Muli
158 noong 2009.
61 noong 2010.
31 noong 2011.
Hanggang naging 8 na lang noong 2012.
Hinangad kong makapagpahayag ng kuru-kuro sa malayang pamamahayag, kung kaya nga naipanganak sa blogsphere ang Siyetehan. Sa simula ay marahas, aktibo, namumutiktik sa dami ng artikulong gustong lumabas sa utak, gustong isulat; ngunit kagaya rin ng ibang bagay, unti-unting nalalaos, naluluma, at napapag-iwanan ng panahon.
Nauubos nga ba ang hangaring magsulat? Nawawala nga ba ang pasyon na humabi ng salita at makapagpahayag ng saloobin upang guminhawa ang damdamin?
Wari'y may isang maliit na baga ng apoy na muling nahanginan at nagbabadya ng muling pagkamulat upang muling magsulat.
Susubukan kong muli.
Subscribe to:
Posts (Atom)
Dailies
On My League
- Business Review
- HayMen
- Semidoppel
- Mountain Top Experience
- LordCM
- Going Against The Current
- Interstellar Gateway
- P0kw4ng
- Kaspangarigan
- Carlo Dimaandal
- Llama's Journal
- Movie Reviews
- A-Z-E-L
- To Be, To Be. Tutubi
- Batang Late
- Badong
- Bernard Umali
- Cebu Image
- Isang Panata
- Precious
- The Lady In Green Ruffles