Sunday, May 1, 2011

Kalayaan


Maluwag pa naman ang jeep kaya huminto si manong driver nang makita niyang kumakaway si Lola.

Pagtapat ng jeep sa may waiting shed na kinatatayuan ni Lola,

Lola: Dadaan kayo ng Kalayaan?
Driver: Saan ho kayo sa kalayaan?
Lola: Dadaan kayo? Sa Kalayaan sa may PNB Bank.
Driver: Yung sa malapit ho sa Quezon City Circle? Oho, dadaan ho.
Lola: Hindi, sige na, hindi ako sasakay.

Sabay lumakad na palayo si Lola habang naiwan kaming matagal na napatanga bago muling humarurot ang jeep.

No comments:

Post a Comment