang imposible pg ang issang tao ay my determinasyon, pangarap at hiagit sa lhat pana2lig sa dyos...........congrta'z........

Post a Comment

PEBA NOMINEE

Siyetehan Supports PEBA



Siyetehan Wins

Philippine Blog Awards